Book 2 Chapter 22

513 28 0
                                    

AUTHOR'S NOTE

This Chapter is Rated SPG. It contained sex scene that not suitable for very young readers and close minded readers. Read at your own risk.

~××~

ICE'S POV

DECEMBER 16, Saturday.

Malapit na kami sa school. Nasa byahe na kasi kami ngayon pabalik. Umaga kami umalis ng campsite kaya hapon na kami makakabalik sa school.

Dahil naging special guest kami ng banda sa christmas camping eh hindi na ako bumalik ng Manila, pinag-stay na ako sa campsite at tumuloy sa tent nila Ralph.

Nung uwian na eh nalungkot ako ng sobta kasi hindi pinayagan si Ralph na magstay sa camping. Kaya ngayon miss na miss ko na siya.

3 days kaming hindi nagkita. 

Pero angsaya ko talaga nung araw ng birthday ko kasi napasaya ko si Ralph.

*Flashback*

"Surprise!!" sabi ko sa kaniya. Lumayo kami konti sa hall.

Ngumiti siya tapos niyakap niya ako.

"Napasaya ba kita?" tanong ko. Kita naman sa mukha niya na masaya siya eh gusto ko lang siyang tanungin.

Noong nalaman ko kasi na naghahanap ng banda na ige-guest sa camping eh pumunta kaagad ako sa nag-aasikaso ng camping. Pumayag naman sila since tinulungan ako ni James na kausapin sila.

Sinabi ko din lahat ng plano ko kay Nilo.

"Alam mo, hindi ko alam kung bakit ako nainlove sayo, naalala mo ayoko sayo nung una kasi nga straight ako" sabi niya matapos niyang humiwalay ng yakap sa akin.

"Kasi gwapo ako?" patanong kong sabi.

"Kasi cute ako?" habol ko pa.

Natawa naman siya sa mga sinabi ko.

"Alam mo, kanina habang nasa stage ako nakita ko yung mga taong tumatanggap sa atin" sabi niya habang nakangiti. Nakikita ko yung mata niya na parang angsaya-saya niya.

"Kaya wag ka na mag-alala sa future natin. Ako nga kinausap ko na din si Kuya nung birthday niya eh. Alam mo ba sabi niya sa akin eh wag muna daw nating isipin ang future" sabi ko.

Hinalikan niya ako sa noo tapos niyakap niya. 

"Alam mo yung pagmamahal ko sayo yung pangalawang magandang nagawa ko" sabi ko. Napahiwalay naman siya sa akin tapos tinitigan niya ako sa mata.

"Pangalawa lang? Eh ano yung una?" tanong niya.

Ngumiti ako, hindi ako sumagot tapis tumalikod ako sa kaniya.

Hinawakan naman niya yung braso ko.

"Uy, ano yung una?" tanong niya.

"Huy!"

"Pssttt!!" Hindi ko mapigilang ngumiti sa pangungulit niya.

"Yung naglakas loob akong pisilin yung pwet mo sa unang pagkakataon" sabi ko habang ngumingiti. Di ko napigilang kiligin sa sinabi ko.

Hindi ko siya narinig na nagsalita. Kay humarap ako sa kaniya.

"bwiset ka kinilig ako don. Hahahahhaa" sabi niya habang tumatawa.

"Teka huy pumikit ka muna" sabi ko sa kaniya na kunyari eh natataranta.

"Ano yun? Bakit?" tanong niya 

The Campus Heartthrob's Suitor (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon