[Angel's POV]
"mahal na prinsessa"napahinto ako sa pag-iyak ng may tumapik sa aking balikat, nakita ko ang napakagandang babae, kulay lila ang kanyang buhok, si dyosa Anne.
Lumapit sa akin yung babaeng may asul na buhok, bahagyang pinahid nito ang mga luhang lumandas sa mga mata ko, siya si dyosa Safiña.
"Huwag mong isipin na ikaw ang may kasalanan ng lahat mahal na prinsessa"umiling-iling naman ako sa sinabi ni dyosa Safiña.
"Marahil iyan ang iniisip mo, pero ginawa mulang ang bagay nayon upang iligtas ang iyong pamilya, kaibigan, iyong kaharian, kaming mga dyosa at ng boung mundo, binago mo ang kapalaran na dapat noon pa ay sinakop na ng kadiliman ang mundo, na noon pa tayo naging alipin ng kadilaman, alam mo ang kapalaran kaya binago mo ang panahon upang maligtas mo kaming lahat, kapalit non ay ang kalimutan ka ng lahat, makalimutan ka naming lahat, ang iyong ina, ang iyong ama, ang iyong kapatid, mga kaibigan. Marahil ay hindi pa nasagot ang lahat ng tanong mahal na prinsessa, may iba kapang malalaman na hihigit pa sa mga nalalaman mo ngayon, mahal na prinsessa sa oras na hahawakan mo ang bawat korona ay may mga alala-alala na malalaman mo tungkol sa iyong nakaraan, may posibilidad na mabago mo ang kapalaran sa kasalukuyan, mahal na prinsessa hindi mo pa kilala kung sino ang tunay na kalaban maaring nasa paligid lang ang mga ito, buksan mo ang iyong mga mata upang malaman mo ng mas maaga bago ka maunahan ng mga kalaban"pinahid nito ang huling luhang lumandas sa mga mata ko.
"ang Reyna, ang Hari, ang mga presepe at ang mga prinsessa, mga kaibigan mo, alam naming mahalaga sila sa iyo, pero binabalaan ka namin, bilang tagabantay ng isang makapangyarihan prinsessa, tungkulin namin na bantayan ka at gabayan"salita naman ng magandang babae na may kulot na kulay block na buhok. Si dyosa Tafiña.
"ang iyong kapangyarihan ay mas lalong lumalakas mahal na prinsessa, nalalapit na ang takdang panahon, nalalapit na din mabou ang tatlong korona, ingatan mo ang mga korona, pagmamay-ari ito ng iyong kapatid, ama at ina"salita naman ni dyosa Anne, wala ako sa sarili na tumango.