Episode 49

926 28 3
                                    

[Angel POV]

Isang napakagandang palasyo ang aking nakikita ngayon, pagkatapos humingi ng paumanhin si Draco ay humarap siya sa kinaroroonan nina Volder, Zephy at Star na bato parin hangang ngayon.

Bumuga ng apoy si draco at nasunog ang bato(statue) nina Volder na kinataka ko, pero agad itong napalitan ng ngiti at pagkamangha, isa pala yung pekeng statue na ginawang hadalang upang protectahan ang palasyo ng mga dragon.

"Tuloy kayo prinsesa Angela, prinsepe Davino, maligayang pagbabalik"wala ako sa sariling napatango habang nakatinggala sa paligid, ang ganda.

Nakakamangha.

"akoy natutuwang muli na ikay namamangha sa aking palasyo prinsesa Angela, maligayang pagbabalik"salita ni Draco, nauna itong naglakad sa amin, malaki si draco kaya nakatinggala ako sa kanya, halos kapantay lang ng ulo niya ang height ko, nakakatakot siya tingnan pero sanay na ako.

•••

Napangiti ako habang naluluha, nakatinggala ako sa mga dragon na pag-mamay-ari ko.

lumundag lundag pa si star at zephy sa tuwa ng makita ako habang nilambing naman ako ni Volder.

"Yeeeee naglalambing"sabi ko habang natatawa sa kanilang tatlo.

Nang hinawakan at niyakap ko sila isa-isa (Zephy, Volder at Star) ay naalala kuna kung paano naging mga dragon ko silang tatlo, regalo ito ni ina Leah at ama Davin noong kami ay limang taong gulang palang, itlog pa silang tatlo nang binigay sila sa akin ni ina at ama, naalala ko ang mga pinag-daanan naming apat, mapasaya man o kalungkutan.

Niligtas nila ako noong pitong gulang pa ako, niligtas nila akong tatlo noong sinugod ang aming palasyo upang paslangin ako ni Devon, ang mortal na kaaway ni Ama(Davin), dahil sa kagustuhang masakop ang boung mundo, mapatao man o mga mahiko/mahika, upang gawing alipin ang lahat ng tao at mapasakanya lahat ng kapangyarihang ng mga mahiko/mahika, diwata, dragon at mas lalong lalo na sa tatlong korona, upang matalo ng dilim ang liwanag.

Pero hindi ko hahayaang magwagi si Devon sa kanyang masamang balak, hindi ako makakapayag na tuluyang makuha ng dilim ang liwanag gaya ng gustong mangyari ni Devon, hindi ako papayag. Kung kinakailangang itaya ko ang buhay ko, matalo kulang ang dilim, matatalo kulang ang kasamaan ni Devon ay handa kung itaya sa pangalawang pagkakataon ang buhay ko para sa lahat.

"natutuwa kaming tatlo sa iyong pagbabalik mahal na prinsesa" salita ni Star, ngumiti ako at hinimas-himas ang kanyang ulo, gaya ng ginagawa ko dati.

"natutuwa din ako dahil sa wakas ay naalala kuna kayo, natutuwa ako dahil unti-unti kung naalala ang lahat, ala-alang nakalimutan ko, parte sa nakaraan"madam-daming sagot ko sa kanila.

Nilingon ko si kuya na kausap si Draco at Faye, malayo sila sa akin, ngumiti si kuya sa akin, at kumaway naman ako habang natutuwa dahil nilalambing parin ako ni Volder gamit ang ulo niya.

Palagi naman nila akong nilalambing, gaya nong dati, noong bata pa kami.

"mahal kung kapatid, paumanhin ngunit kailangan na nating bumalik sa paaralan ng dyamanting palasyo, upang ipagpatuloy ang naputol na pagsasanay" ngumiti ako habang hinimas ang ulo ni Zephy, lumingon kay kuya, natutuwa pa talaga ako sa tatlo.

"Okay kuya" sagot ko, bumalik si kuya sa kinaroroonan nina Draco at Faye, upang hinatayin ako.

"Oh nga pala Volder, Zephy, Star kailangan na nating umalis dahil kailangan kung magsanay, hali na kayo, handa naba kayo?"tanong ko sa kanila.

"matagal na mahal na prinsesa, kinagagalak naming malaman na ikay babalik sa aming piling, handang handa na aming prinsesa"naluluha naman ako habang hinawi ang kulay lilang damit ko sa aking braso at pumikit sandali at nagmulat din ako kalaunan.

Diamond Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon