Book 2 Chapter 5

1K 53 3
                                    

RALPH'S POV


AUG. 5, SATURDAY

"Ice, gising na" sabi ko kay Ice habang tinatapik-tapik yung balikat niya.

"Hmm, naantok pa ako eh" sabi niya.

"Tara kasi mag aasikaso pa tayo, birthday ng Mama Lorna mo ngayon diba?" sabi ko.

"Hmm ang aga-aga pa eh" pagkasabi niya nun eh hinatak niya ako para yakapin. 

Nagdikit ang parehas naming hubad na katawan dahil nakatopless lang kami matulog.

Pinipilit kong makaalis, pero ayaw niya akong pakawalan hanggang sa makabalik ako sa paghiga at yakapin niya ako.

Hindi na ako umangal kasi bumalik yung pagkaantok ko.

Bahala ka nga jan.

"Ah Ralph" rinig kong banggit niya sa pangalan ko.

"Oh" - ako.

"Tumatayo cucumber mo" nagulat ako sa sinabi niya, pinakiramdaman ko naman sarili ko.

"Baliw hindi" sabi ko.

"ay este yung akin pala. Patulugin mo muna, sige na" napatayo ako sa simabi niya.

"Bahala ka nga jan, mag-asikaso ka na aalis tayo" sabi ko.

Baliw kasi.

Hating gabin na nga kami nakatulog kagabi dahil sa ginawa namin eh mukhang gusto pa ng round two.

"Haha, joke lang" sabi niya tapos bumangon na siya.

Around 9 na kami natapos mag asikaso syempre nag almusal muna kami.

Habang nasa byahe kami eh napansin kong may kachat si Ice.

"Sino yan ha?" tanong ko.

"Oh tignan mo, si Kuya Land yan" sabi niya.

"Haha akala ko kung sino" sabi ko.

"Bakit akala mo may iba na ako noh?" tanong niya na may halong pang-aasar.

"Hindi ah" sabi ko.

"Baliw kasi si Kuya Land tsaka Joey, hindi nagsabi na mauuna pala sila edi sana sumabay na tayo kanina" paymamaktol ni Ice.

"Haha, para kang bata jan" sabi ko.

Dala-dala ko na yung pangregalo ko sa Step-mother ni Ice. Kwintas siya na may pearl na pendant.

"eh kesa naman sayo kung anu-ano iniisip" sabi niya.

"Ingay nyong dalawa, ganyan ba talaga kayo maglambingan ha" nagulat kami sa taong sumita sa amin.

Paglingon namin eh nagulat kami lalo.

Si Justin.

"Huy, Justin, kamusta?" tanong ko. Hindi kumibo si Ice.

"Ah eto, mabuti naman. Si Paulo pala boyfriend ko" pagpapakilala niya sa katabi niyang lalaki.

"Hello" malambot na sabi ni Paulo.

Ngumiti naman ako.

Masaya ako na nakakita na si Justin ng para sa kaniya. 

Hindi na kami masyadong nag-usap dahil napansin kong tahimik si Ice habang nag cecellphone

"Uy bakit tahimik ka jan?" tanong ko sa kaniya.

Hindi niya ako sinagot.

Bigla namang tumunog yung notif ng messenger sa phone ko.

The Campus Heartthrob's Suitor (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon