Episode 21

1.6K 56 10
                                    

[Angel POV]

"Anghel gising"unti unti kung minulat ang mata ko at nakita ko ang napakagwapong si poging Achero.

Ngumiti ako sa kanya at ganun din siya sa akin... nakakainis naman ang pogi masyado.

"Buti naman at gising na ang taga-lupang yan, nakakainis na ha, kanina pa tayo nag hinihintay dyan"napatingin ako sa nagsalita na si Lucy, inis na inis siyang nakasanding sa bukas na pintuan ng silid ko.

"Pasensaya kana Lucy"nakangiting paumanhin ko sa kanya at napatingin ako sa paligid, nginitian ko rin sila.

Una kung nakita si Chloe na nakangiti lang sa akin.

Si Prinsesa Mia na may nilalarong maliit na kahoy na gumagalaw at kinukulit siya, tumingin ito sa akin at ngumiti, ganun din ako.

Si Prinsipe Ethan na nag-iwas nang tingin sa akin, tapos biglang titingin sa akin tapos iiwas ulit.

"Prinsipe Ethan, tungkol kanina sa pag-eensayo, okay lang di naman ako galit"nakangiting sabi ko sa kanya, kaya napatingin na siya sakin ng desetso at lumiwanag ang mukha niya.

"Talaga taga-lupa? di ka galit?"umiling iling ako at ngumiti.

"naintindihan naman kita at saka hindi mo sinasadyang damihan ang kabalan ko, dahil kusa itong sumugod sa akin para kunin ako, kaya di ako galit, isa pa mag-lalaban pa tayo sa 'Unang Paligsahan' mamaya"nakangiting sabi ko kaya napanganga naman siya.

"paano mo nasabing tayo ang mag-lalaban? eh hindi pa nag-umpisa ang unang paligsahan? saka hindi pa natin nalalaman ang puntos mo dahil hindi pa nag-umpisa...."pinutol kuna ang sasabihin niya.

"Hula kulang hehe"napahimas Ako sa tyan ko dahil kumukulo na ito.

Nakalimutan ko gutom na pala ako kanina pa.

Ang dami kasing sinasabi itong si Ethan, hinulaan kulang naman na kami ang mag-lalaban mamaya hehe.

Si Prinsesa Shanna at Shela naman ay parehong nakangtingin sa akin, habang sila ay nakalutang sa ere.

Nakangiti silang dalawa sa akin.

"Hello taga-lupa"sabay sabay na bati sa akin nina prinsesa Shanna at Shela.

"mag uumpisa na ang unang paligsahan Anghel, kanina pa naghihintay ang mga kaklase mo".

"ganun ba? pasensaya na kayong lahat, kanina paba ako tulog?"tanong ko sa kanila.

"mga isang oras taga-lupa"nakangiting sagot ni Shela.


Tumango naman ako sa sagot ni Shela, napansin ko ang pag kunot ng noo nilang lahat, maliban kina Shela at Shanna.

Marahil ay nagtaka sila kung bakit ako tumango kahit hindi pa sila nakasagot.

Ngumiti lang ako ulit sa kanila.

"Hehe uhmm pwde bang kumaen dito kanina pa kasi ako gutom, at saka ilang araw na akong di kumakaen"

•••

"kinakabahan talaga ako"di mapakaling sabi ko at palakad lakad.

Ganun din ang ibang kaklase ko yung iba sumabay sa palakad lakad ko babalik balik, yung ibang kaklase ko kalma lang halatang di kinakabahan, tapos yung iba mukhang chill lang pero halatang kinakabahan.

Nandito kaming mag kaklase sa pwesto kung saan kami nag-aabang kung kelan tatawagin ang 'Unang Antas (0.5)' yan ang pangalan ng section namin.

"Guys, napansin niyo ba si Rhea?kanina pa kasi namin siya hinahanap, pero di namin siya mahanap, siya nalang ang kulang sa atin"napahinto kami nina Aice, at Zee sa paglalakad lakad nang sabihin yun ni Faye, at making kay Faye.

