Jovie's POV
Weekend is family time para sa akin. I look at the person sleeping beside me at napangiti. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Chandler na ganito daw ang mga taong inlove. How did it happen that I fell in love with my wife? Am I even inlove with her?
Habang nag-iisip ako ay nagpasya ako na tumayo na at mag ayos para mapuntahan ang kambal. Dahan dahan ang ginawa kong pagbangon at inumpisahan ko na ang pagsisipilyo ng ngipin ko at paghihilamos. Nang matapos ako ay nagbihis na ako at nagtungo sa kwarto ng kambal. Binati naman ako nina Issa at Maureen na nabihisan na rin ang kambal.
"Good morning din sa inyo Issa and Maureen, ako na ang bahala sa kambal at magbreakfast na kayo. Pakitawag na lang si Kristine at pakisabi na natutulog pa si Chelsea sa kwarto."Nang mailapag na nila ang kambal sa mga higaan ng mga ito ay lumapit na ako. Binuhat ko muna si Letitia na mas malapit sa akin kaysa kay Sachi.
"Good morning princess, How was your sleep? let's pick up your brother and play first while we wait for mommy to wake up" sabi ko naman dito at tinungo agad si Sachi na walang ginawa kundi tumalon.
Nang buhat ko na silang dalawa ay nagtungo na kami sa may garden para doon na hintayin si Chelsea na panigurado ay gising na sa mga oras na ito. Inilipag ko sa may mat ang kambal at kinuha ang ilan sa mga laruan nila.
"Good morning, Jovie. Good morning din sa mga apo ko" bati ni mama Marga sa amin at lumapit at hinalikan sa noo ang mga kambal.
"Good morning din po mama, how was your sleep ?" Ngumiti naman ito sa akin at tumingin bago naupo sa may mat at kinuha si Letitia sa akin.
" It was good, especially paggising ko ay agad kong makikita at makakasama ang anak at mga apo ko. Mabuti na lang pala ay ibinebenta ang katapat niyong bahay. " Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"That's good po, it's a blessing po sa atin na binebenta nga po ang katapat na bahay namin, ayaw man pakawalan ng mga Alison ang bahay nila ay hindi maaari dahil sa kailangan nila bumawi sa kanilang negosyo dahil ayon sa narinig ko ay may nagnakaw ng malaking halaga sa kanilang company" mukhang nagulat si mama sa nalaman.
"Ganoon ba? Nalaman na ba nila kung sino ang nagnakaw sa company nila? "
"Hindi pa po mama. Hanggang ngayon ay inaalam pa rin nila. Inalok namin sila na tulungan namin pero tumanggi sila at sapat na daw na nag invest kami. " Tumango tango naman si mama sa sinabi ko.
"Ganoon ba, hayaan mo at ipatingin ko kay Chandler ang pag iinvest sa company nila, lalo na at mas napalapit ako sa aking bunso" ngumiti na lamang ako.
"Sige po mama, ipakontak niyo na lamang kay Jovie ang mga Alison dahil mas ka-close niya ang anak ng mga ito. Al.......- " hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may maliit na kamay ang tumakip sa bibig ko. Napatingin naman ako kay Sachi na humahagikgik sa mga pinaggagagawa niya.
"Sachi, that's not good. I was talking to your granny. It's bad to interrupt your elders when they are talking" mariing sabi ko dito. Lumabi ito ng makitang galit ako kaya luminga linga at ng mahanap ang hinahanap ay biglang umiyak.
"Waaaaah! Mama....mamamamama..... Mamama....." Iyak ito ng iyak...
"Bakit umiiyak ang baby ni mommy" napalingon ako agad sa nagsalita at kumuha sa akin kay Sachi.
Pinayagan naman ito ni Chelsea habang ako ay naiiling na lang. Kapag gagawa ng kalokahan si Sachi at alam kong sumusobra na ay pinagagalitan ko ito at ang nagiging takbuhan ay ang mommy nito. Nang huminto na sa kakaiyak ay lumapit na sa amin si Chelsea.

BINABASA MO ANG
Abandoned Wife
General FictionTEASER " why??! why did he leave me right after our marriage?? and now its not just me... as well as our child I'm now carrying" iyak ni Chelsea habang nasa isang pribadong kwarto ng hospital matapos sabihin sa kanya ng tao na kamukhang kamukha ng a...