ICE DE GUZMAN'S POV
"Alam mo ba, napakasaya ko ngayon" sabi niya sa akin.
Huminto ako sa paglalakad dito sa gilid ng dagat. Hindi ko napigilang tumulo ulit ang mga luha ko.
"Pero hindi nyo po alam kung anong hirap ang naranasan ko sa poder nila Papa. Niminsan hindi ko naramdman ang pagmamahal nila. Nihindi ko nga alam kung minahal nila ako eh."
Napahinto siya sa mga sinabi ko. Maya-maya ay narinig ko ang mahihina niyang hikbi.
"Patawad" sabi niya tsaka lumingon sa akin para yakapin ako.
"Patawarin mo ko, hindi kita naipaglaban sa tatay mo, patawarin mo ko!" mas lalo akong naiyak sa mga narinig ko.
"Pero bakit hindi mo ko pinuntahan man lang o sinabi sa akin ng mas maaga?" tanong ko sa kaniya.
"Kasi..kasi binalaan ako ng tatay mo na kapag nagpakilala ako sayo eh ilalayo ka niya sa akin" hindi ko mapigilan ang sarili kong magalit sa tatay ko.
"Ma!" sabi ko sa kaniya.
Humarap siya sa akin.
"Ang mahalaga kasama na kita, kasama ko na yung taong pinangarap ko na makasama bukod pa kay Ralph" sabi ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at hinimas-himas ang buhok ko.
"I love you anak" sabi niya sa akin.
"I love you din Ma" sabi ko sa kaniya.
Naglakad-lakad lang kami hanggang sa makarating kami sa mga malalaking bato at doon naupo.
Napakaganda ng gabi ko.
"Ice, Mam Laida kakain na daw po. Naghanda sila Lola ng konting salu-salo sa garden" sabi ni Ralph na kakarating lang.
Hinatak ko ang kamay niya at pinaupo ko siya sa tabi ko.
"Ah eh, kakain na tayo" sabi ni Ralph.
Humarap sa kaniya si Mama.
"Ralph, ipagkakatiwala ko sayo ang anak ko ha" sabi ni Mama.
"Ah eh opo Mam. Laida. Responsibilidad ko po si Ice" sabi ni Ralph.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayong gabi. Napakasaya kasi halos lahat ng kamag-anak nila Ralph dito eh walang tutol sa kung anong meron sa aming dalawa.
Nagkaroon nga ng karerahan sa pagkain eh kasi naghanda ng boodle fight ang Lola ni Ice.
Pagkatapos namin kumain eh hinila ako ni Lara.
"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko.
"Basta may kailangan tayong pag-usapan" sabi niya.
"Baka magselos si Mike" sabi ko naman.
"Baliw di yun magseselos sayo" sabi niya. Huminto kami sa isang mapaking puno sa gilid ng dagat.
"Hindi mo sinabi sa akin na bakla ka" sabi niya. Napatitig ako sa kaniya.
"Haha, sila kuya lang ang nakakaalam tsaka si Mama" sabi ko.
Actually alam ni Mama na matagal ko nang mahal/crush si Ralph. Simula kasi nang makilala ko si Mama eh sinasabi ko na sa kaniya ang lahat tungkol sa nararamdaman ko sa pamilya ko at kay Ralph. Hindi ko nga lang alam noong panahon na yun na siya pala ang Mama ko.
Kaya hindi ko magawang magalit sa kaniya. Kasi kahit na hindi niya pinaalam sa akin eh naging ina siya sa akin nung mga panahon na malungkot ako.
BINABASA MO ANG
The Campus Heartthrob's Suitor (BOYXBOY)
RomanceAno kaya ang mangyayari sa buhay ng isang straight na lalaki matapos ang break up niya sa kaniyang girlfriend. Ano kaya ang magiging reaksyon niya sa pagdating ng isang lalaking tinaguriang THE CAMPUS HEARTTHROB'S SUITOR sa kaniyang buhay. Bibigay k...