"Nandito na sala siya"sambit naman ng isa kupang lalaking kaklase na si Shame, napaantras naman kami nina Aice at Zee nang may biglang pumagitna sa harappan naming, hingal na hingal ito, halatang pagod na pagod.

Si Rhea.

"Guys nandito na ako, pasensaya na kayo late ako, nakatulog kasi ako dahil napagod ako sa training kanina"hingal nitong sabi sa amin.

Parang may mali talaga sa kanya na hindi ko maintindihan, umiwas na ulit ako ng tingin dahil ayokong pag-isipan siya ng masama.

"Okay lang Rhea sakto lang ang dating mo"sagot naman ni Kane.

"salamat naman at dumating kana Rhea, isa ka kaya sa malakas sa section natin, kayo ni Angel, kaya kung sino man sa atin ang manalo sa ating lahat, galingan natin talunin natin si Prinsipe Ethan para tayong lahat ang makaka tawid sa Pangalawang Antas"dagdag pa ni Kane, tumango kaming lahat.

Kaya ko to.

Kaya ko to.

Kaya ko to.

Huminga ulit ako ng malalim, at ganun din sina Aice at Zee kaya napatawa nalang kaming tatlo.

Kinakabahan kaming tatlo.

"Hoy Aice, Zee at Angel kumalma nga kayo dyan, nahihilo ako sa inyo"sabat naman ni Kane.

"'Unang beses kaya sakin to"reklamo ni Aice at lakad nang lakad.

"'Unang beses natin kaya tong lahat uy, first time rin nating magkaklase"sagot naman ni Shame na kalma lang.

Nakita ko ang mga Hari at Reyna, Prinsipe at Prinsesa, naka-upo sa kanilang mga trono, habang nanood sa ibang esdudyante na loob ng Training Field, may hadlang ito sa loob nang invisible barrier o sa tinawag nilang di nakikitang hadlang, nasa gitna ito nang napakalaking gym, matanda ang gym na ito, may lahat nang nakikita, lahat ng designs sa building na ito, ay gawa sa dyamante, halos lahat gawa sa dyamante, masabi kung napakasosyal ang gym na ito.

Timingin ako sa gitna ng Training Feild, kasalukuyang naglalaban ngayon ang mga tinuturuan ni Prinsipe Enok, nasa sampong esdudyante ang naglalaban laban gamit ang tig dalawang espadang bakal na kumikinang sa sobrang linis ng espada ang dala bawal esdudyante, naglalaban silang sampo, hanggang sa unti-unting napatumba lahat at isang makisig na lalaki nalang ang natira, sugatan ang mga esdudyante sa kanilang katawan dahil natamaan sila ng espada na hawak sa makisig na lalaki.

Kinakabahan ako paano kung masugatan din ang kaklase ko o kaya ako?

Nakita kung hingal na hingal ang makisig na lalaking natira sa gitna.

Itinaas nito ang dalawang espadang dala kasabay doon ang malakas na palakpakan ng mga esdudyanteng nanood dito sa malaking gym.

"ang galing naman nang lalaking yun, sana ganun ako kalakas"kommento ni Shame.

"Oo mga pero kawawa yung napatumba niya, maraming sugatan ang natamo nila galing kay Tyler"kommento naman ni Faye na nakatingin sa mga esdudyanteng sugatan sa gilid ng training field.

Napanganga naman ako dahil bigla silang nawala lahat maliban sa makisig na lalaki na tinatawag ni Faye na Tyler?

Tapos may sinasabi ang emce na maglalaban sina Prinsipe Enok at si Tyler.

Lahat kami totok na totok sa paglalaban nina Tyler at Prinsipe Enok gamit lang ang espada, pero sa huli ay talo si Tyler.

Sino ba kasi ang makakatalo sa isang prinsipe diba? makapangyarihan sila at malakas sila, at walang laban ang isang pangkaraniwang tauhan ng mahika lamang.

"mas lalo akong kinakabahan, tayo na ang susunod"kinakabahang sambit ni Aice.

At kami na nga ang sumunod.

Kinakabahan ako.

Paking tape naman oh, kinakabahan ako.

Pwede kayang umatras nalang?

•••

To be Continued:

Diamond Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon