Chapter 38

1.3K 35 9
                                    


JOVIE'S POV

"I am not sure about this pero coincidence lang ba ang lahat ng ito? I mean him hearing the name of Diranas. The day that happen on the bar? Kasi kung hindi niya naaalala ang lahat ay possible na nalagyan ng drugs ang inumin ni Jovannie. The fact na kasama niya that same day ang babae na iyon had me thinking that she is one of the masterminds. Also, yung taong nakasagasa kay Chelsea on the day of the wedding. Everything that i am concluding fits" sabi sa amin ni dad. Kaya napaisip din kami na Jovanne.



"If what you are saying is true dad, ano naman ang connection ni kyleigh sa mga levesque? " sabi ni Jovanne.

"Hindi kaya siya ang anak ni Papa Charles?" Tanong ko kay dad. Napasinghap naman si mom sa kanyang narinig.

"Pero kuya, hindi naman sila magka edad ni Chandler, di ba halos same lang sila ng edad sabi ni Tito Charles?" Tanong naman ni Jovanne. Napaisip naman ako sa sinabi niya, pwedeng si Kyleigh nga ang anak ni papa Charles pero pwede din naman na hindi ito ang anak ni papa Charles.


" You have a point there son. Bakit ganoon na lang ang ginagawa niya? What's her relationship with the Cardino. Sinabi niyo na ba ito kay Charles at Chelsea?" Tanong slda amin ni dad.

" Not yet dad pero plano ko na sabihin kay papa Charles after lumabas nung investigation doon sa bar kung saan nagpunta sina Chelsea at Jovannie. " tumango naman ito at tumingin sa asawa. Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita.






"For now, mas maigi na dito na muna ako kay na Jovie. I want you to be happy Vernice but I know na this is not the time para magkita kami ng anak mong iyon. Forgive me but this is for the best." Sabi ni dad kay mom na malungkot namang tumango sa sinabi ni dad.


"I know at alam ko din na maiintindihan ito ni Jovannie. I'm happy with this set up for now." Sabi ni mom. Nginitian naman siya ni dad taakas nauna lumabas ng office ko.



"Buti na lang hindi sumabog sa galit si dad, ang akala ko ay susugod na siya sa bahay." Parang nakahinga ng maluwag na pagkakasabi ni Jovanne.





"In time din siguro ay magagawang patawarin ng ama niyo ang kapatid niyo na si Jovannie" sabi ni mom bago sumunod kay dad na lumabas ng office ko.



"Uwi na ako kuya, I'm going somewhere bukas pero sa hapon ay nandito na ako. Bye" naiiling na lang ako kay Jovanne dahil malamang ay pupunta nanaman kung saan ito para sumubok ng kung anong exciting para dito. Tumayo na ako at nagtungo sa kwarto ng kambal at pagdating ko sak kwarto nila ay nadatnan ko na gising pa ang mga ito kasama si Chelsea at Maureen.




"Why are the two of you still awake?" Tanong ko sa kambal na nakatingin na sa akin ngayon at ngumiti. Itinaas ni Letitia ang mga kamay niya sa akin, senyales na gusto nitong magpabuhat sa akin na agad ko namang ginawa. Pagkabuhat ko ay agad na isinandal ni Letitia ang ulo niya sa balikat ko at iniyakap din niya ang mga braso niya sa leeg ko kaya naman ay napangiti ako. Napakalambing talaga nitong si Letitia but at the same time ay masungit at suplada ito. Nakita ko naman na iiling iling si Chelsea na nakatingin kay Letitia habang nakasandal sa kanya si Sachi na mapungay ang mga mata, senyales na inaantok na ito.





"Ikaw lang pala ang inaantay ni Letitia para tuluyang matulog na ito. Kanina pa sinusubukan na patulugin ni Maureen si Letitia pero ayaw matulog." Naiiling pa rin ito kaya naman ay natawa ako ng makita kong natutulog na si Letitia sa mga bisig ko.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Abandoned WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon