Read the Author's Note below after the chapter ends.
~××~
RALPH'S POV
Nagulat ako sa nakita ko.
Isang Foton Cargo truck na nakabukas ang side at laman nito ang Heaven Way Band.
Tinutugtog nila ng instrumental ng kantang naging paborito ko dahil kay Ice.
Nakita ko si Nilo na nagha-hum ng lyrics.
Nagmadali akong lumabas para tanungin sa kaniya kung anong nangyayari.
Paglabas ko eh nakita kong ang mga tao sa katabing bahay eh nakadungaw din sa terrace nila o kaya nasa labas nila para manood.
🎶Hey, have you ever tried
Really reaching out for the other side?
I may be climbing on rainbows
But baby, here goes🎶Biglang lumabas si Ice mula sa likod ng truck.
🎶Dreams, they're for those who sleep
Life is for us to keep
And if you're wondering what this song is leading to
I want to make it with you🎶Pumunta siya sa taas ng truck at nilagay ang mic niya sa mic stand.
🎶I really think that we could make it, boy
No, you don't know me well
And every little thing only time will tell
If you believe the things that I do
And we'll see it through🎶Isa-isang lumabas ang barkada at nahele-helera sa harap ko.
🎶Life can be short or long
Love can be right or wrong
And if I chose the one I'd like to help me through
I'd like to make it with you🎶
Ano bang meron? Bakit sila nandito ulit?Lahat sila ay nakangiti.
🎶I really think that we could make it, boy
Baby, you know that dreams there for those who sleep
Life is for us to keep
And if I chose the one I'd like to help me through
I'd like to make it with you
I really think that we could make it, boy
I really think that we could make it, boy🎶"Hi Ralph, siguro nagtataka ka noh, kung bakit kami nandito. Kung bakit ako nandito at hinaharana ka" sabi niya habang pababa ng truck.
"For the past 8 years, tinawag ako ng mga tao bilang The Campus heartthrob's Suitor. Suitor means manliligaw, boyfriend, lover. That title suits to me well. And I want you to know that I am willing to claim that title forever" pagpapatuloy niya.
"Gusto kong sabihin sayo na kahit na anong mangyari. Ikaw at ikaw lang ang taong mamahalin ko. Wala na akong pakialam kung anong sabihin ng mga tao. Wala akong pakialam kung sabihin nilang wala akong kwentang asawa at anak sa pamilya ko. Kasi desidido na ako. Ikaw ang pipiliin ko" sabi niya sakto namang kakarating niya lang sa harapan ko.
Hindi pwede 'to.
Sinuntok ko siya sa mukha at umalis na ako. Nabigla ang lahat ng tao. Kay tumalikod na ako. Hindi pa ako nakakapasok sa bahay ko eh biglang may babaeng nagsalita.
"Hey, faggot!" ang boses na yun. Siya lang yung babaeng tumawag sa akin non.
Bakit sinama pa niya dito ang asawa niya? Bakit kailangan niyang ipamukha kay Jane na ako ang pinipili niya?
"Bumalik ka nga dito!" sabi ni Jane habang naka-mic.
Humarap ako sa kaniya.
"Wag kang mag-alala. Ayokong makasira ng pamilya" sabi ko.
"At sinong nagsabi na sinisira mo ang pamilya namin?" naguluhan ako sa sinabi niya.
Humarap ako nang may halong pagtataka. Nakangiti silang lahat kahit si Jane.
BINABASA MO ANG
The Campus Heartthrob's Suitor (BOYXBOY)
RomanceAno kaya ang mangyayari sa buhay ng isang straight na lalaki matapos ang break up niya sa kaniyang girlfriend. Ano kaya ang magiging reaksyon niya sa pagdating ng isang lalaking tinaguriang THE CAMPUS HEARTTHROB'S SUITOR sa kaniyang buhay. Bibigay k...