Episode 13

1.9K 81 45
                                    

[Angel POV]

Nagising ako sa madilim na lugar as in madilim Yung wala talaga akong makita.

"Huh? nasan na naman ako?"tanong ko sa sarili.

Kinakalibutan ako dahil sa lamig na bumabalot sa katawan ko, ang lamig lamig, at sobrang tahimik ng lugar na to.

Nagulat pa ako ng bigla kumulog ng malakas at dahil takot na takot ako sa kulog ay napa sigaw ako.

"Ahhhhh tulong"sigaw ko, pero parang ako lang ang nakakarinig sa sigaw ko.
Kumulog ulit kaya napasigaw ulit ako ng malakas.

Nanginginig ako sa takot giniginaw ako kahit di umuulan, sobrang lamig tapos wala pa akong makita.

"Tulong"sigaw kupa, ngunit parang ako lang ulit ang nakarinig ng sigaw ko, umeecho pa ito sa paligid, parang walang nakakarinig sa akin.

"Achero tulong nasan ka?"sigaw kupa sa kawalan, nag baka sakaling nandito lang si poging Achero sa paligid, pero nadismaya ako ng boses ko ulit ang naririnig ko.

Natatakot na ako sa lugar na ito napakadilim, pinanghihinaan ako ng loob, nakakarakot.

"Tulong... ayoko dito, ayoko dito nakakatakot"umiiyak kung salita.

Umupo ako saglit umiyak lang ako ng umiyak dahil sa takot.

"hindi muna kaya?ang hina mo Angel"kinakalibutan ako sa nagsalita dahil boses ko ang nagsalita, nararamdaman kung nandito lang sa paligid ang boses na narinig ko na kaboses ko.

"S-sino ka?"tanong ko sa kawalan, narinig kung tumawa ito, katulad na katulad ito sa paraan kung paano ako tumawa.

"tinatanong pa ba yan? hindi mo ba kilala ang sarili mo? ikaw at ako ay iisa"pinunasan ko ang luha ko at sinubukan kung ginala ang paningin ko sa paligid ulit kahit wala akong makita kahit kunting liwanag.

"g-gusto kung makita ka"sigaw ko, nakita ko ang unti unting pag-ilaw ng katawan ko at napalaki ang mata ko ng may liwanag sa harapan ko, unti unting may nabubuong katawan doon hanggang sa nabuo ito, mas lalong lumaki ang mata ko ng makita ko ang mukha nito.

Magkamukha kami, umiilaw din ang katawan niya katulad sa akin.

"s-sino ka bakit tayo magkamukha?"ngumiti ito sa akin, katulad na katulad sa paraan ng kung paano ako ngumiti.

"kakasabi kulang ako, ikaw... ako at ikaw ay iisa"nakangiti nitong sagot tapos, yung ilaw sa katawan niya ay naging apoy pero kulay lila na parang apoy, mainit at malamig.

"anong nangyari?"tanong ko, ngumiti lang ulit siya may lumabas na espada sa kamay niya, may isa ding espada na lumabas sa isang kamay niya.

Sa isang idlap ay napunta sa akin ang isang espada na lumabas sa kaliwang kamay niya kanina.

Napanganga ako at unti unti nang tumayo.

"ang galing"manghang bulong ko sa sarili.

"

kilala mo ba ang sarili mo?"umeechong salita ng kamukha ko, kaya tumango ako.

Umiling iling naman siya at ngumisi. "a-a hindi mupa lubusang kilala ang sarili mo"

"sino ka?"nakakapangilabot niyang tanong sa akin.

Hindi ako nakasagot at natigilan.

Sino nga ba ako?

Ito na siguro ang pinakamahirap o napaka daming dahilan para sagutin ang tanong na yan.

Kilala ko na nga ba ang sarili ko?

Pangalan at apleido lang ang alam ko, maski magulang ko di ko kilala at nakita, pati na ang nakaraan ko, namulat ako sa mundo na ganito, aaminin ko hindi ko lubusang kilala ang sarili ko, sinubukan kung kilalanin pero kulang parin.

Sino nga ba ako?

Umiling iling ako at napatingin sa kamukha ko, na ngayoy nilalaro ang mahabang espada na hawak niya.

"kung ganun ipakilala mo ang sarili mo, sa iyong sarili"nakangising sagot niya.

"Huh?"sambit ko, hindi ko nakuha ang punto niya, ang labo niya.

"mas malabo kapang hindi mo kilalanin ang sarili mo" napanganga ako dahil naririnig niya ang nasa isip ko.

"tingnan mo ang espadang nasa kamay mo, pagmasdan mo ito ng mabuti at pumikit"nakangising salita niya, parehong pareho kami ng boses.

Naguguluhan ako sobra, pero ginawa ko ang sinabi niya.

Tiningnan ko ang espadang nasa kamay ko, tiningnan ko ito ng mabuti gaya ng sinabi niya.

Nakita ko ang repleksyon ko sa espada at nagulat ako dahil may nakita akong hugis dyamanteng kumikinang na korona sa ulo ko.

"ngayon sabihin mo sa akin, ano ang nakikita mo sa repleksyon mo mula sa espada?"tanong nito sa akin.

Kinapa pa ang ulo ko kung may laman nakalagay bang korona pero nadismaya ako dahil wala, tiningnan ko ulit ang espada pero nandito parin sa ulo ko ang kumikinang na korona, kulay lila ito na may halong kulay asol, hinawakan ko ito ulit pero wala parin.

"korona"sambit ko at napatingin parin sa repleksyon ko mula sa espada.

"anong ibig sabihin nito?"tanong ko.

"ikaw lang ang nakasagot sa sarili mong tanong"nakangising sagot nito at unting unting nawala.

"Paalam"huling salita nito sa kawalan, pero nandito parin ang espada sa kamay ko.

"Taga-lupa gising"

•••

Diamond Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon