[Angel's POV]
"matagal na kitang hinihinatay na mahanap mo ako, aking kapatid!"napalingon ako sa pamliyar na boses.
Yumuko siya sa akin bago ngumiti.
Magkamukha talaga kami, siya yung kausap ko kapag napanaginipan ko siya.
At noong nahawakan ko ang unang korona.
Para akong naiiyak ng makita ko ang parehas namin mga mata, ilong at shape ng labi, ang kaibahan lang talaga ay babae ako lalaki at ang kanyang pilik mata at ang makapal niyang kilay, sa akin kasi ay one line lang ang kilay at medyo makapal ang pilik mata ko.
Agad itong lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit, napapikit naman ako ng maramdaman ko ang kanyang yakap.
Pakiramdaman ko ay safe na safe ako sa yakap ng kuya ko.
Ngayon kulang naramdaman ang ganito ka saya, unti-unti kunang nakilila ang pamilya na matagal kunang gustong makilala at makasama.
Naramdaman ko ang luha na pumatak sa mga mata ko.
"k-kuya Davino, p-patawad"umiiyak kung sambit, naramdaman ko na mas lalo nitong hinigpitan ang ginawad nitong yakap sa akin.
Naala ko ang ginawa ko, ang paglayo ko sa aking sariling pamilya, ang pagbura ko sa mga alala nila, ang pagbura ko sa pagkatao ko sa isipan ng lahat upang magbago ang kapalaran, upang pansamantalang mabago ang nakaraan para mabago ng tuluyan ang kasalukuyan.
"Shhh wala kang kasalanan Angela, walang may kasalanan, ginawa mulang ang nararapat"pagptahan sa akin ni kuya Davino, naalala ko na siya ang huli kung naka-usap bago ako mawala sa isipan ng lahat, bago ko makalimutan ang sarili kung pagkatao pansamantala.
Humiwalay siya sa pagyakap sa akin at bahagyang pinahid ang luha ko.
"shhh tumahan kana"saad pa niya, tumango naman ako.
"alam kung nahihirapan kapa sa sitwasyon pero alam ko rin na kaya mo itong dalhin aking kapatid, huwag kang mag-alala nandito na ako para magsama nating harapin at labanan ang pagsubok, sabay nating buo-hin ang ating nasirang pamilya, sabay nating hanapin si ama at kailangan natin mahanap ang mahiwagang bulaklak ng rosas para kay ina, alam kung nagtataka ka kung bakit may bahid ng itim ang nakikita mo sa kanyang mga mata na parang hinihigop ng dilim ang kanyang pagkatao, marahil ay nilason siya ng pinsan ni ama na siyang namumuno ngayon dito sa dyamanteng palasyo"tinutukoy ni kuya Davino si haring David na pinsan ni Ama(Davin), napatulala naman ako, so tama nga ang hinala ko sa sa haring David? Kaya pala parang hinihigop ng dilim ang kanyang pagkatao sa tuwing titigan ko ang hari, pero bakit? Bakit siya gumawa ng masama? Paano siya ang naging hari dito sa dyamanteng palasyo? Paano naging asawa niya si reyna Leah? Na aking ina?
"Tama ang iniisip mo Angela, tama ang iyong hinala sa haring si David, at aalamin natin kung bakit niya nagawa ang lahat ng ito, kung bakit naging parte siya ng ating kalaban, kung bakit naging itim ang kanyang kaluluwa, kung bakit niya nagawa na itapon ang ating ama(Davin) sa isang kulungan at kung bakit niya nilason ang ating ina, aalamin natin kung ano ang kanyang dahilan"napatulala ako habang tumango sa sinabi ni kuya, narinig pala ni kuya ang nasa isip ko.
Naramdaman kung hinawakan ni kuya Davino ang aking kamay.
Umupo kami sa isang upuan dito, napalinga-linga ako sa malaking field, walang katao-tao.
Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni kuya, naramdaman kung hinalikan ni kuya Davino ang buhok ko.
"Kuya anong gagawin natin? gusto kunang matapos ito, gusto kuna mayakap ng malaya si ina, gusto kung masilyan ang mukha ni ama, hindi ko kasi natandaan ang mukha niya, tanging yakap niya lang ang naalala ko, gusto kunang masagot ang lahat ng katanungan na nasa isip ko, gusto kunang malaman ang lahat, kuya tulungan mo akong alamin ang dapat alamin, tulungan mo akong makuntrol ang lahat ng kapangyarihang meron ako ngayon"mahinang saad ko kay kuya.