[Angel POV]
"kamusta ang iyong pakiramdam taga-lupa?"tanong pogi sa akin ng makalapit ito sa akin.
"ok na ako pogi, salamat"nakangiti kung sagot.
"kung ganun sumama ka sa akin"nakatitig ito sa akin habang sinasabi yun.
"huh sasama sayo? saan?"takang tanong ko.
"kailangan ka ng lahat taga-lupa, kailangan ka ng lahat dahil ikaw lang ang makakatulong sa aming mundo."
Napangaga naman ako sa sinabi ni pogi? teka sino siya? Bat ang pogi niya?.
"Huh?"laglagpanga kung tanong dahil hindi ko naintindihan.
"ikaw ang naka-takda para mahanap ang tatlong dyamanteng korona taga lupa, ikaw ang susi kung saan nakatago ang mga dyamante, matagal kanang hinihintay ng Haring David at Reynang Leah"napangiti ako ng malawak at parang na excite lalo, huhuhu parang kelan lang pangarap ko ang maging isa sa mga magagandang nilalang.
Gusto kung wag putulin ang panaginip na ito, gusto ko patunayan sa lahat ng nawewerduhan sa akin sa school at sa mga kaibigan ko na palaging sermon ang natatangap dahil sa kaweirduhan, gusto ko sanang patunyan sa mga kaibigan ko na totoo ang mga magic, mga mahika.
Maniwala kasi akong may himala, hehe.
"talaga pogi? ako ang naka-takda? Hehehe sabi kuna eh ang ganda nanaman ng panaginip ko, sana totoo nalang to, para naman magkaroon ng maraming kulay ang mundo ko, hays"malayo ako nakatingin parang maraming star ang mata ko sa mga imagination ko.
"anghel totoo ito, at hindi ito panaginip"nakangiti na sabi nitong si pogi.
"Angel pogi hindi anghel hehehe ang pogi mo naman para kang Prince Charming"kinikilig kung sabi nito, ayokong mahiya tutal nasa panaginip naman ako.
"Ako si Prinsipe Achero ang prinsipe ng apoy, sinusundo kita upang matulungan ang aming mga kaharian"nakatitig ito sa akin ng seryoso.
Kung totoo lang ito, maniniwala ako sa sinabi ng isang to, kaso nasa panaginip ako kahit buong puso akong naniniwalang may magic na nag eexist sa mundo ko hehe.
"Pogi anong klasing lugar to? para lang tayong nakalutang sa ere"pag-iiba ko sa sinabi niya habang nakangiti.
"Ito ang mahiwagang hangin taga-lupa, kailangan mong maniwala sa aking mga sinasabi, bago mahuli ang lahat"sabi pa nito nakatingin sa akin ng seryoso.
Weh? Di nga? Paniniwala naba ako? Diba panaginip to?
Ang natatandaan ko kanina ay nagkagulo sa school na pinag-aralan ko kasama kupa nga si Clyde, KenKen at Hazel kanina, nagkagulo dahil sa lindol tapos nahiwalay ako sa kanilang tatlo, tapos may lumapit sa akin na limang pangit na nilalang nakakatakot ang kanilang mukha kasi wala silang mukha na parang ewan, medyo mataas sila akin, tapos aakmang hawakan ako ng biglang lumiwanag ang katawan ko dahilan para mawala sila na parang bula sa harapan ko.
Pagkatapos ay nanghihina ako at biglang natumba habang lumilindol parin, bago ako natumba at may gwapong biglang sumulpot sa harapan ko tapos sinalo ako nito bago nawalan ng malay.
Tapos, tapos, tapos....
"Shocks...t-totoo?"di makapaniwalang sambit ko sa kaharap ko, siya pala yung gwapong biglang sumulpot sa harap ko kanina bago ako nawalan ng malay.
"Totoo taga-lupa, kaya maniwala ka sa aking sinasabi"
Napatakip ako ng bibig at di makapaniwala sa mga nangyayari.
Ang saya saya ko sana hindi panaginip to.
"Naniniwala na ako pogi"nakangiti kung sabi kay Achero.
Hinawakan nito ang kamay ko at sa isang iglap, naglaho kami na parang bula sa mahiwagang hangin.
•••
"Waw"napanganga ako sa nakita ko.
"Waaaaaaaaaaaaaaah"sigaw ko dahil sa ganda ng nakita ko dito sa paligid.
Maraming bulaklak, ibat ibang bulaklak, kaya sobra akong namangha.
"Pogi ang ganda naman dito"bulalas ko sa kasama ko ngayon, habang hawak parin ang kamay ko.
Ang romantic dito, hehe para kaming nag dedate sa magandang lugar nato.
Tahimik lang ito, naramdaman kung nakatitig ito sa akin kaya nanahimik ako, kaso may nakita akong di kalayuan dito kaya napasigaw na naman ako sa ganda ng mala-palasyong bahay? kumikinang ito sa ganda, para siyang palasyo?
"Waw as in waw ang ganda"bulalas ko habang nakatinggala sa mala-palasyong bahay.
"Hindi yan mala-palasyong bahay lamang yan taga-lupa ito ang kaharian ng Diamond Palace"sabi nito sa akin kaya napalingon ako sa kanya at nakatitig, nakatingin naman siya sa Dymanteng Palasyo na sinasabi niya.
Ang gwapo ng isang to, as in napakagwapo niya.
Bumaba ang tingin ko sa kamay naming dalawa na hindi niya talaga binitawan kanina pa.
Napakagat labi ako at pinigilan ang kilig at saka tiningnan ulit ang kaharian ng Dymanteng Palasyo na yun.
"Pwde bang pumasok dyan pogi?"tanong ko sa kanya.
"Hindi pa maaari dahil may gulo pa sa loob, sabay sabay nilusob ng mga kadiliman ang aming mga kaharian, kaya patawad taga-lupa dito muna tayo sa hardin na ito wag kang mag-alala dahil may hadlang ang garden na ito, upang hindi ka matuntun ng mga kalaban"mahabang paliwanag nito sa akin.
"Okay"sagot kunalang kahit hindi ko masayadong naintindihan, pipilitin kung intindihan ang mundong pinasok ko.
•••
AN: Correct me if may maling spelling.
KUNG MAY NAGBABASA 💕