Episode 54

1.2K 37 14
                                    

[Angel POV]

Nagawa naming basagin ang malakas na hadlang na nasa harapan namin ni KenKen, alam kung malakas ang hadlang dahil ramdam ko yun, pero mas malakas ang kapangyarihan namin ni KenKen dahil narin sa tiwala sa sarili, kahit na kabado kaming dalawa ay sinubukan parin namin at isa pa prinotektahan ko si KenKen gamit ang kapangyarihan kung hadlang upang hindi siya masaktan kapag hindi namin kinaya ang lakas ng kuryenteng hadlang.

Nabuksan namin ni KenKen ang kuryenteng hadlang, gamit ang kapangyarihan naming dalawa, naging bou ang kapangyarihan kung kidlat at kuryente dahil sa kanya, isa pa palihim ko itong ginamitan ng hangin at hadlang para hindi kami masaktan at tuluyang mabasag ang malakas na kuryenteng hadlang.

Hindi ko na pinansin ang mga tanong at mga sinasabi nina Shanna, Shela, Enok, Lucy, Rhea, Achero, Kuya Davino at ang kakaibang pagngisi ni Clyde, sa halip ay naglakad na ako papasok sa dalampasigan, namangha ako sa kagandahan ng karagatan, maputing dalampasigan, para siyang paraeso sa sobrang ganda.

"Whoah"napatingin ako kay KenKen na sumunod pala sa akin, nasa likod niya si Kuya Davino at Hazel, nasa likod naman nina Hazel si Achero, Rhea, Shanna at Enok, sumunod naman si Lucy, Clyde at Shela.

Ayos na si Hazel dahil nagaamot kuna siya, napangiti naman ako dahil inalalayan siya ni kuya Davino, bagay na bagay talaga ang dalawang to.

"Ang ganda naman dito"nakatulalang bulalas ni Hazel.

"parang ikaw"napangiti nalang ako ulit sa kawalan, narinig ko ang isip ni kuya Davino.

Naramdaman kung tumabi sa akin si Achero kaya napatingin ako sa kanya.

"Sino ka ba talaga Anghel?" mahinang tanong niya sa akin, ngumiti lang ako sa kanya at di sumagot, hindi pa ito ang tamang oras na malaman niya ang tungkol sa akin, sa pagkatao ko.

Sabi ng mga dyosa ay sa tamang oras at sa takdang panahon alam kung kusa niyang malaman ang lahat tungkol sa akin, tungkol sa totoo kung pagkatao.

"paumanhin! huwag munang sagutin ang aking katanungan"salita pa niya ngumiti lang ulit ako sa kanya.

"Ayos lang Pogi"sagot ko.

Humarap sa amin si prinsesa Shanna, may dala siyang kulay asul na halaman, ang weird tingnan ng halaman na yun.

"Uhmm princess Shanna, what's that weird thing?"napatingin naman si Shanna kay Hazel, napangiwi pa si Hazel dahil nandiri siya sa halaman na hawak nito.

"Ito ay tinatawag nilang mahiwagang halaman, ito ang gagamitin natin para makahinga tayo na parang normal sa ilalim ng dagat, tatlong oras lang ang tagal nito"salita ni Shanna at isa isa niyang binigay sa amin ang kulay asul na halaman.

"Simulan na natin ang paglalakbay patungo sa ilalim ng dagat, kainin na natin ang halaman na ito"anunsyo pa ni sa amin tahimik lang kaming tumango at napatingin sa mahiwagang halaman na hawak namin.

"Nakakain ba talaga to?"rinig kung salita ni Hazel, sinimot pa niya ang halaman na hawak niya, nakita kung napangiwi siya.

"Eww, ahck kadiri"mahinang reklamo ni Hazel, tila nandidiri.

Napatingin ako ulit sa hawak ko pero napatigil ako dahil may naramdaman akong maitim na enerheyang paparating.

"Maghanda kayong lahat, may paparating" anunsyo ni Achero at hinila ako para itago sa likod niya, kaya napakunot ang noo ko.

Diamond Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon