Episode 34

1.3K 41 0
                                    

[Angel POV]

Napahinto ako sa paglalakad pati narin si Achero dahil hawak parin niya ang kamay ko.

Ngumiti ako sa tatlong nakaharang, alam ko at ramdam ko na mababaet sila at dahil sobrang ganda nila.

"Anghel bakit? may problema ba?"agad akong umiling na nakangiti.

Ang gaganda naman nilang tatlo para silang mga dyosa sa sobrang ganda.

Pero sino sino kaya sila?

Nakita kung napahinto din ang mga kasamahan ko  sa paglalakad at nagtataka.

"Angel bakit?"takang tanong ni Shanna sa akin nasa likod ko siya.

"Huh? hindi niyo ba sila nakikita?"takang tanong ko habang di inalis ang tingin ko sa tatlong nasa harapan namin.

"may kalaban na naman ba mylabs?"tanong pa ni Ethan, umiling ulit ako habang nakatitig lang sa tatlong magagandang nilalalang na nasa harapan parin namin.

"tssk pabida na naman yang malanding babaeng yan..."bulong ni Lucy na sobrang narinig ko, parang sinigaw na niya yun.

Hays kung nandito lang si Hazel baka nasabunutan natong si bruhang Lucy.

Pero teka? nasan na kaya sila Hazel, Clyde at Ken ngayon?

Hala? ngayon kulang sila natandaan, nasan kaya sila ngayon?.

"Lucy, tahimik"galit na sabi ni Enok sa kakambal nito kahit palaging walang gana itong si Enok.

Tumingin na ulit ako sa harap at di na pinansin ang mga salitang palaging binitawan ni Lucy tungkol sa akin, marahil ay palaging nakabuntot sa akin si Achero, marahil ay pinagseselosan na naman ako nito, dahil alam kung matagal na may gusto itong si Lucy kay Achero.

"tss palage niyo nalang yan pinagtanggol...."di naman natuloy sasabihin ni Lucy dahil sumigaw na sa galit si Enok.

"pwede ba Lucy, tumahimik ka muna?"galit na sigaw ni Enok sa kakambal nito kaya natahimik na.

"a-ang mga dyosa"napatingin ako kay Shela na humakbang at yumuko sa tatlong babae, napatingin naman si Shanna sa kapatid niya na nakayuko.

"Huh? mga dyosa?"sambit ni Shanna at napayuko din sa harap ng tatlong mga babae.

So mga dyosa sila? ang galing naman.

"Shela totoo?"takang tanong ko.

"Oo Angel sila ang mga dyosa sina Tafiña, dyosa Anne at dyosa Safiña"

"Shanna anong sinasabi mo?sinong mga dyosa?"tanong nina Ella at Kathy.

"sabihin mo sa kanila ate Shanna na nasa harapan natin ang mga dyosa at magbigay galang"narinig kung sabi ni Shela sa kapatid, tumango naman si Shanna sa sinabi ni Shela.

So ibig sabihin kaming dalawa lang ni Shela ang nakakita ng tatlong babae sa harapan namin?

Tumingin ako sandali sa mga officers at sa tatlo kung kaklase na nakayuko na ngayon habang nakapikit, hudyat na nagbibigay galang sika sa tatlong babae na nasa harapan namin, nagtaka naman akong binalingan ng tingin ang nasa harapan namin.

Ngumiti silang tatlo sa akin.

"tama Angel, kayong dalawa lang ni Shela ang tanging nakakita sa amin, ako nga pala si dyosa Anne"sabi pa sa akin nong isang naka kulay purple na sout at naka kulay purple din ang buhok, sobrang ganda niya.

Napanganga naman ako at namangha.

"binabati ka namin sa iyong katapangan Angel, unti unti kanang lumalakas, ako nga pala si dyosa Safiña"nakangiting salita naman nong isang dyosa na may sout na kulay asul, pati narin ang kulay ng buhok niya, kulay asul din, at sobrang ganda niya.

Hindi ako sumagot at nanatili lang na nagtaka sa mga sinasabi nila, pero nakangiti ako habang nagtataka.

"marahil sa ngayon ay nagtataka ka sa aming sinasabi Angel maintindihan murin ang lahat balang araw,
ako nga pala si dyosa Tafiña"seryosong salita naman nong naka kulay pink na damit pero kulay block naman ang kulot nitong buhok, ang ganda niya sobra.

Pagakatapos nilang pagpakilala ay sabay sabay silang yumuko sa harap ko, kaya sobrang nagtaka ako sa ginawa nila.

Lumingon naman ako kay Shela na saktong naka tingin sa gawi ko na may pagtataka, umiling naman ako sa kanya at humarap ulit sa mga dyosa na nakangiting tumingin sa akin.

"Gusto lang namin iparating sayo ang aming minsahe"salita ni dyosa Anne.

"A-anong minsahe?"takang tanong ko na nakangiti.

"minsahe?"takang bulong ni Achero sa tabi ko.


"Ihanda mo ang iyong sarili sa lahat ng mangyayari, sa oras na mahawakan mo ang unang korona masasagot nang unti unti ang iyong katanungan tungkol sa iyong sarili, mauukit na nang paunti-unti nakatagong malaking secreto sa iyong pagkatao"salita ni dyosa Tafiña.

•••

To be continued:😑😑

Diamond Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon