CHAPTER 1

9.7K 231 21
                                    

RALPH ROQUE'S POV

*KRIIINNGG KRIINNGG*

Kanina pa tumutunog yung telepono dito sa kwarto ko.

Ayaw kong sagutin kasi baka si Patricia nanaman yan.

Matapos niya akong gaguhin at lokohin bakit ko pa siya kakausapin.

Nakita ko siyang may kasamang iba at kahalikan sa park kagabi.

Nang makita ko siya ay pumunta kaagad ako sa harapan nila.

Sinuntok ko yung lalaki.

Nakita kong nabigla si Patricia kaya kinausap ko siya. Mata sa mata at nakipag-break ako sa kaniya. Ayoko nang isalaysay ang buong pangyayari dahil baka umiyak lang ako.

Umiiyak siya nang iwan ko silang dalawa ng lalaki niya.

Simula pa kagabing pag uwi ko ay namumukmok na ako dito sa kwarto ko. Napakasakit ng ginawa niya sa akin.

Sinayang niya yung dalawang taon namin.

"Nak, gising na, papasok ka pa" sabi ni Mama na nasa labas ng kwarto ko.

Paglabas ko ng kwarto ay hindi ko pinahalata kay Mama na nasasaktan ako.

Ngumiti parin ako kahit na ang sakit-sakit.

"Tumawag si Patricia sa akin kanina. Pupunta daw siya dito" sabi ni Mama.

Hindi nalang ako nagreact.

Kung gusto niya akong puntahan dito bahala siya dahil papasok ako ng school.

Nag asikaso na ako. Since break na kami ni Patricia ay hindi ko na sinuot yung couple ring na binili ko para sa aming dalawa nung 1st anniversary namin.

Ano pang saysay kung susuotin ko yun eh break na kami. Magsama sila ng lalaking yun.

Nang makarating ako sa school ay dinumog agad ako ng mga babae. Hindi naman sa pagmamayabang pero sikat ako sa school, dahil sa kagwapuhan ko.

O__O

Bigla akong may naramdamang nakapagpatayo ng balahibo ko.

Ma..may pumipisil ng puwet ko.

Paglingon ko sa likod ko ay nakita ko ang isang lalaki.

Tinitignan niya pa ang ginagawa niyang pamimisil sa puwet ko.

Humarap ako sa kaniya dahilan para matingil ang pamimisil niya.

"Si-sino ka ba? Bakit mo pinipisil ang puwet ko?" tanong ko sa kaniya.

Humarap siya sa akin, tapos ngumiti siya.

"Manliligaw mo" sabi niya.

Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya. Hindi ba siya nandidiri sa pinagsasabi niya?

"Hoy, mandiri ka nga, hindi tayo talo kaya wag kang umasa na sasagutin kita, tsaka mahiya ka madaming nakakarinig sayo" sabi ko sa kaniya.

Pero mas kinagulat ko ay yung reaksyon ng mga babaeng nakapalibot sa amin.

Nakangiti silang lahat, kung anime lang 'to baka hugis puso na ang mga mata nila.

Bakit parang gusto pa nila ang nangyayari?

Tapos nilabas nila mga cellphone nila. Mukhang pipicturan yata nila kami.

Kaya umalis na ako bago pa nila ako makuhanan ng picture.

Pumasok kaagad ako ng room. Pagdating ko eh pumikit ako ng mata. Napagod ako.

Bwisit. Sino ba kasi yung lalaking yun? Napaka-troll.

The Campus Heartthrob's Suitor (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon