Episode 35

1.3K 37 0
                                    

[Angel POV]

"Ihanda mo ang iyong sarili sa lahat ng mangyayari, sa oras na mahawakan mo ang unang korona masasagot nang unti unti ang iyong katanungan tungkol sa iyong sarili, mauukit na nang paunti-unti nakatagong malaking secreto sa iyong pagkatao"salita ni dyosa Tafiña.

Lumakas ang pintig ng puso ko sa kaba, dahil parang di ko kakayanin kapag nalaman ko ang sinasabi nilang nakatagong malaking secreto?

Natatakot ako pero gusto kung malaman ang lahat, gusto kung masagot lahat ng tanong.

"Alam namin na nahihirapan kapang mag-udjust ngayon, marahil ay nabigla kaparin sa nangyayari sa buhay mo, hayaan mo Angel makapag-adjust karin, pagbutihin niyo ang paglalakbay at sana magtagumpay ka, sana makayanan niyo ang lahat, mag-iingat kayong lahat, lalo kana Angel, bawat gawaen na inyong pagdaanan kabundokan, karagatan at kagubatan ay may makaklaban kayong malalakas na ibat ibang nilalang"pagsasalita namn ni dyosa Safiña.

"Pero bawat task o gawaen na pagdadaanan niyo, may isang ma-iiwan sa inyong lahat, tulad ngayon sa oras na maglakbay na kayo may isang mahahadlangan upang ma-iwan"nakangiting salita naman ni dyosa Anne.

"ibig sabihin sa oras na maglalakad kami ngayon may isang ma-iiwan?"tanong ko sa kanila, kaya tumango silang tatlo sa akin.

"Ano? ma-iiwan?"sabay na salita nina Snow at Neva.

"Sabihin mo sa kanila Angel, para maliwanagan sila"agad naman akong tumango sa kanila at yumuko sa harapan nila upang magbigay galang, ganun din ang ginawa nilang tatlo sa akin.

"Hanggang sa muling pagkikita mahal na prinsesa"napakamot naman ako sa buhok ko kahit walang makati, dahil di na narinig ang huling sinabi nilang tatlo.

Naramdaman kung hinawakan ulit ni Achero ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya, natatanong ang mga mata niyang nakatitig sa akin.

Sinabi ko sa kanilang lahat na bawat dadaanan namin ay may ma-iiwang mag-isa.

"kung ganun may ma-iiwan isa sa atin dito?"pag-uulit ni Mia kaya tumango ako.

"At sa oras na maglalakad tayo ngayon, isa sa atin ang mahahadlangan at ma-iiwan"malungkot kung salita, gusto ko kasi sama sama kaming lahat at haraping lalabanan ang mga kalaban.

Napatingin ako kay Shela sa gawi niya pero nagtaka naman ako dahil bigla itong nawala sa gawi niya kanina.

"Shanna"tawag ko sa pangalan niya, kaya nagtaka naman si Shanna, tumingin ito sa akin, suminyas naman ako na agad niyang naintindihan, lumingon siya sa gawi ni Shela kanina pero wala na ito.

"Nasan na siya?"mahinang bulong ni Shanna.

"Sino?"mahinang bulong din ni Darwin na nasa tabi ni Shanna, agad namang umiling si Shanna at tumingin sa akin at bahagyang huminga ng malalim.

"kung sino man sa atin ang ma-iiwan, mag-iingat nalang"sambit ni Shanna "tara na malayo pa ang lalakarin natin"sabi pa ni Shanna at naglakad na.

Hinawakan muli ni Achero ang kamay ko at mag-simula na sanang maglakad pero napahinto siya dahil hindi ako gumalaw.

"Anghel, bakit?"tanong niya, ngumiti naman ako at dahan dahang tinanggal ang kamay ko sa kamay niya.

"pogi, kaya ko sarili ko, di muna kailangan hawakan ang kamay ko"nakangiti kung sabi na siyang kinakataka ni Achero, tumingin ako sa gawi ni Lucy na galit na naman na nakatingin sa akin, ngumiti ako sa kanya at nauna nang maglakad at sumunod kay Shanna, nagsimula narin mag-lakad ang mga kasamahan ko, lumingon ako kay Achero na nakatingin sa gawi ko habang naglalakad ng mabagal, parang nanghihina siya? napangiti ako dahil sinabayan siya sa paglalakad ni Lucy.

Bagay silang dalawa.

Napangiti ulit ako habang naglalakad, pero agad naman nawala yun dahil may isang sa kaklase ko ang nanatili sa lugar na kinatatyuan niya kanina, agad akong tumakbo papalapit sa kanya at nilapasan sina Lucy at Achero na parehong nakatingin sa akin.

"Shame"kinabahang sigaw ko.

"Angel"kinabahang sambit ni Shame da pangalan ko.

"mukhang ako ang ma-iiwan dito"nababahalang salita ni Shame sa akin.

"hindi ko magalaw ang katawan ko Angel"nakatingin ito sa akin na parang kinakabahan.

"Shame"sabay sabay na sigaw nina Kane at Rhea habang tumakbo papalapit sa amin ni Shame, nag alala silang tiningnan ang kaibigan.

"huwag kayong mag-alala sa akin, ipagpatuloy niyo ang unang mission natin"nababahalang salita ni Shame sabay tingin sa akin. "Angel mag-iingat ka ha kaya muyan, magpakatatag ka, kaya muyan taga-lupa"nakangiting salita na ni Shame sa akin, kaya tumango naman ako at hinawakan ang kamay niya.

"Shame ipanagako mo sa akin na mag-iingat ka rin dito huh?"tumango naman si Shame at saka ngumiti sa akin, binalingan nito ng tingin sina Kane at Rhea.

"Kayo din huh? mag-iingat kayo, tandaan niyo yung pangako nating magkakaibigan"nakangiting salita ni Shame sa aming tatlo kaya napatango naman kami ng sabay sabay.

May pangako kasi kaming apat na walang iwanan, sa maikling panahon na magkasama kami ay naging matalik kaming magkakaibigang apat.

Binitawan ko ang kamay ni Shame at nagsimula na kaming maglakad.

Kumaway kaming tatlo sa nakangiting si Shame na naiwan.

•••

To Be Continued:

Diamond Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon