[Angel POV]
"Hindi tayo susuko, mamaya e report na natin to sa mga pulis para matulungan tayo"seryosong wika ni Clyde, namimiss na nila ako.
namimiss na nila ako, namimiss kuna din naman sila.Sobra, pero slight lang talaga hehe.
Hindi ako nakatiis ay lumabas na ako at hinabol silang tatlo nasa gitna nina Ken at Clyde si Hazel may distansya sila ng kunti, parang binagsakan ng langit at lupa ang mukha nila, nakangiti akong tumakbo papalapit sa kanila at pumagitna saka inakbayan si Hazel at Clyde kaya napahinto sila sa paglalakad.
Wala silang reaction sa ginawang pag-akbay ko sa kanila, promise para silang ewan.
"stress na ako nito kung ano ano na ang nakikita ko hays" salita naman ni Hazel at umiwas sa akin ng tingin.
hinanap nila ako tapos hindi nila ako pinapansin? ano to? haha para talaga silang ewan.
"Angel nasan kana ba? lahat ng nakikita kung babae na esudyante dito kamukha muna lahat tsss"mahinang salita naman ni Clyde lumingon sa akin at tulala.
Ang hagard nila hehe, stress na stress.
Humarap si Ken sa akin at tinitigan ako ngumiti ako sa kanya, tapos maya maya pa ay lumiwanag ang mukha niya.
Para din siyang ewan promise.
Haha.
"Angel? ikaw yan diba?"napatawa naman ako.
"THE ONE IN ONLY? hehe"sabi ko at napatawa.
"Angel? nasan nasan?"nabatukan naman ng mahina ni Ken si Hazel.
"Gaga nasa tabi niyo naka-akbay pa nga eh"natatwang sabi naman ni Ken.
"Beshie"sigaw niya at saka niyakap ako agad, napatawa nalang ako.
"Gaga saan ka kasi pumunta? Alam mubang hinanap ka namin? akala namin napano kana bruha ka, namiss kita"bulalas niya at humiwalay sa pagyakap sa akin.
Ngumiti lang ako at humarap kay Clyde na ngayon wala paring reaction.
ang oa ng isang to.
Ako na ang unang yumakap sa isang,
to, niyakap ko ng mahigpit."Sure kabang ikaw si Angel?"tanong nito sa akin, kaya napahiwalay ako ng yakap at binatukan saka pinisil ang ilong.
Panera ng moment kahit kailan.
"ang drama mo" natatwang kung sabi at saka sumimangot, nakita ko na ngumiti siya tapos bigla niyang hinila ang kamay ko at kinulong sa bisig niya, niyakap ako ng mahigpit.
"sobrang namiss kita babae ka saan ka nagpupunta kahapon bago ka naglayas nong isang gabi? saan ka natulog?"sunod sunod na tanong sa akin ni Clyde ng humiwalay siya sa pagyakap sa akin.
"nasa library lang ako buong araw, buong magdamag"sagot ko nalang, kahit wala akong idea kung paano ako nakarating sa library.
"sa library?"tanong ni Hazel.
"Oo"tipid kung sagot na nakangiti.
"sinaktan kaba ng mag-inang baboy?"tanong niya sa akin, kaya napatawa ako at umiling iling.
"wag na nating pag-usapan ang dati kung mga amo, kakarmahin yun balang araw, bahala sila, basta ayoko na bumalik sa impernong bahay nayon"huminga ako ng malalim.
"hayaan na natin sila"sabi kupa at huminga ng malalim ulit.
"Tsk hali ka nga dito"sabay hila sa akin ni Ken at niyakap ako, tapos binatukan ako sa ulo ng mahina na natatawa, gumanti naman ako sa kanya at umirap saka nagtawanan kami, habit na namin yan ni Ken nagbabatukan, talo ang di gaganti.
"ang sa amin lang pinag-alala mo kami Angel, akala namin napahamak kana, sorry ha hindi kita natulungan nong pinalayas ka sa into, lobat ang phone ko nong time nayon"sabi niya sa akin at napakamot sa ulo.
Ngumiti ako sa kanila."okay lang, ok na rin yung nangyari ng gabing yun at least... hehe nevermind"ngiti ko, ayoko magkwento baka mas lalong mawewrduhan sa akin ang mga to, alam niyo na.
"kumain kana ba?"tanong ni Clyde sa akin, umiling iling naman ako.
"kakain na lang tayo sa canteen"yaya naman sa amin ni Hazel na nakangiti.
Ngumiti ako at saka naglakad, umakbay naman si Clyde sa akin at niyakap ang ulo ko sa bisig niya at saka ginulo ang buhok.
"namiss kita"ang sabi niya at saka napatawa.
Nagkukulitan naman kaming apat at nag kwento kwento, naglakad papasok ng building, nandun kasi sa 3rd floor ang canteen.
•••
"lindol"sabay sabay na sigaw ng lahat ng estudyante dito sa 3rd floor kaka pasok lang namin sa canteen nga bigla itong lumindol ng mahina.
Naghawak kamay kaming apat para hindi kami maghiwalay.
Nasa gitna kami ni Hazel nina Clyde at Ken.
"Guys kahit anong mangyari walang bibitaw, kapit lang kayo"sigaw ni Clyde dahil maingay na dito dahil sa pagsisisgaw ng mga estudyante na patuloy na nagpapic yung iba natumba na dahil sa mga estudyante din na di mapakali, palakas ng palakas ang pagyanig ng lupa, palakas ng palakas ang pag lindol.
"Tabi"isang matabang babae ang nagtulak sa akin dahilan ng pag hiwalay ng mga kamay namin nabitawan ako ni Clyde at Hazel.
"Tulong"narinig kung sigaw ng ibang estudyante.
Masakit ang balakang ko dahil sa pagtulak sa akin ng matabang babae kanina, pero agad naman itong nawala.
Pagtingin ko sa kinaroroonan nina Clyde kanina pero wala na sila.
Palakas ng palakas ang lindol kasabay ang pagtibok ng puso ko ng malakas.
Naramadaman kung may mangyaring masama.
Nagkagulo pa lalo ang mga estudyante dito hanggang sa naramdaman kung paunti unti na ang mga estudyante dito sa canteen, palakas ng palakas talaga ang lindol.
Pumikit lang ako at pinakiramdaman ang nararamdaman kung kaba, hindi ko alam pero unti unti akong kumalma.
Pagdilat ko ay bahangya akong napaatras ng may nakikita akong limang nilalang papalapit sa akin, malaki sila naka-itim ang balat nila tapos wala silang mukha dahil nasa bandang tyan ang mukha nila, at nakakatakot tingnan.
"A-anong kailangan niyo sakin?"paatras ako ng paatras habang sila papalapit sa akin.
"wag kayong lalapit"kinakabahan kung sigaw.
•••
AN:To Be Continued