Episode 66

237 10 5
                                    

[Angel POV]

Huminga ako ng malalim at tiningnan ang paligid, hayss magulo at ang kalat na naman dito sa palasyo dahil sa mga kalaban ng liwanag, magulo na naman ang paligid.

Sinaksak ko sa huling pagkakataon ang natirang kalaban.

Sa wakas at naubos narin ang mga kalaban, mga kalahating Oras ata kaming nakipaglaban dahil sa dami, alam kung hindi pa ito ang huli, alam kung may Isa pang labanan ng liwanag at ang kadiliman, yung mga nakalaban namin ngayon ay ang mga kampon lang wala Ang mga princesa, prinsipe, Reyna at hari ng kadiliman na lumalaban sa amin ngayon, at alam ko sa susunod na digmaan? Ay ang huling digmaan.

Nabuhay na ang panginoon nang kadiliman, nalaman na ang pagpaanggap ni David.

Kaya alam ko sa oras na ito ay alam narin nang LAHAT kung sino ako.

Napatingin ako sa paligid, LAHAT sila humarap sa akin at yumuko, sugatan ang mga katawan nila, magulo ang paligid, sunog ang tuktok ng palasyo, sunog ang ibang silid, sunod din Ang ibang silid ng paaralan sa likod ng palasyo, unti unti namang naglaho ang mga nakalaban namin hanggang sa naglaho ang mga ito ng tuluyan.

Ngumiti ako sa LAHAT at yumuko din sa mga ito, unang lumapit sa akin si Hazel, patakbo pa itong lumapit sa akin, pero huminto lang ito sa harapan ko, napakunot ang noo ko dahil pabaling baling itong tumingin sa akin at sa katabi ko na si Davina napakamot pa ito ng batok, napairap naman ko.

"Tika lang? M-may impostor n-nanaman ba? Omg! Sino sa inyo ang bestfriend ko?"tarantang tanong ni Hazel sa akin.

Oo nga pala nakalimutan kung ibalik si Davina sa katawan ko, ako parin Naman si Davina, hayss sabagay iisa lang naman kami akala nang bruha na may impostor na naman.

"Gaga iisa lang kami, power of reflection lang to "irap na sagot ni Davina.

Ngumusi lang ako kay Hazel saka tinaas ang espada ko, ginaya naman ni davina ang ginawa ko kaya automatic na naging isa kami ni Davina at automatic narin na naglaho Ang espada na nasa kamay ko.

Kaagad akong niyakap ni Hazel, sumunod naman sina Clyde at kenken kaya parang nagogroup hug kaming apat.

"Welcome back Angel, oops I mean princess angel"ngisi ni kenken.

"Ang astig mo talaga bespren"Clyde.

"Nakaka inis naman angel, naiinggit ako sa ganda mo, para kanang dyosa sa sobrang ganda, bagay na bagay sayo ang napakagandang korona na sout mo, nakakainggit talaga"nakangusong saad naman ni Hazel, napatawa nalang ako sa sinabi niya.

"gusto mo rin nang ganitong korona?"tanong ko sa kanya agad naman siyang tumango, kaya kinuha ko ang reflection ng aking korona at ako na mismo ang nagsout nito sa kanya, bumagay naman ito sa kanya.

Nakita kung nakangiting lumapit sa kinaroroonan namin si kuya Davino at ang mga magulang ko.

"naks naman Hazel, bagay na bagay kang maging prinsesa"commento ni Kenken.

"Bagay naman ako sa lahat ng bagay ah"mayabang na sagot ni Hazel kaya pinitik naman ni Clyde ang noo ni Hazel kaya nagsimula naman silang magbangayang tatlo, napangiti nalang ako.

Ngumiti sa akin ang mga magulang ko, yumuko muna ako sa harapan nina ina at ama, saka sila niyakap.

"Maligayang pagbabalik aming munting prinsesa, kay tagal na panahon na nawalay ka sa aming piling"saad ni ama.

naramdaman kung tumabi sa akin si kuya davino.

