[Enok POV]
Kumuyom ang aking kamao sa sobrang galit ng tuluyan nang makawala sina Aro at Hasha.
Ininda ko ang aking mga sugat na natamo habang masamang tiningnan ang magkakapatid na diabhal.
"Aww ...F-fvck...."nahihirapang daing ng tagalupa na si KenKen, mas marami ang kanilang natamo ni Shame keysa sa akin, dahil sila ang may hawak sa hangal na diabhal na si Aro.
"Akala niyo ba maiisahan niyo kami? Tssk mga mahihina kayo, lalo kana prinsepe Enok"nakangising saad ni Hasha sa akin at diniinan pa ang patalim na sinaksak sa aking tagiliran.
"H-hindi k-kayo m-magtatagumpay"seryoso na mahinang saad ko.
"Sayang hindi mo makikita kung paano kami magtatagumpay Enok"halakhak naman ng kapatid niyang si Aro at saka ako sinakal sa leeg para magpalit anyo, bilang ako.
"Sh*t...tang*na naman oh... Huy mga hayop.....aww... h-hindi kayo m-magtatagumpay..."nahihirapang salita ng tagalupa na si KenKen, pilit siyang tumayo at nagulat nalang kami ng naglabas ito ng kapangyarihan na tulad ng sa akin, agad namang tumilapon sina Hasha at aro na kamkha kuna ngayon.
Gulat na tumingin sina Hasha at Aro sa taga-lupa na si KenKen.
Paano nagkaroon ng kapangyarihan ang taga-lupang yan?
Mas nagulat pa ako ng may biglang dumating at mabilisan kaming naglaho at napunta kami sa isang silid dito sa palasyo, dito sa clinic.
Ang taga-lupa na kaibigan ni KenKen na si Cylde at isang mesteryosong lalaki na pamilyar sa akin ang mukha at ang heneral na si Davino.
Napatingin naman ako sa gilid ko ng may mahinang tumawa na kinataka ko.
"Bro....hahaha ayos kalang ba? Tang*na ang dami mong sugat, master anong gamot ang gagamitin ko?"agad namang binatukan ni KenKen yung taga-lupang kaibigan niya.
"Piliin mo ang gamot sa sugat tagalupa, yung kulay asul na nasa bote."sagot ng mesteryosong lalaki na tinawag ni Clyde na master?
"Aray naman"napakamot pa ito sa batok.
"Kita mo ngang marami akong sugat nagtanong kapa, ahww gamutin mo na nga ako, t-teka mabisa ba yan?"nahihirapang tanong ni KenKen, napailing naman ako at napapikit dahil sa sakit ng tagiliran ko na sinaksak.
Napatingin ako kay Shame na walang malay na nakahiga sa kama habang ginagamot ni heneral Davino, dito kasi kami napunta sa clinic ng palasyo, may mga ilang mahikang gamit dito.
"Enok"napatinggala ako sa tinawag sa akin, yung mesteryosong lalaki na kasama nila, may hawak-hawak itong kulay asul na bote, siya yung gumamit ng kapangyarihan na paglalaho.
Sino siya?
"Hayaan mong gamutin kita...."
"Sino ka?"deretsuhan kung tanong dito.
"Malalaman mo rin sa susunod na araw"sagot niya na kinakunot ng aking noo, bahagya itong yumuko at huminga ng malalim, sinimulan niyang gamutin ang sugat ko, habang mahinang nagsalita na kinakunot Ng noo ko.
"gustuhin ko mang pigilan at baguhin ang panahon para hindi na mahihirapan ang anak ko pero hindi ko magawa, magtatagumpay ang kadiliman ngayon, makukuha nila ang anak ko at tuluyan ng mabuhay ang panginoon ng kadiliman, gustuhin ko mang protekthan siya pero wala akong magawa..."malungkot na turan niya sa akin na hindi ko naintindihan.
"S-sinong makukuha nila? Sino yung tinutukoy niyo?"taka kung tanong.
"Ang nakatakda"tipid niyang sagot kaya napatigil ako.