CHAPTER 7

2.9K 119 7
                                    

Busy ang boyfriend ko ng tatlong araw. Apat na araw ko na din siyang hindi nakakasama ng mas madalas.

Lalakad lang naman kasi sila bakit kailangan pang magpractice.

Hay ewan.

Kaya eto ako ngayon nga-nga naghihintay na matapos ang practice.

"Matagal pa ba yan?!" sigaw ko sa kanila.

Napatingin sa akin ng masama yung Student Council President.

Hindi ako nagpatalo tinignan ko din ng masama.

"Dalian nyo na, namimiss ko na boyfriend ko, baka pwedeng dalian nyo na" pagmamaktol ko.

Natatawa nalang yung iba sa akin.

Paano ba naman kasi last day na niya bukas sa section namin. Ibigsabihin sa lunes doon na siya sa totoong section niya. Hindi nanaman ako makakapag-aral nito ng mabuti eh.

Maya-maya ay natapos na sila.

"Hay salamat natapos na din kayo" sabi ko sa kaniya tapos hinalikan niya ako sa labi.

"Hoy, wag kayo dito magbuntisan" sabi ni Mike na contestant din.

"Nagkiss lang nagbubuntisan na kaagad? Baliw ka ba?" pambabara ni Joey.

"Hoy Joey, baka hindi mo alam? alam ko ang pinaggagawa nyo ni Land!" napatingin kami kay Joey dahil sa sinabi ni Mike.

"Anong meron kay kuya?" tanong ni Ice.

"Ayun nahuli ko sa sa sulok ng library, mga walang galang sa katahimikan, naghahalikan ba naman sa sulok" pagrereklamo ni Mike.

Napatingin ulit kami ni Ice kay Joey.

"Masarap, masarap kaya" natawa kami sa sinabi ni Joey. Hahahaha. Pero si Mike diring-diri. Hahaha.

"Baliw yun si Kuya Land ha, ako hindi ako naglihim sa kanila pero siya nililihim niya, tara na Ralph sa bahay ka na kumain" sabi ni Ice sabay hila sa akin.

8 PM na kasi, malamang kila Ice na naman ako matutulog. Pag ganitong oras kasi, ang bilin sa akin ni Mama eh wag na umuwi ng bahay kila Ice na ako tumuloy.

Sa awa ng itaas, ayun hindi pa naman ako nare-rape. Hahaha.

Pagdating namin sa bahay nila Ice eh dumiretso agad siya sa harap ni Kuya Land.

"Kuya Wind taraaaa!!" sigaw ni Ice. Napatakbo nama si Kuya Wind.

"Ano ba yun?" tanong ni Kuya Wind na galing sa kusina, nagluluto yata.

"Etong magaling nating kapatid, nahuli ni Mike na nakikipaghalikan kay Joey sa sulok ng library" pagsusumbong ni Ice.

Nagulat si Kuya Land sa sumbong ng boyfriend ko. Hahaha.

"Sus, yun lang pala eh, kayo nga ni Ralph sa harapan ko pa, buti nga yang kuya mo sa sulok ng library eh" sabi ni Kuya Wind.

Hahaha tawang-tawa kami ni Kuya Land sa sinabi ni Kuya Wind. Si Ice naman eh napakamot.

"oh ngayon ka pa nahiya?" tanong ni Kuya Wind kay Ice. Hahaha.

"kayo na ba ng kaibigan ko?" tanong ko kay Kuya Land.

"Hindi oy, trip lang namin yung ginawa namin sa library. Haha" walang kwenta niyang sagot sa amin.

Habang kumakain kami eh pinag-uusapan namin yung mangyayari bukas.

"Anong kakantahin mo bukas?" tanong ni Kuya Land kay Ice.

"Haha secret" sagot ni Ice.

"kilala ko yung mga judge, pwede ko silang sabihan na ikaw ang manalo" sabi ko.

The Campus Heartthrob's Suitor (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon