[Third Person POV]
Napatigil si Davina sa pakikipaglaban ni Devon dahil bumalik ito sa katawan ni Angela, pinanghihinaan na naman siya nang loob, hindi niya na nagawang iligtas ang kanyang ina gamit ang kanyang kapangyarihang repliksyon dahil nawala siya nang konsentrasyon, pinanghihinaan na naman siya ng loob dahil sa minamahal niyang si Achero na sinaniban na ngayon ng Dyos ng Kadiliman.
Patuloy parin humalakhak si Eros gamit na ang katawan ni Achero.
Si Devon naman ay nanatiling nakangisi, katabi nito si David ang pinsan ni Haring Davin, hawak nang mga kawal nang kadiliman si Reynang Leah na ngayon ay nawalan ng malay dahil sinuntok ito sa tyan ni David at Devon.
Habang si Angela naman ay halos matumba sa tindi nang takot at pangamba na nararamdaman niya sa oras na ito, ayaw niyang kalabanin si Achero dahil hindi niya kayang saktan ang katawan ng nobyo, feeling niya kapag lumaban siya kay Eros ay para naring sinasaktan niya si Achero.
"A-anong gagawin ko, Kuya? Lucy?h-hindi ko siya k-kayang labanan, nadudurog ang puso ko, masasktan ang ko ang katawan ni Achero"mahinang tanong ni Angela kina Lucy at Davino na nasa tabi niya habang inalalayan siyang tumayo.
"Kahit anong sambit mo nang sagradong salita laban sa akin kagaya nang ginagawa mo sa mga kampon ko ay hindi mo magagawa sa akin ang ginawa mo, alam mo yun Angel"malamig na halakhak ni Eros kaharap si Angela.
"walang bisa kapag tinawag mo ang mga Dyos at Dyosa para palabasin ako sa katawan ni Achero dahil alam natin na isa rin akong Dyos"natigilan si Angela sa narinig na mas lalong kinadurog nang puso niya.
"Nasa sa iyo ang disisyon aking kapatid, kapag hindi mo siya lalabanan gagamitin ka niya upang makuha ang kanyang hangarin"
"Gusto ko siyang labanan pero baka masaktan si Achero, gamit niya ang katawan ni Achero"
Napangisi si Eros dahil narinig niya ang usapan nina Angela at Davino, kapante ito na hindi siya masasaktan o basta bastang matalo ni Angela dahil hawak niya ang pinakamahalagang alas laban sa nakatakdang papatay dapat sa kanya.
Tinaas ni Eros ang kamay niya upang palabasin sa kamay niya ang tatlong korona na pag aari ni Haring Davin, Davino at Reyna Leah, tinanggal din ni Eros ang kanyang itim na korona at pinalutang sa eri, dahilan para kumulog nang tatlong beses na sunod-sunod, napatigil ang lahat na nakikipag laban at tumingin sa langit at sa apat na koronang nakalutang sa eri, naghalo-halo ang itim at liwanag, malakas ang pwersa nang itim na korona at ang tatlong korona, yumanig pa ang boung palasyo sa nangyri.
"isa nalang ang kulang Angela"halakhak ni Devon at napatingin sa korona niyang sout-sout.
"malapit na akong magtagumpy"halos sabay na banggit nina Devon at Eros at saka hinahadlang ni Eros ang mga korona sa eri pa hindi iti basta basta makukuha.
Napapikit si Angela nang narinig niya sina Dyosa Safina, Dyosa Anne at Dyosa Tafiña ang mga Dyosa ng Kalangitan, Pag-ibig ay Katapangan.
"Tandaan mo Angela ang iyong kapangyarihan na sagradong salita ay makapangyarihan"Dyosa Safiña
"At kapag sinabing sagrado ay susundin nito ang inuutos mo"Dyosa Anne.
"susundin ka nitong sagradong salita mo nang mga Dyos at Dyosa kahit labag ito sa kalooban nang Dyos na iyon, Tandaan mo si Eros ay isang Dyos, susundin niya ang utos mo kapag ginamit mo ang boung lakas, ang sagradong mga salita laban sa Dyos ng kadiliman"Dyosa Tafiña.