Episode 12

1.8K 85 38
                                    

[Angel POV]

"ano ang gagawin natin?"natatakot na salita naman ni Kathy na may kunting galos sa isa niyang kamay.

Naalala ko nong nasa gubat ako, naalala ko kung paano ko ginamot sina Sophia at Roger nong nag-away sila at may sugat, naala ko nagamot ko ang sugat nilang dalawa.

"a-ako"napatigil silang lahat at napatingin ulit sa akin gulat na gulat ang mga mukha nila.

"tumigil ka nga taga-lupa, isa ka lang taga-lupa wag mong sabihing may kakayahan ka para magamot ang mga sugat namin?"mataray na salita ni Lucy at masama ang tingin sa akin.

"s-susubukan ko..."...

"susubukan? paano eh wala kang kapangyariahan? isang taong taga-lupa kalang kaya pwede ba wag ka nang sumabat sa usapan namin"galit na sabi sa akin ni Lucy, hindi ko siya masisisi.

"Lucy ano ba? tama na"galit na salita ni Shanna kay Lucy, napairap lang si Lucy at tumingin sa akin ng masama.

"totoo naman eh bakit may mahika ba siya katulad natin? isa lang siyang taga-lupa"mataray na sagot niya, napatingin parin sa akin ng masama.

Tumingin ako sa mga mata ni Lucy, galit siya sa akin dahil nagsesslos siya sa amin ni poging Achero.

"Kaya pala"nakangiti kung sambit sa kawalan at tinanggal ang kamay ko sa kamay ni poging Achero at lumayo ng kunti, nagulat naman si poging Achero sa ginawa ko.

"Lucy susubukan kulang naman dahil nagawa kuna to dati"nakangiti kung sabi sa kanya at nilapitan si Lucy na masama parin ang tingin sa akin.

"pwede kubang hawakan ang sugat mo sa paa Lucy?"nakangiti kung sabi kay Lucy na masama parin ang tingin sa akin.

"hindi ayoko"pagmamatigas nito.

"Lucy gusto mubang mamatay ha? susubukan lang ng taga-lupa na gamutin ka upang di kumalat ang lason dyan sa sugat mo, magtiwala ka kahit ngayon lang Lucy, wag pairalin ang ka tarayan mo"galit na salita ni Shanna kay Lucy kaya natahimik ito.

"anong gagawin niya?"Ella.

"tingnan lang natin kung magagamot niya tayo, walang mawawala kung susubukan niya"Kathy.

"makikita natin kung ano ang kaya ng naka-takdang taga-lupa"Ethan.

Mga Ibat ibang naririnig ko sa mga prinsesa at prinsipe, hindi ko alam kung bakit pero naririnig ko ang pag-uusap nila gamit ang isip nila.

Hinawakan ko ang sugat ni Lucy at pumikit, katulad ng ginawa ko sa ibon at sa aso nong nasa gubat ako hinaplos ko ito ng dahan dahan, at dahil malala ang lason na nasa sugat, napasigaw si Lucy, ramadan ko kung gaano ito ka sakit.

"Aaaaaaaaaaaa ansakit"sigaw niya at tinulak ako dahilan para napaupo ako sa sahig, agad naman akong nilapitan ni poging Achero at inalalayan.

"ano ba taga-lupa..."napatigil naman siya sa pagsasalita ng nakita niyang nawala ang sugat niya sa paa.

"paanong?..."napatingin naman silang lahat sa akin.

"taga-lupa napahanga mo kaming lahat, may kapangyariahan ka?"agad na tanong sa akin ni Ethan.

"hindi ko alam"tanging sagot ko.

Tumingin ako kay prinsesa Mia na may sugat sa braso.

Kusang lumapit ito sa akin at agad ko siyang ginamot, ganun din ang ginawa ko at sa ibang prinsesa na may sugat isang prinsipe lang ang nasugatan si prinsipe Enok may galos lang siya sa mukha.

"maraming salamat taga-lupa"sabay sabay nilang salita nang nakangiti maliban lang kay prinsipe Enok at prinsesa Lucy.

Si prinsipe Enok ay tahimik lang, si Lucy naman ay masama parin ang tingin sa akin.

Ngumiti ako sa kanila pabalik, isa isa silang nagpaalam sa amin at lumabas na ng malaking kwarto na ito.

Nakaramdam ako ng panghihina kaya napakapit sa braso ni poging Achero.

"taga-lupa ayos kalang ba?"nag-alalang tanong sa akin ni poging Achero ngumiti lang ako at tumango.

"Angel mauuna na ako ha, kita tayo sa paaralan bukas"nakangiting salita sa akin ni Ethan.

Naguguluhan akong tumango at hindi na nakapagsalita dahil sobrang pagod ako, at pahina ng pahina.

Tuluyan ng naka-alis lahat maliban sa amin ni poging Achero, prinsesa Shanna at Shela.

"ayos kalang ba Angel?"tanong sakin ni Shela.

"nanghihina siya dahil sa pag-gamot niya sa mga sugat"salita ni Shanna at hinawakan ako sa kamay.

Pahina ng pahina ako kaya unti-unti akong pabagsak pero agad naman akong nasalo ni poging Achero sa pangagalawang pagkakataon, nagdilim na naman ang paningin ko at tuluyan ng nawalan ulit ng ulirat.

•••

Diamond Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon