ICE DE GUZMAN'S POV
"Patricia" hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa pagtawag niya kay Patricia habang tulog.
"Ralph" banggit ni Mike sa pangalan ni Ralph habang ginigising niya ito.
Maya-maya eh minulat na ni Ralph ang mata niya.
Inikot niya ang paningin niya sa amin na para bang kinikilala niya ang bawat isa hanggang sa magtama ang mata namin.
Tinititigan niya ako.
Napayuko naman ako sa lungkot dahil halatang nakalimutan niya ako.
"Bili mo ko ng sandwich tsaka yakult Ice ko, sige na! Nagugutom ako eh" napatingin ako sa kaniya at ngimiti.
Sinunggaban ko kaagad siya ng yakap.
"Bwiset ka talaga eh noh, nakakainis ka lagi mo nalang akong niloloko" sabi ko habang yakap-yakap ko siya at umiiyak ako.
"Haha, nag-iisip lang ako kung anong ipapabili ko sayo kung anu-ano pala iniisip mo" sabi niya.
"Hoy! Ice kinabahan ako sayo ha" sabi ni Lara na nakavideocall pa.
"Lola mo, iyak ng iyak kasi hindi ka pa daw gumigising" sabi pa ni Lara.
"Haha napasarap tulog ko eh" sabi ni Ice.
"Alam mo ang sarap mo batukan" sabi ko kaniya.
"Sige batukan mo ko, para matuluyan ako" pagbabanta niya.
Pinisil naman niya pisnge ko.
Tapos ngumiti ako.
"Ano nga ulit pinapabili mo? Ako nang bibili" sabi ni Mike.
"Sandwich tsaka yakult, pakidamihan ah, nagugutom talaga ako eh" sabi ko.
Paalis na sana si Mike nang sumama yung iba. At kaming dalawa nalang ni Ralph ang natira dito.
"May kasalanan ka pa sakin, bumawi ka ha" sabi ko sa kaniya.
"Ano naman yun?" tanong niya.
"Eh lagi nalang tayong hindi natutuloy" sabi ko.
"Saan?" tanong niya na may halong pagtataka.
"Sa ano, doon sa ano, sa kwarto ko!" sabi ko habang nahihiya.
Tawa siya ng tawa.
"Pag magaling na talaga ako promise matutuloy yun" sabi niya.
Maya-maya ay pumasok ang doctor.
"Hello Ralph, kamusta pakiramdam mo may masakit ba sayo?" tanong ng Doctor.
"Wala naman po" sabi ni Ralph.
"Sige, pumunta lang ako dito para icheck ka tatawagan ko na din ang magulang mo para sa mga further instruction ha" sabi pa ng doctor tapos umalis na siya.
"Hoy!!!" sigaw ko sa kaniya. May naalala kasi ako.
"Ano ba bakit ka sumisigaw?" sita ni niya.
"Bakit nung tulog ka, tinatawag mo si Patricia ano yun?" tanong ko sa kaniya.
Ngumiti siya sa akin.
"Hahaha wala, gising na ako nun inaasar ko lang kayo" nang marinig ko yun eh pinisil ko yung braso niya.
"Ang hilig hilig mo talaga manloko noh!!" sabi ko habang patagal ng patagal yung pagpisil ko sa braso niya.
"Araaaayy! ang sakit ng ulo ko" napatigil naman ako.
BINABASA MO ANG
The Campus Heartthrob's Suitor (BOYXBOY)
RomanceAno kaya ang mangyayari sa buhay ng isang straight na lalaki matapos ang break up niya sa kaniyang girlfriend. Ano kaya ang magiging reaksyon niya sa pagdating ng isang lalaking tinaguriang THE CAMPUS HEARTTHROB'S SUITOR sa kaniyang buhay. Bibigay k...