*5 Days Later*
[Hazel POV]
"Anong ginagawa ko dito? nasaan ako? parte pa ba ito ng Diamond Academy?"nilibot ko pa ang paningin sa boung paligid, sobrang ganda talaga dito.
"Parang paraiso"wala sa sarili kung sambit.
Napakunot ang noo ko at napakamot sa batok.
"paano ba ako nakarating sa lugar nato?"napakamot ulit ako ng buhok dahil nalilito ako, kanina lang kasi nandon ako sa klase ni Miss.Faye, siya yung teacher namin sa History doon sa Diamond Academy, kasing social ng school ang mundong ito, social pa yun keysa school namin doon sa lupa, doon sa mundo namin gold na painting lang ang kulay ng school e dito, halos lahat totoong ginto, silver at dyamante ang mga gamit nito, ang social pa ng sahig at natural ang ganda ng field at mga classroom na puno ng mahika, naloloka na nga ako sa mundong ito minsan.
Pansamantala kaming nag aaral sa mundong ito, na sang-ayon sa aming tatlo nina KenKen at Clyde, yung totong Clyde, mahalaga daw kasi na malaman namin ang istorya sa mundong ito para naman aware kami, palagi din kaming nag eensayo sa paaralan nayon at para narin daw makontrol namin ng maayos ang aming pansamantalang kapangyarihan, oo may powers ako, may powers kami ni KenKen, kalahating kapangyarihan ng apoy, ang kapangyarihan ko, nong una sobra akong natakot sa kapangyarihan na ito dahil hindi ko masyadong nakokonrol, pero kalaunan ay nakokonrol ko na ito paunti-unti, nong una hindi ko matanggap, dahil hindi ko alam kung saan galing ang kapangyarihan na ito pero dahil sinabi sa akin ni Angel na nasa akin ang kalahating kapangyarihan ng apoy na siya mismo ang nagbigay ay sinanay niya ako ng isang araw upang ma kontrol ko ito ng tama. Ang powers naman ni KenKen ay isang kidlat/kuryente at usok, iyon kasi ang binigay ni Angel sa kanya, ang kalahating kapangyarihan ng kidlat at usok, nagwala pa si KenKen noon dahil nataranta siya na parang nababaliw, hinid rin niya matanggap ito nong una dahil sa pagkakaalam ko ay takot siya sa kidlat/kuryente, pero kalaunan naman ay natanggap niya ito, at nakakontrol niya yun ng mabilisan, tuwang-tuwa pa ito sa kapangyarihan na meron siya.
Si Clyde naman ay hindi ko alam kung may kapangyarihan din ba siya o wala, dahil sa pagkaka-alam ko ay yung binigyan ni Angel na kalahating kapangyarihan ng tubig ay nasa kamay ng imposter, yung nagpapanggap na Clyde na ilang araw.
And speaking of angel, sobrang miss ko na ang best friend ko, nasaan na kaya siya ngayon? Ano na kaya ang nangyari sa babaeng yun? Sinasaktan na kaya siya ng nga kalaban?
Bumuntong hininga ako at umupo nalang sa malaking bato na kulay asul dito sa magandang falls, napakalinaw ng tubig at naamoy ko pa ang bango ng magandang falls na ito, hindi na ako nagulat sa lugar na ito na puno ng hiwaga, puno ng milagro ang bawat lugar dito, puno ng mahika.
Bumuntong hininga ulit ako sinawasaw ko aking paa sa malinis na tubig.
Limang araw na ang lumipas simila nong kinuha ng mga darks(dhiabal) si Angel, hanggang ngayon hindi pa siya bumalik, ang sabi kasi sa akin ni Davino noon pagising ko na babalik siya, pero hanggang ngayon hindi pa siya dumating, dalawang araw ang lumipas non ay sinugod ng mga prinsesa at mga prinsepe kasama na ang ibang Hari at Davino para kunin si Angel sa kuta ng mga darks ay wala daw si Angel doon, nagkagulo pa daw doon sa kuta ng mga darks pero wala daw si Angel doon, umuwi silang lahat sa palasyo na sugatan pareho, at bigo na makuha si Angel.
Nag alala na kami sa kanya, I wonder kung nasaan na siya ngayon, namimiss kuna rin yung bruhang yun, may tampo pa ako sa kanya dahil hindi niya chinika sa akin na isa pala siyang prinsesa sa mundong ito, nalaman ko five days ago ng nagkaroon na ako ng ulirat, nalaman ko na anak pala siya ng dating namumuno sa mundong ito o sa tinatawag na Hari, na ngayon ay ito na rin ang namuno ng boung palasyo five days ago, nong sumapit kasi ang gabi pagkatapos nakuha si Angel ng mga darks ay sumakit ang ulo ng mga taong nanirahan dito except sa amin nina Clyde, KenKen, Davino at ng Hari, at sandali lang ay naalala na daw nila lahat, ang tungkol sa Hari, ang tungkol sa pagkatao ni Angel, na tinatawag nilang nakatakdang taga-lupa, naalala nilang lahat kasabay din non ang pagyaning ng tatlong beses ang mundong ito.