"araw-araw akong naghihintay na kayo ay bumalik mga anak,  nakalimutan ko man kayo sa isip ko pero sa puso ko palagi ko kayong hinihintay, nakilala kayong aking puso, sobrang nanabik ako sa inyo mga anak"niyakap ko si ina habang tumulo ang aking luha, namimis ko ang aking ina, sobra.

Sumali naman sina ama at kuya davino sa yakap namin ni Ina.

Ilang taon akong nanabik sa isang pamilya, kaya pala wala akong magulang na natandaan sa lupa, nandito lang pala ang pamilya ko, ngayon kulang naisip kung bakit iba ang turing sa akin ng ibang tao doon sa lupa, kaya pala kakaiba akong mag isip tungkol sa mga mahika, may ibig sabihin pala ang lahat, nasagot narin sa wakas ang LAHAT ng mga tanong na hindi ko lubos matanggap kung sino ako.

Noong nasa lupa ako ay 7 years old pa ko noon, ang natatandaan ko may naging magulang ako pero dalawang taon ang nakalipas ay nawala nalang Sila at napunta Ako sa ampunan, Hindi patas ang trato sa bahay ampunan kaya tumakas ako mag Isa at nag palaboy laboy hanggang sa nakita ako ng isang matabang si Era ay kinupkop Ako kasama ang dambuhalang bruha na anak ni madam Era na si Agatha, ilang tanon akong nanilbihan doon kahit minamaltrato ako, nagtiis ko hanggang sa nakilala ko ng tatlong tao na mahalaga sa buhay ko sina Hazel, Kenken at Clyde.

kaya pala wala akong magulang na natandaan sa lupa, nandito lang pala ang pamilya ko, ngayon kulang naisip kung bakit iba ang turing sa akin ng ibang tao doon sa lupa, kaya pala kakaiba akong mag isip tungkol s mga mahika, may ibig sabihin pala ang lahat, nasagot narin sa wakas ang LAHAT ng mga tanong na hindi ko lubos matanggap kung sino ako.

Ngayon naintidihan kuna LAHAT.

"Sa wakas bou na tayo ulit, nanabik Ako na makasama kayong tatlo"mahinang saad ni ama.

"Pangako, hindi na tayo muling maghihiwalay pa, hindi na ko papayag ama, seguraduhin kung hindi n mauulit ang dati, hindi magtatagumpay ang kadiliman"

"Hindi ko na hahayan pang mawala kayo ulit sa buhay ko"Ama.

***

Niyakap ako isa isa nina Shanna, Ella, Kathy, Mia, Ethan, Chloe, Darwin, pati narin ang mga magkakambal na sina Snow at Neva, mailap parin sa akin Sina Lucy at Enok pero yumakap parin sila sa akin, pang huli kung niyakap ay si pogi, I mean si Achero.

"Anghel ko"mahinang sambit niya habang yakap ako.

"Kaya pala ganito nalang ang naramdaman ko sa tuwing kasama kita, Hindi talaga nakakalimot ang puso"sambit pa niya.

Magjowa na pala kami noon pa, kahit sobrang bata pa kami, siya palagi ang kasama ko, Ako pala talaga ang nag sabi sa kanya na mag kasintahan na kaming dalawa, jusko seven years old palang ako noon, ang natatandaan ko ay pinilit ko siya na maging kasintahan ko kahit sobrang bata pa namin, naloka ako nang ng naalala ko ang LAHAT ng yun,

Nakakahiya nga ehhh.

"Hehe"tanging sagot ko kay pogi, kasi naman nahihiya ako.

"Sa wakas at bumalik kana prinsesa Angela, maligayang pagbabalik"napatingin ako sa nagsalita, si shela.

"Nandito ka ulit? Sino ka?"takang tanong ni Achero sa akin kaya napatingin ako Kay Shanna na nagtakang tumingin kay Achero.

"Nakikita mo si Shela?"halos sabay naming tanong ni Shanna, tumango si Achero na nagtataka.

"Oo pangalawang beses palang, sino siya bakit tayo lang ang tanging nakakita sa kanya?"tanong ni Achero na kinataka nang ibang mga prinsesa at princepi.

"Kapatid ko siya, isa siyang invisible, pinanganak na siyang ganyan......"pinaliwanag Naman ni Shanna lahat ang tungkol kay shela.

***

Diamond Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon