[Shanna POV]
Mabilis na minulat ko ang mga mata ng makita ko sa aking panaginip.
Ang tatlong makapangyarihang dragon, tatlong ibat ibang uri ng dragon ang dragon ng yelo(Zephy), dragon ng tubig at apoy (Volder) at ang huli ay di nakikitang dragon, ang dragon ng hangin (Star).
Sila ang dragon na mahirap kalabanin at mahirap paslangin ayon sa nalaman ko, alam ko yun, alam naming lahat ng ito, dahil sinabi sa amin ng dating taga-basa ng propesiya.
Sakto naman na nagising din ang taga-lupa na si Angel, hingal na hingal siya at parang nahihirapang huminga.
Napansin kuna agad ang buhok niyang naging kulay lila.
Sobrang ganda niya.
"Angel anong nangyari?"taka kung tanong sa kanya, hirap parin itong huminga at nakatulala parin kaya lumapit na ako sa kanya, tinapik tapik niya si prinsepe Achero upang gisingin.
"Pogi, pogi gising"agad namang nagising si prinsepe Achero at alam kung napansin agad niya ang buhok ni Angel na kulay lila.
"Bakit anghel?"nag-alala tanong ni Achero sa kanya.
"Nanaginip ako"tumayo pa siya at di mapakaling palakad lakad pabalik balik sa harap namin.
Nakita kung nagising na ang mga kasamahan namin lahat at nagtakang tumingin kay Angel na palakad lakad lang.
"Para talaga siyang totoo, nako nakaktakot sila, baka di sila mabaet katulad nina Riri"di mapakali niyang sabi at humarap sa amin na takang taka lang sa kinikilos niya.
Seguro napansin nilang lahat ang pagbabago ng buhok ni Angel, naging kulay lila na ito at ang ganda ganda niya, gumanda siya lalo.
Napatigil naman siya sa palakad lakad at may binubulong bulong pa na di namin narinig, kaya tiningnan ko siya ng mabuti at binasa ang iniisip niya na di ko masyadong naintindihan.
"Ugh stop being weird in front of your friends, tatawagin ka na naman ng weidro nito, ugh stop thinking hindi totoo yung mga dragon na nasa panaginip mo angel, stop it, stop it"huh?
"Ay sorry, ano kasi may napanaginipan akong mga dragon, nakaktakot sila lumaban pero maganda ang mga itsura nila"napahawak pa siya sa noo.
Nagulat naman ako ng may dumaang malamig na malamig na hangin sa buong katawan ko, tumingin ako sa mga kasamahan ko at ganun din ang reaction nila.
"Pasensya na kayo, pero yung nasa panaginip ko, para kasi siyang totoo, nandito sila sa paligid nagmamasid sa atin yung tatlong mga magagandang dragon na nasa panaginip......k-ko...."napahinto naman siya at napatinggala sa itaas namin.
Kaya nagtaka kaming tuminggala sa itaas, ganun nalang ang gulat namin nang makita ang isang dragon ng yelo na tinatawag na Zephy sa propesiya, nakatingin ito ng matalim sa amin, maganda nga itong tingnan pero yung mga mata nito ay nakaktakot tingnan.
Nakatingin ito sa amin ng matalim.
"Takbo"sigaw ni Ethan ng bugahan kami ng yelo, bago kami nabugahan ng dragon tumakbo na kami palayo sa dragon, lumingon ako sa dragon kung nakasunod ba ito sa amin ngunit nagtaka ako dahil nanatili parin si angel sa pwesto niya kanina habang nakatinggala sa dragon, kaya napatigil ako at ganun din ang iba.
"Anong ginawa niya? Magpakamatay ba siya?alam naman seguro niya na mabangis ang dragon na nasa harapan niya"inis na salita ni prinsesa Lucy.
"Diba hindi yan basta basta dragon? anong ginagawa ng taga-lupa?"nag-alalang tanong ni prinsesa Kathy.
