Episode 23

1.4K 56 17
                                    

[Angel POV]

Si Paulo naman ang kumalaban kay Zee at agad namang ikinapanalo ni Paulo, natumba agad si Zee sa paglusob ni Paulo.

Sunod na naglalaban ay si Paulo at Yuan, patas ang laban ng dalawa pero sa huli ay nanalo ulit si Paulo.

At sa pagkakataong ito ay ako naman ang kumalaban kay Paulo.

"umpisahan na ang laban"sabi ng emce, may naririnig parin akong sigawan sa paligid, tila nag eenjoy sila sa mga nakikita.

Kahit di pa ako ready ay nabigla ako sa pagsugod ni Paulo sa akin, kaya nadaplisan ang braso ko at agad itong dumugo, pero ang kinagulat ay hindi ako nakaramdam ng sakit?

Tapos sinugod na naman ako ni Paulo at natamaan muli sa kabilang braso, sugod siya ng sugod sa akin at ako naman ay ilang lang ang nagawa, masayado siyang magaling at di ako maka kuha ng tyempo.

"Angel lumaban ka, labanan mo ako , wag kang duwag"bulong sa akin ni Paulo at sinabayan pa ng ngisi, habang sugod ng sugod ito sa akin, ang tanging nagawa kulang ay ang iwasan ang bawat tira niya.

"Ang hina muna man, labanan mo kasi ako"sabi pa niya at dumako ang tingin niya sa dibdib ko, at napakagat labi pa sinabayan pa niya ng kakaibang ngisi na kinakunot naman ng noo ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang napagtanto ko kung ano ang tinitingnan niya at kung anong ibig sabihin ng kakaibang ngisi niya.

Sh*t... Sh*t... Paking Tape...

Agad kung tinakpan ang dibdib ko at tiningan siya ng masama, agad ko siyang sinugod.

"walanghiya ka ang manyak mong lalaki ka"hindi ako gumamit ng espada, agad kulang siyang pinatid gamit ang paa ko, sunod kung ginawa ay pinatid ko rin ang gitna niya para matauhan yang manyak na yan.

Tang*na, ayoko sa lahat yung binabastos ako.

Nakita kung nag-iimpit ito sa sakit, natamaan ko kasi ang ano niya...yung ano sa gitna ,tsssk.

"Aww aww tae ka ang sakit ng... Aww"halatang sakit na sakit sa ginawa ko.

"Buti lang yan sayo, manyak"sigaw ko.

Galit itong tumingin akin at kahit nasasaktan ay sumugod ito sa akin, na agad kung sinalubong, pareho kaming galit sa isat isa.

Agad siyang natamaan sa espadang dala ko ng dalawang beses, sumigaw pa siya sa sakit, natamaan ko kasi ang magkabilang braso niya.

"Ano ka ngayon huh? ang manyak manyak mo, ano laban pa? ang hina mo naman"gigil kung sabi sa kanya at pinatid pa siya at saka tuluyan nang natumba.

"Ano tumayo kang manyak ka"sigaw kupa at susugurin kupa sana siya sa galit ko ng pigilan ako nina Kane at Shame.

"Tama na Angel, napatumba muna siya, kawawa naman kasi"sabi sa akin ni Shame habang pinigilan ako.

"Bakit galit ka kay Paulo?"tanong sa akin ni Kane at napakamot sa ulo.

"nakakatakot ka naman magalit"bulong pa niya.

Hindi kunalang pinansin yun at tumingin kay Paulo, galit kong tiningnan si Paulo na nakahiga sa sahig.

"Peste kasi ang manyak na yan...."aakmang susugod ulit ako nang pigilan nila ako ulit.

"Oh-oh tama na Angel"natatawang pigil nila sa akin.

"Yan kasi eh, sa lahat ng ayaw ko yung minamanyak ako ha - ha ano tumayo ka dyan"hindi ko alam kung bakit ganito ang reaction ko, tila sasabog ako sa galit.

Pangalawang beses na kasi akong nabastos yung una doon sa school ngayon naman dito, hindi naman siya malala ngayon pero ewan kuba ganito na ang galit ko pag binabastos ako.

Kinuha na ng dalawang naka-uniform na naka puti si Paulo, marami din ang sugat na natamo.

Nakita kupa na sinamaan ako ng tingin ni Paulo at ganun din ang ginawa ko, maya maya pa ay nawala na ito sa paningin ko.

•••

Sumunod na lumaban sa akin ay si Hanhan, di naman siya mahirap kalabanin, agad ko siyang napatumba, inisip kulang kasi na ang mga kaklaseng nakalaban ko ay yung nakalaban ko noong nasa malamig na desyerto ako nong nag ensayo pa kami.

Natalo ko si Hanhan, pati narin si Shame at Kane, matagal tagal ko silang di napatumba, malakas din sila at sa huli ay napatumba kuna sila.

Marami na din ang sugat ko sa katawan pero di talaga ako nakaramdam ng sakit kahit kunti.

Kunti lang ang sugat nina Shame at Kane at hindi sila kinuha nang dalawang naka-unifom na lalaki.

Nagtaka naman ako dahil doon, nanatili lang sila sa gilid dito sa loob ng training field, pareho silang nanghihina at sugatan, humingi naman ako ng sorry sa kanila pero tinawanan lang nila ako.

Nakatingin ako sa huling kalaban ko, si Rhea, na kalma lang na nakatingin sa akin ng deretso, ganun din ako sa kanya.

Una palang talaga kakaiba na ang nararamdaman ko sa kanya, parang may mali?

Ang hindi kulang maintindihan bakit ako nakaramdam ng ganito?

Unang una si Haring David at ang pangalawa itong si Rhea, hindi ko ito ma explain pero parehas ang nararamdaman ko tuwing nakikita ko at nasa paligid sila.

Narinig ko na tinawag si Rhea sa emce hudyat na kami nalang dalawa ang maglalaban.


Agad Pumwesto si Rhea sa ginta at ganun rin ako.

•••

To Be Continued:

Diamond Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon