WIND'S POV
SEPT. 16, SaturdayIlang araw nang tumatanggi si Sheena na kumain sa labas.
Nakakainis bakit kasi hindi nalang ako ang partner ni Sheena sa pag-aasikaso ng fieldtrip ng mga bata.
Halos araw-araw niyang kasama yung Marco na yun.
Tapos ngayon eh sabado nandito ako kasama ni Ma'am Roque.
Ang lungkot naman ng birthday ko.
Nagta-trabaho ako kahit sabado.
"Ah eh Ma'am baka pwede ako umuwi ng maaga kasi birthday ko eh" sabi ko sa kaniya.
"Sige, kapag natapos na natin 'tong ginagawa natin" sabi ni Ma'am.
Naman ehh.
Inaayos kasi namin ngayon lahat ng papeles ng grade 8. Sila Sheena naman eh hotel at venue ang inaasikaso.
Ang fieldtrip kasi nila eh sa Mindanao, kaya kailangan eh ayusin namin yung mga ticket nila.
Nitext o tawag wala man lang akong natatanggap mula kay Sheena.
Nabobored na ako dito.
"Tao po!" napatingin kami sa pintuan.
Si Ralph at Ice pala.
"Oh kayo pala, ginagawa nyo dito?" tanong ni Ma'am Roque.
"Haha wala lang, nagdala kami ng pagkain baka kasi gutom na kayo" sabi Ralph.
"Wind, kumain ka na muna, kanina ka pa nagrereklamo na gutom ka na" sabi ni Ma'am sa akin.
Nilagay muna ni Ice at Ralph ang pagkain na dala nila. Konti lang pero ayos na pangtanggal gutom
"Sayang may exam kami sa fieldtrip nyo hindi kami makakasama" sabi ni Ralph
"Eh pwede naman tayong pumunta dun kahit anong oras eh" sabi naman ng kapatid kong si Ice.
"Hoy Ice, maalala ko lang, may nagchat sa akin na babae Jane ata pangalan nun. Girlfriend mo daw siya" sabi ko. Napatingin naman ng masama sa akin si Ice, tapos nakakunot ng noo ni Ralph.
"Ano yun ha?" tanong ko.
"Kaklase ko yun Kuya Wind, may gusto yun kay Ice" sabi ni Ralph.
"Assumera talaga yung babaeng yun" sabi naman ni Ice.
"Oh sige na, pwede ka nang umuwi Wind" napangiti ako sa sinabi ni Ma'am Roque.
Alas-tres na. Hindi pa huli ang lahat para yayain ko si Sheena na magcelebrate kami.
Kinuha ko na yung gamit ko tapos lumabas na ako.
Sumunod naman yung dalawa.
"Wait lang sumakay ka na sa kotse hahatid ko na kayo" sabi ni Ma'am.
Kinuha niya yung bag niya tapos lumabas na siya. Nilock niya yung opisina niya tapos naglakad kami konti papunta sa kotse niya.
Tinext ko si Sheena na susunduin ko siya.
Pero hindi man lang siya nagreply.
Siguro sila na nung Marco na yun.
"Napakaganda niya, kaya siguro nailove sa kaniya si Marco" pagkasabi ko nun eh napatingin sila sa akin pati ang Mama ni Ralph.
"Hiwalayan mo na yang si Ate Sheena, niloloko ka lang niyan" sabi ni Ice.
"Oo nga nakita namin siya kanina habang papunta kami dito may kasamang lalaki" sabi naman ni Ralph.
BINABASA MO ANG
The Campus Heartthrob's Suitor (BOYXBOY)
RomanceAno kaya ang mangyayari sa buhay ng isang straight na lalaki matapos ang break up niya sa kaniyang girlfriend. Ano kaya ang magiging reaksyon niya sa pagdating ng isang lalaking tinaguriang THE CAMPUS HEARTTHROB'S SUITOR sa kaniyang buhay. Bibigay k...