Napaatras naman kami ng may dragon na biglang sumulpot sa harapan namin nakatingin sa amin ng matalim.
Siya ang dragon ng tubig at apoy na tinatawag ng propesiya na si Volder.
Unang naglabas si Lucy ng espada hanggang sa sunod sunod kaming naglabas ng espada upang paslangin ang dragon, kailangan namin silang paslangin upang mabuksan ang lagusan ng isang mahiwagang bangin dahil ayon sa propesiya mabubuksan lamang ito kapag natalo namin ang unang tatlong dragon ay mabuksan ang isang hadlang upang kami ay makapasok ngunit ang tanging naka-takda lamang ang tanging makakahawak ng unang korona.
*Hreee*
Sigaw ni dragon Volder sabay buga ng tubig na may pinag-halong apoy kaya napatalon sina Ethan at Rhea habang si Snow, Neva at Kathy ay napatakbo palayo, habang ako ay hinadlangan gamit ang kapangyatihan kung hadlang upang di ako matamaan ng pinag-halong tubig at apoy, si Achero naman ay tumalon papunta kay dragon Volder dala dala ang espada niya dahilan upang mapasigaw si dragon Volder dahil nataaman ito sa leeg.
Tumingin ako sa gawi ng taga-lupa ngunit di kuna siya nakita pa.
Hinanap ng mga mata ko si Angel pero di ko na siya makita sa paligid pati ang dragon na si Zephy.
"Shanna"sabay sabay na sambit nila sa pangalan ko at don kunalang na malayan na paparating sa akin ang tubig at apoy sa gawi ko, sa halip na matamaan ako ng tubig na may pinag-halong apoy ay naramdaman kung may tumulak sa akin dahilan para bumagsak ako sa sahig masyadong mabilis ang pangyayari.
"Rhea"sigaw ni Kathy at Ethan kaya napatingin ako sa pwesto ko kanina at nakita ko si Rhea, nagulat naman kami dahil bigla itong naging itim na bato?
Agad akong lumapit kay Rhea at hahawakan na sana ngumit di ko natuloy dahil papalapit ang dragon dito sa gawi ko kaya tumakbo ako palayo nakita ko ang mga kasama ko na nilabanan si dragon Volder, nakita ko si Kathy na nabugahan din ng tubig na may pinag-halong apoy at katulad na nangyari kay Rhea naging itim na bato din siya, sabay sabay naman din na nabugahan sina Snow at Neva at naging bato din sila, mapasigaw naman si Ethan dahil sa galit, at lumapit sa kambal na kapatid niya, ngunit di niya ito nahawakan dahil parang napaso siya.
"Ahhh papatayin kita sa ginawa mo sa mga kapatid ko Volder"galit na sigaw ni Ethan at sumugod kay Volder
*Hree*nakita kung napangisi si dragon Volder habang si Ethan galit na galit patakbo papalapit kay Volder.
Ngunit biglang nawala si dragon Volder, kaya napa hinto si Ethan at hinanap hanap si dragon Volder.
"Pag-nakita kita papatayin kita Volder"galit na sigaw ni Ethan, lumapit naman kami ni Achero sa kanya at sabay namin siyang tinapik tapik sa balikat.
"maging okay rin sila Ethan, hanapin muna natin ang taga-lupa dahil bigla nalang siyang nawala at ang dragon na si Zephy"sabi ko sa kanya kaya sabay sabay na napatingin si Achero at Ethan sa akin.
"Anong ibig mong sabibhin?"nag-alalang tanong ni Achero.
"Nong sumugod sa atin si dragon Volder, ay nantili si angel sa pwesto niya kanina, at nong tiningnan ko ulit ay nawala si angel sa pwesto niya kanina pati narin si dragon Zephy"sabi ko sa kanila.
"Baka ano nang nangyari sa kanya"malumanay na sabi ni Ethan.
"Hanapin natin siya...."
•••
To be continued: Hello guys happy reading and enjoy.