[Angel's POV]
Ang bestfriend ko.
Nagsimula nang pumatak ang mga luha ko.
Paano siya nakapunta dito?
Bakit siya duguan?
"C-clyde?"utal kung sambit at umiling-iling.
Naramdaman kung napatingin sila sa akin.
"Kilala mo ang taong yan Angel?"tumango-tango ako sa tanong ni prinsessa Kathy, habang nakatingin lang kay Clyde na nakahaduhasay parin at punong-puno ng dugo ang kanyang katawan.
Ito yung sout niyang simula nong naghiwalay kami nong lumindol sa school doon sa lupa.
Tuloy-tuloy parin sa pagpatak ang luha ko dahil sa awa, bakit siya nandito? paano siya nakapunta sa lugar na ito? Bakit punong-puno siya ng dugo?
Hinawakan ko ang malaking gate dahil nasa labas parin siya gusto ko siyang yakapin.
"C-clyde"mahinang sambit ko, luminga-linga ako sa mga kawala na nakabantay sa malaking gate pero wala itong imik at nakatayo lang sa mag kabilang gilid ng gate, nakita ko din ang dalawang kawal na nasa tapat sa duguan habang nakahadusay Ang best friend ko sa harapan nila.
"P-pake-usap buksan niyo ang gate"kanda-utal-utal kung salita, nanginginig ang going katawan ko sa halo-halong takot, pangangamba at kabang naramdaman ko.
"Patawad taga-lupa kung hindi inuutos ng haring David ay hindi kami basta-bastang magpapasok ng iba lalong-lalo na sa isang taga-lupa, maliban sayo"salita ng isa sa mga kawal na nasa harapan ni Clyde, kuyom ang kamao ko sa galit.
"Tama ang sinasabi ng kawal hindi basta-basta makapasok dito sa kaharian ang isa pang taga-lupa, lalong lalo na sa isang mortal na katulad niya, pasensya na Angel"wala sa sariling sambit ni Shanna.
Ganun din ang sabi nina Mia, Snow at Neva na mas lalong kinagalit ko.
"pero nag-aagaw buhay ang best friend ko hindi niyo parin ba tutulungan?"galit kung sagot kay Shanna at agad na binaling ang tingin ko sa mga kawal.
"pake-usap buksan niyo ang gate"sigaw ko sa kanila.
"kung wala kayong balak tulungan siya! ako ang tutulong sa kanya, buksan niyo sabi"sigaw ko sa kanila, pero agad silang umiling-iling ng sabay-sabay, para akong sasabog sa galit dahil hindi nila binuksan ang malaking gate kaya marahas akong kumapit sa gate dahil sa galit, hindi ko alam kung ano ang nangyari basta Ang alam ko ngayon ay galit na galit ako habang nakahawak sa gate, naramdaman ko na lumindol at parang nagbabaga ang gate na habang hawak ko hindi ko pinansin ang lindol dahil iniisip ko na baka nagkaton lang ito.
Nakita ko ang maglaho ng gate pero dahil nasa isip ko si Clyde na nag-aagaw buhay ay agad ko siyang nilapitan at agad din niyakap habang umiiyak.
"C-clyde a-anong ginawa nila sayo? Sino ang may gawa sayo nito?"sunod-sunod kung tanong sa nakahadusay na si Clyde, umupo ako sa lupa at pinahiga ko ang ulo niya sa hita ko, naramdaman kung kumilos si Clyde kaya kumalas ako sa yakap at tiningnan sa mukha si Clyde, alam ko sa sarili ko na parang may mali sa presensya pero kailangan kupa rin siyang tulungan dahil siya parin ang best friend ko, parte parin siya sa buhay ko.
"Anghel...."rinig kung tawag sa akin ni Achero hindi kuna sila pinansin pa at tinuon ang tingin ko sa best friend ko, nakita ko siyang pilit minulat ang mga mata at ngumiti sa akin na parang walang nangyari sa kanya.
"I-i'm okay"mangiyak-ngiyak ko siyang tiningnan at hinawakan ang kanyang pisngi sabay iling-iling, hindi siya okay, susubukan ko siyang gamutin gamit ang natutunan kung kapangyarihan na nagamit ko sa pagamot ng sugat.