Episode 16

1.8K 72 27
                                    

[Angel POV]

Nakatayo kaming lahat at nakatingin lang sa harap.

"nakikita niyo ba ang mga espadang kahoy na nasa gilid? kumuha kayo isa isa at sundin kung ano ang sunod kung gagawin"seryosong salita ni prinsipe Ethan sa amin, napatingin ako sa may gilid ko at nakita ko ang maraming espadang kahoy, kumuha ang mga kaklase ko at kumuha narin ako.

Unang pagkakataon kung humawak ng ganitong espadang kahit gawa sa kahoy ay mabigat siya para siyang bakal dahil sa bigat nito.

Kasi ibang iba tong esdapadang ito kesa ilusyon ko, magaan yun ito hindi ang bigat bigat ng esdapadang to.

"ang bigat naman nito"rinig kung reklamo ng kaklase kung babae.

"oo nga ang bigat bigat"rinig kung sagot sa isa pang babae na katabi nong unang nagreklamong babae.

"Sundin ang galaw ko kung paano ito gagamitin"sabi pa ni prinsipe Ethan.

"prinsipe Ethan tika lang ang bigat ng esdapadang to"sabi ko ng dumaan kasi si prinsipe Ethan sa gawi ko at tiningnan ako, seryoso ang mukha ni prinsipe Ethan at walang emotion ang pinakita.

"kapag inisip niyong mabigat yang espadang yan hindi niyo yan mahahawakan ng maayos, pukos lang kayong lahat wag kayong maging mahina"sigaw ni prinsipe Ethan dahil sa gulat ay dali dali kung sinubukan hawakan ng maayos ng di nabibigatan sa esdapadang hawak ko.

"Pukos Angel pukos, huwag isipin na hindi mo kaya"sigaw ni prinsipe Ethan sa harap ko, dali dali akong tumango at sinubukan ulit, pero ang bigat parin ng espadang to, nakakainis.

"mananatiling positibo ang isip niyo"sigaw pa ni prinsipe Ethan at nagpalakad lakad habang sinusuri kami, isa lang ang kinayang hawakan ng maayos ang espadang gawa sa kahoy, yung babaeng maganda na palaging poker face.

"Kane ka lalaki mong tao di mo kayang hawakan ang isang magaan na espadang gawa sa kahoy, pukos"galit na sigaw pa ni prinsipe Ethan sa kaklase kung lalaki.

"masusunod prinsipe"sagot naman nong nagngangalang Kane.

Fucos self, fucos kalang, stay positive.

"sa oras na ito wala kayong pwdeng isipin kundi yang espadang hawak niyo, kung paano niyo mahawakan ng mabuti na hindi kayo mabibigatan sa espadang ito, e pukos ang inyong mga isipan, dahil una palang yan, marami pa kayong dapat matutunan na mas mabigat pa dyan sa esdapadang hawak niyong lahat"sigaw ni prinsipe Ethan sa harap namin.

Ginawa ko ang sinabi ni prinsipe Ethan.

"sa wakas nagawa ko"rinig kung masayang sigaw ng kaklase kung babae.

"magaling Zee, ngayon panatilihin ang inyong mga hawak na espada sa ere, hinatayin niyong matapos ang lahat, at gusto ko wala akong maririg na mag reklamo, Rhia at Zee dahil kayo ang nauna, pananatilihing nasa ere ang espadang hawak ninyo"sigaw ni prinsipe Ethan.

"masusunod prinsipe Ethan"sigaw nina This at Zee.

Rhia ang pangalan ng babaeng naka unang humawak ng maayos sa espada.

Maya maya maya pa ay natapos yung lalaking nagngangalang Kane at ganun din ang ginawa.

"Angel fucos ka sa iyong ginagawa, una palang ito, isipin mo yung esdapadang nasa ilusyon mo yung nahawakan mo ng maayos at gusto kung malaman mo na mas mabigat pa mahiwagang espadang nayon sa lahat ng mabigat, ang espadang nasa sa iyong katawan ngayon"sigaw ng utak ko at naririnig ko yun, boses ko ang naririnig ko.

Tumango nalang ako kahit naguguluhan sa sarili ko, di ko alam kung ako ba talaga ang nagsalita sa utak ko.

"Angel pukos"rinig kung galit na sigaw ni prinsipe Ethan nasa harapan na namin siya, yung iba tapos na mga tatlo nalang kami ang di naka hawak ng maayos, isang lalaki at dalawa kaming babae.

Pumikit ako at inisip ang espadang nasa ilusyon ko nakita ko ang kamukha ko na galit na napatingin sa akin habang hawak ang espada kaparehas na espadang hawak ko ngayon.

Dumilat ako at napalaki ang mata ko dahil nagawa kunang hawakan ng maayos ang at wala na akong maramadamang bigat, para lang siyang hangin sa sobrang gaan.

"Huh?"taka kung bulong.

"nagawa mo, magaling"tumangong salita ni prinsipe Ethan at binaling sa dalawa na hindi pa nakatapos sa paghawak ng espada.

Nakita kung sabay sabay na Huminga ng malalim ang lalaki at babae at maya maya pa ay sabay sabay nilang nahawakan ng maayos ang espadang hawak nila.

"magaling magaan lang diba? ngayon ituturo ko sa inyo kung paano ko ito gagamitin sa pamamagitan ng pakikipaglaban, kung paano ito gagamitin ng walang kahirap hirap"sigaw ni prinsipe Ethan.

"Ngayon, itaas ang espadang hawak at tumayo ng matuwid saka pumikit"ginawa namin ang utos ni prinsipe Ethan, tumayo kami ng matuwid at pumikit.

"Idilat ang inyong mga mata"ulit na sigaw ni prinsipe Ethan napalaki ulit ang mga mata ko dahil nasa ibang lugar kami, yung walang katao tao, walang kahoy walang makikita at tanging mga kaklase kulang at ako ang narito kasama na doon si prinsesa Shela at prinsipe Ethan.

"nasa ilusyon tayo ni prinsipe Ethan taga-lupa"paliwanag ni prinsesa Shela at saka bumaling ulit ang tingin niya kay prinsipe Ethan, para siyang ewan promise, at ang cute tingnan ni prinsesa Shela.

Tumango nalang ako at tiningnan ang mga kaklase ko na nakatayo parin ng matuwid hawak ang espadang nasa kamay nila.

"Ngayon pagmasdan niyo ang kilos ko dahil hindi matatapos ang araw na ito kung hindi niyo matutunan lahat ng mga tinuro ko at bago matapos ang araw na ito, gaganapin ang isang paligsahan upang makatuwid sa pangalawang antas, apat sa inyo ang makakatuwid at ang siyang pinakamataas na puntos ay makipaglaban sa akin at kapag natalo ako at nanalo ang may pinakamataas na puntos sa paligsahan na magaganap mamaya ay ibig sabihin lahat kayo ay makakatuwid sa pangalawang anats at kung manalo ako at matalo kayo apat lang ang makakatuwid sa pangalawang anats"mahabang salita ni prinsipe Ethan.

Napatango kaming lahat habang nasa ere pa ang kamay namin habang hawak ang espada dala namin.

"naintindihan niyo?"sigaw muli ni prinsipe Ethan.

"naintindihan prinsipe Ethan"sagot naming lahat.

"magaling"sambit niya.

•••

To be continued:

Diamond Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon