LAND DE GUZMAN'S POV
Masyado nang maraming pinagdaanang pagsubok ang kapatid ko.
Pero lahat ng iyon ay nalagpasan niya.
Kaso iba ito ngayon.
Inaalala ko din ang sarili ko sa sitwasyon ngayon ni Ice. Dahil baka hindi rin ako matanggap ni Papa lalo na ngayon na mas lumalalim na yung relasyon namin ni Joey.
"Naawa ako sa kapatid mo" sabi niya sa akin habang magkawak kami ng kamay dito sa loob ng gym.
"Oo nga eh, masyado na siyang maraming pinagdaanan, tapos dumagdag pa si Papa" sabi ko.
"Paano tayo? Oo tanggap tayo ng parents ko, pero tatanggapin din ba tayo ng parents mo?" seryosong tanong ni Joey sa akin.
"Hindi ko din alam, sa totoo lang parehas na parehas ang sitwasyon nating dalawa sa sitwasyon ni Ice at Ralph" sabi ko.
"Wag kayong mag-alala, akong bahala sa inyo hayaan nyong ako ang magpaintindi kila Papa at Mama" sa boses palang ng taong nasa likod namin ay alam ko nang si Kuya ito.
"Magagalit din kaya si Papa sa akin?" tanong ko pa.
Tumayo kaming dalawa ni Joey para humarap kay kuya.
"Alam nyo, hindi ko man alam kung anong pakiramdam ng isang lalaki na nagmamahal sa kapwa nila lalaki pero naiintindihan ko ang pagmamahalan. Walang pinipili yan. Kaya ipagtatanggol ko kayo kay Papa" sabi ni Kuya.
Nagring yung cellphone ni Kuya.
"Hello Pa...okay...papunta na kami jan" sabi ni kuya.
Nagkatinginan kami ni Joey.
"Kaya mo yan" sabi niya sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya at niyakap siya.
"Tara na Land" sabi ni Kuya.
Habang naglalakad kami ni Kuya ay iniisip ko yung mga posibleng mangyari sa amin ni Ice.
Itatakwil ba kami ni Papa?
Gagawin niya ba sa akin lahat ng ginawang pagpapahirap niya kay Ice?
"Easy ka lang jan, sabi ko sayo. Akong bahala sa inyo ni Ice" sabi ni Kuya.
Ngumiti ako ng bahagya.
Nang makarating kami sa harap ng bahay namin ay humarap sa akin si Kuya.
"Sasabihin mo ba sa kanila ngayon?" tanong niya.
Tumango ako at ngumiti.
Napakaswerte namin ni Ice kay Kuya.
Nauna siyang pumasok at narinig kong agad siyang sinigawan ni Papa.
Sumunod akong pumasok at nakita kong nakataas ang kilay ni Mama at galit na galit si Papa.
"Bakit nyo hinahayaan si Ice? Bakit nyo siya kinukunsinte?" tanong ni Papa.
"Pa, desisyon niya yun at kailangan naming respituhin yung desisyon niya" mahinahong sabi ni Kuya.
"Respeto? Naisip nyo ba na dahil nirespeto nyo yung desisyon niya o kung ano man ang ginagawa niya sa buhay niya eh hindi nyo na kami ni respeto ng Mama nyo?" pagalit na sabi ni Papa.
"Pa, naging miserable ang buhay ni Ice simula ng pinanganak siya dahil yun sa inyo, ngayon na nakahanap siya ng tao na magmamahal sa kaniya at nahanap niya yung nanay niya naging masaya siya na hindi niya naranasan sa inyo!" pagalit na sagot ni Kuya.
BINABASA MO ANG
The Campus Heartthrob's Suitor (BOYXBOY)
RomanceAno kaya ang mangyayari sa buhay ng isang straight na lalaki matapos ang break up niya sa kaniyang girlfriend. Ano kaya ang magiging reaksyon niya sa pagdating ng isang lalaking tinaguriang THE CAMPUS HEARTTHROB'S SUITOR sa kaniyang buhay. Bibigay k...