[Prinsipe Achero POV]
"kailangan na nating sunduin ang naka-takdang taga-lupa bago tayo maunahan ng mga anak ng diabhal(satanas) kailangan natin silang maunahan bago mahuli ang lahat"anunsunsyo ni Reyna Leah, nandito kaming lahat ngayon sa palasyo sa Dyamanteng Palasyo, nag pupulong-pulong kaming lahat dahil malapit na ang takdang panahon, takdang panahon para kunin ang taga-lupa at dalhin sa aming mundo, sa mundo ng mga medchìcian dahil malapit nang siraen ng kadiliman ang aming mundo at ang mundo ng mga tao.
"Prinsesa Shanna ipakita mo sa lahat ang mukha ng naka-takdang taga-lupa upang madali natin siyang makuha, kailangan natin siyang makuha ngayong araw mismo ayokong mahuli tayo, gusto ko maunahan natin ang anak ng kadiliman, nararamdaman ko kakunin na nila ang naka-takdang taga-lupa, nanganganib ang buhay niya"ang sabi naman ni Haring David ang asawa ni Reyna Leah ang pinsan ng namumuno dati ng palasyong ito.
Hindi namin mawari ang nangyari noon na tela may humahadlang para makalimutan namin ang lahat, kung paano namuno si haring David, kung paano naging asawa ni Haring David ang dating asawa ng namumuno sa mundong ito, tela may humahadlang sa aming mga ala-ala.
"Hindi na kelangan Reyna Leah kabisado na ni Prinsipe Achero ang magandang mukha ng naka-takdang taga-lupa"nakangiti sagot ni prinsesa Shanna ang prinsesa ng hangin may ibat iba yang kapangyarihan, nakita kung tumingin si Shanna sa akin at napangisi pa sa akin, tela nanunukso, kaya napatingin sa aking ang lahat ng nandito.
"Ehem"tikhim naman ng kapatid kung si prinsesa Chloe, alam kasi ng dalawang ito na sinusundan at binabantayan ko ang naka-takdang taga-lupa doon sa mundo ng mga tao, MINSAN.
"Kailangan maramami kayong magsusundo sa kanya para makaseguro tayo, malakas ang kalaban"sabi naman ni Haring Jose ang ama ni Shanna ang hari ng mortal kahit di siya mortal na tao, ay siya ang namumuno para protektahan ang mundo ng mga tao.
"Hindi na kailangan ama si Prinsipe Achero ang bahala sa naka-takda, alam niya ang gagawin niya at alam kung magagawa ni Prinsipe Achero yun mag isa, may paparating na kalaban maya maya lang, magtulong tulong tayong lahat upang ma protektahan ang ating mga kaharian, nakikita ko sa hinaharap sabay sabay silang lulusob"salitang muli ni prinsesa Shanna, may kakayahan din siyang makita ang hinaharap, malalaman niya kung ano ang mangyayari sa hinaharap.
"Kung ganun tinapatos kuna ang pulong na ito, ihanda niyo ang lahat ng kawal sa inyong kaharian at seguraduhing walang masasaktan, mga prinsesa at prinsipe, alam niyo na ang inyong gagawin, protektahan ang Diamond Academy, seguraduhin ang kaligtasan ng mga estudyante."bilin ni Haring David sa mga prinsesa at prinsipe na sina prinsesa Ella ang prinsesa ng araw, si princesa Kathy ang prinsesa ng tubig, at prinsesa Mia ang prinsesa ng halaman at hayop, si prinsipe Ethan ang prinsipe ng yelo, si prinsesa Lucy ang prinsesa ng kuryenteng at kidlat, si Prinsepe Enok na kakambal ni prinsesa Lucy.
"masusunod kamahalan"sabay sabay nilang sagot.
"mag ingat tayong lahat."bilin ni Reyna Leah sa kanila at yumuko bilang pag-galang ng mga hari at Reyna.
Pagkatapos ay sabay sabay silang nawala, gumamit sila ng teleportation para makarating agad.
"prinsipe Achero maghanda kana susunduin mo ngayon ang naka-takdang taga-lupa"sabi sa aking ng aking ama na si Haring Jacob ang hari ng apoy, ngumiti ako sa kanila at yumuko.
"Masusunod ama"tipid kung sagot at naglakad na.
"Kung iyong mamarapatin kuya, asama ako."habol sa akin ng kapatid kung si Chloe kaya napahinto ako sa paglalakad.
"hindi maari kapatid, dito kalang masyado kapang bata at masyadong delekado"madiin kung saad dahilan para napasimangot ito.
"mahal kung kapatid, sana maintindihan mo si kuya."mahinang saad ko sa aking kapatid saka hinalikan sa kanyang noo.
"Doon ka sa tabi ni Reyna Leah, ipagdasal mo ang kaligtasan ng lahat kapatid, ikaw lang ang may kakayahang makausap ang dyos at dyosa, humingi ka ng tulong upang maging maayos at ligtas ang aming tatahakin mission." nakangiti kung saad sa kanya, tumango nalang ito at ngumiti.
"mag-iingat ka kuya."nakangiti niyang bilin sa akin, tumango ako at tuluyan ng nakalabas ng palasyo.
"Pupunta na ako Anghel."sabi ko sa kawalan at tuluyan ng nag laho.
•••