TEASER
" why??! why did he leave me right after our marriage?? and now its not just me... as well as our child I'm now carrying" iyak ni Chelsea habang nasa isang pribadong kwarto ng hospital matapos sabihin sa kanya ng tao na kamukhang kamukha ng a...
Ilang araw na mula ng makauwi ako at araw araw namin na dinadalaw ang kambal. Ngayong araw na ang araw na maiiuwi namin sila. Excited na rin sina mom at dad na makauwi ang kambal. Kasalukuyan na kaming pauwi sa bahay kasama ang kambal at buhat ko ngayon si Sachi. Buhat buhat naman ni Jovie si Letitia.
Hindi na sumama sina mom na sumundo dahil sabi niya ay magpreprepare daw siya ng welcomimg party para sa kambal. Nakakatuwa at ang saya malaman na excited silang lahat.
"Chelsea malapit na tayo. May gusto ka bang ibang daanan o bilhin muna natin bago umuwi?" tanong niya sa akin kaya naman ay umiling lang ako at tingnan si Sachi habang natutulog.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Napaka cute ni Sachi. Sa totoo lang napansin namin na mas madaling magising si Letitia kaysa kay Sachi. Kaya naman si Jovie ang may buhat kay Letitia na mahimbing na natutulog.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nang makababa kami ng sasakyan ay biglang nagising si Letitia at umiyak. Pilit naman na pinatatahan ni Jovie pero umiiyak pa rin ito.
"Oh! Sino nagpaiyak sa napakaganda kong apo? Aawayin ni mamita ang nagpaiyak sayo" sabi ni mom matapos kuhanin kay Jovie si Letitia. Napailing iling naman siya.
"Ako na ang magbubuhat kay Sachi at baka mapagod ka." Sabi sa akin ni Jovie at kinuha si Sachi sa mga bisig ko at dumiretso sa kwarto namin kung nasaan ang crib nila.
Dahan dahan niya naman na inilapag si Sachi sa kanyang higaan ng hindi ito nagigising. Tiningnan ko naman na magbaba taas ang dibdib ni Sachi na senyales ng kanyang paghinga.
"Sa tinging mo ba ay magiging mabuti akong ina kay na Sachi at Letitia?" tanong ko kay Jovie habang nakatinging kay Sachi. Naramdaman ko naman ang kamay niya sa baba ko at hinarap niya ako sa kanya kaya napatingin ako.
"Oo naman. Alam kong magiging mabuti kang ina sa kanila" sabi niya sa akin ng nakangiti.
"Paano mo naman nasabi iyan? "tanong ko sa kanya.
"Alam ko dahil nasa tiyan mo pa lang sila ay inaalaagaan mo na sila kaya wag ka nang mag alala. Kasama mo ako sa kanilang paglaki." sabi niya sa akin at niyakap ako at pinat ang likod ko.