[Angel POV]
"Maligayang pagdating sa aming palasyo mga medchícian at taga-lupa"napatingin kaming lahat sa nagsalita, isang medyo mataba na may edad 40 pataas, isang babae na nakasoot ng kulay dilaw na korona may katabi itong gwapong serenong lalaki na nakatingin sa akin na sa tingin ko ay anak ng reyna, may marami ding serenong mga kawal sa likod nila.
Ngumiti ako sa serenong lalaki na seryosong nakatingin sa akin saka kumaway, ngunit seryoso parin itong nakatingin sa akin kaya napanguso ako ng palihim.
Seryoso naman niya mukhang masungit din.
"Inaasahan namin ang inyong pagdating, boung puso naming tatanggapin ang aming mga panauhin"halos mamangha ako sa seryoso at ganda ng boses ni kuyang sereno, hindi padin nito inalis ang tingin sa akin.
Siniko ako ni Hazel na ngayon ay katabi kuna.
"Bess! Baka matunaw ka sa titig ng yumming sereno nayan, ganda ng view"mahinang bulong sa akin ni Hazel, nakatingin siya sa abs nang lalaking sereno kaya napatingin din ako sa tiningnan niya, tama siya ang ganda ng view.
"Sh*t Bess! Type ka ata niyan"kinorot pa ni Hazel ang tagiliran ko.
Nagulat kaming dalawa ni Hazel ng hilahin kami ni Ken at kuya Davino at tinago sa likod nila.
"Ken ano ba" inis na bulong ni Hazel kay KenKen, tinaasan lang siya ng kilay ni KenKen.
"Behave Hazel, umaandar na naman kayo, huwag dito at huwag sa lalaking sereno nayan, wala tayo sa lupa nasa kalaliman tayo ng dagat" mahinang suway ni KenKen sa amin.
Napanguso naman ako, umaandar na naman yung pagka bossy ni KenKen.
"Oh? Bakit ka nakatingin sa akin? Si Hazel kaya oh, wala akong kinalaman sa sinasabi mo Ken"sabay irap ko.
"Eh ang yummy kasi ng abs ni kuyang sereno." nakangiting salita ni Hazel habang nakatingin sa serenong lalaki.
"Lande nito"KenKen.
"Tahimik." suway ni kuya Davino sa amin.
"Tsk sungit"
Hinarap ni kuya Davino ang mga sereno at serena na nakatingin sa aming lahat. Nandito parin kami sa gitna ng gate. Nakita namin na may mga ilang sereno at serena na nagsidatingan, seryoso silang nakatingin sa aming lahat.
"Paumanhin mga kamahalan! Batid kung alam niyo kung bakit kami nandito, maaring alam niyo kung ano ang aming sadya sa inyong kaharian."magalang na salita ni kuya Davino sa harapan ng mga sereno at serena.
Tumango tango yung reyna nila at saka ngumiti yung kakaibang ngiti, yung ngiting may pinaparating.
"Katulad ng sinabi ng aking anak na si Prinsepe Agos, inaasahan namin ang pag dating niyo, alam din namin ang inyong sadya"seryosong sagot ng babaeng reyna.
Pinatuloy kami sa loob ng kanilang malaking palasyo ng reyna nila na nagpapakilala sa amin sa pangalang Reyna Azula, binanggit pa niya ang korona na pag-mamay-ari nang aking ina, ni reynang Leah, kaya napatingin ako kay reynang Azula, pero hindi niya alam na pag-mamay-ari ito ng reynang Leah, ang alam lang nila ay dito nakatago ang pangalawang korona kaya pinoprotektahan nila ng mahabang panahon, dito sa kanilang kaharian, sa ka-ilaliman ng kanilang kaharian.
"Sa ka-ilaliman ng kinatatayuan natin nakatago ang korona"tumingin sa akin si reynang Azula at lumapit sa akin.
"Kinagagalak kitang makilala at makita naka-takdang taga-lupa"alangan akong ngumiti sa reyna at yumuko bilang pagalang.