[Third Person POV]
"P-pogi"
Tila madurog ang puso ni Angela sa nakikita parang ano mang oras ay babagsak siya dahil parang mawawalan siya ng lakas, mabuti nalang at nandyan sa tabi si Lucy at Enok, pinapagalitan siya sa halip na sumuko siya sa kasungitan nang kambal na sina Enok at Lucy ay tumatatag ang kanyang kalooban.
Huminga siya ng malalim at tinaas ang kanyang dalawang kamay, agaran naman lumabas ang kanyang dalawang mahiwagang espada at agad ding lumabas si Davina, lihim niyang inutusan ang kanyang repliksyon na gamitin ang kapangyarihang paglalaho para iligtas ang kanyang Ina.
Nasa likuran naman niya ang ibang mga prinsesa at mga prinsipi, mga sugatan ang mga ito at nanghihina na, ang iba naman ay patuloy parin sa pakikipaglaban sa ibat-ibang itim na mga nilalang na kampon ni Eros at Devon.
Sumigaw si Eros na umpisahan na ang laban na agad na sinunod ng mga kampon ni Eros.
Pumatak ang sunod-sunod na luha ni Angela at hinayaan niyang sugurin siya ni Hazel at Clyde nang sabay sabay, tanginging ilag lang ang kaya niyang gawin sa mga ito na atake parin ng atake sa kanya.
Nagkaroong siya nang mga galos sa dalawa niyang braso at sa magkabilang pisngi, hindi niya ininda ang sugat na natamo niya mula sa kanyang mga matalik na kaibigan.
Hindi niya kayang labanan ang mga kaibigan.
Nagalit si Lucy at Enok sa kanya kaya sila nalang ang sumalo at nakipaglaban kina Hazel at Clyde.
"h-hindi ko kaya"umiiyak na wika niya at napaluhod at yumuko, hindi niya kayang makita o labanan ang mahahalagang tao sa buhay niya.
Ngumisi si Eros at sininyasan nito si Davino kaya napangisi ito, tumakbo ito patungo ni Angela na ngayon ay umiiyak habang nakaluhod, inatake ni Davino ang kanyang kapatid at sinaksak si Angela nang walang pag-alinlangan sa tyan.
Napaangat ng tingin si Angela sa kapatid, lalong tumutuloy-tuloy ang pag agos ng luha niya sa mga mata kasabay ang pag agos nang masaganang dugo sa tyan ni Angela, hindi pinansin ni Angela ang sugat niya sa halip ay agad niyang niyakap ang kanyang kakambal nang mahigpit.
Nawala ang pagngisi ni Davino at pilit na kumuwala sa pagyakap ni Angela.
"Dyos nang Katotohanan,
ibalik ang dating pag-iisip,
katotahang muling ibalik,
Kaluluway muling namumbalik"
Napatigil sa pagwawala si Davino sa pagkayakap ni Angela at bumalik sa dating kulay na mga mata si Davino, dahil malakas si Davino ay hindi ito nawawalan nang malay, sagrado ang mga salita ni Angela kaya malakas ang pwersa ang marardaman nito at dahil malakas si Davino ay hindi ito nawalan ng malay.
Nagtaka si Davino nang nakayakap na ngayon ang kanyang kakambal na si Angela nanv mahigpit, nakapikit si Angela at unti unting lumuwag ang pagkayakap niya kay Davino, nanghihina nang unti-unti si Angela dahil sa pagsaksak ni Davino sa kanya, nagtaka si Davino dahil bumagsak si Angela at bahagyang sumuka nang dugo, nagulat si Davino sa nakikita kaagad na binitawan ang espadang dala niyang may tumutulog dugo, tinulungan niya kaagad ang kapatid, agad na kinuha ni Davino sa kanyang tagiliran ang gamot para mawala kaagad ang sugat nang kapatid, alam niyang siya ang may gawa, naalala niya kanina habang nililinlang siya ni Hazel na may saping itim na usok kanina, hinampas siya ng nobya dahilan para mawalan siya ng ulirat at para masaniban siya ng itim na kaluluwa nang kampon ni Eros.
At ngayon ay nabalik na siya sa kanyang sarili, napalingon siya kaagad kay Hazel dahil narinig niyang damaing ito sa sakit, wala siyang nagawa nang saksakin ito ni Lucy kasabay ang pagsaksak ni Enok kay Clyde, sabay sabay na napadaing ang dalawa sa sakit nang saksakin ang mga ito ng espada malapit sa dibdib kay Hazel naman ay sinaskak siya sa may bandang tyan, nakita niya ang dalawa na nabalot ang kanilang katawan sa sariling dugo.
Pagkatapos gamutin ni Davino si Angela ay nanaumbalik muli ang lakas ni Angela, niyakap ni Davino si Angela at humingi nang kapatawaran sa nagawa.
Dali dali silang pumuta sa kinaroronan nina Hazel at Clyde, nag-alala Angela at Davino kina Clyde at Hazel, nagkatinginan si Angela at Davino tila naintindihan ang nias iparating ng tingin na iyon sa isat-isa.
May kapanyarihan din si Davino na sagradong salita pero tanging Hari at Reyna lang ang nayatawag niya samantalang kay Angela ay mga Dyos at Dyosa.
Lumabas sa katawan nina Hazel at Clyde ang mg itim na mga kaluluwa at sinakop nang mga ito sa mga tinatawag nilang mga Dyos at Hari ng Katotohanan. Nawalan naman nang malay sina Clyde at Hazel, lumapit sina Snow at Neva na may kasamang mga sugatan na mga kawal at tinulungan sina Hazel at Clyde sa papunta sa loob nang palasyo.
Sa kabilang banda naman ay si Ethan at Kathy naman ang nakalaban ni KenKen, nasaksak si Kathy at Ethan at maraming silang mga sugat, agad na tinulungan nina Angela at Davino sina Kathy at Ethan at di nagtagal ay natalo nila si KenKen, nagwala pa ito bago mawalan ng malay na agarang dinala ang apat sa loob nang palasyo para gamutin ang mga sugat.
Napatingin sila Angela at Davino sa kanilang ama na ngayoy wala sa sarili na pinapslang ang ibang prinsisa at prinsipi, si Shana, Ella at Mia ay bumagsak na sa sahig maraming sugat hindi nila alam kung buhay paba ang mga ito o wala nang buhay, tanging si Darwin nalang ang natira na magkalaban ngayon ang ama nila at si Darwin, agad silang lumapit sa kinaroroonan ni Darwin at ni Davin, napatigil si Davin at napangisi nang makita si Angela at Davino, tinulak ng malakas si Darwin dahilan nang magbagsak nang lalaki sa kung saan at agarang hinarap ang mga anak, wala ito sa sarili, bumagsak ulit ang tuloy-tuloy ang luha ni Angela, bumagsak din ang luha ni Davino sandali, ngunit kailangan nilang labanan ang ama at para magamot at mapaalis ang itim na usok na sumasapi sa kanilang ama.
Sinigod ni Davin ang kanyang mga anak nadaplisan silang dalawa sa ginawa nang ama, ngumisi ito sa kanila ngunit nawala iyon dahil boung pwersang niyakap ni Angela at Davino ang ama nila na si Davin, ginawa muli nilang dalawa at sabay sabay na binigkas ang mga sagradong salita upang mapaalis ang itim na usok at para mabalik sa sarili ang kanilang Ama.
***
Napasigaw si Eros sa tindi nang galit sa nasaksihan ngunit napahakhak muli ito na parang nababaliw na demonyo, ngumisi ito nang malawak at tumungin kay Achero na hanggang ngayon ay wala paring malay.
Nakita nila Angela at Davino kung paano sumanib sa katawan ni Achero si Eros habang humalakhak.
"H-hindiiiiiii.....hindi maari......P-pogi"
***
AN: 2 chapter/episode nalang, babosh na talaga hehe.