Chelsea's POV
Kakaalis lang ni Jovanne dahil sa bahay na daw siya magdi-dinner para May kasama si mom at sina mama naman ay dito muna matutulog sa bahay dahil bukas pa matatapos ang paglilipat nila. Kasalukuyan kaming nasa kusina ni mama at nagluluto ng pagkain para sa hapunan.
"Anak, bukod sa adobo ba ay May iba ka pang paboritong pagkain" tanong ni mama sa akin habang nagluluto ng adobo na isa sa hapunan namin.
"Hmm.. gusto ko din po ng Kaldereta yung medyo maanghang. Kahit sa adobo ay masarap ang maanghang ma. Kapag sa may sabaw naman ay gusto ko iyong nilagang baka na may kasamang mais at saba tapos May sawsawan na patis na may sili" narinig ko naman si mama na tumawa.
"Mana ka talaga sa papa mo na mahilig din kumain ng maanghang na pagkain. Parehong pareho kayo at ako ay walang hilig sa mga maaanghang na pagkain. Sige anak, ipagluluto kita one of this days ng mga gusto mong pagkain. " napangiti naman ako sa sinabi ni mama.
"Kaysa ipagluto mo ako ma ay tayong dalawa na lamang ang magluto" sabi ko sa kanya kaya naman siya ay napatingin sa akin at ngumiti.
"Of course anak, tayong dalawa ang magluluto. May gusto ka pa ba na ipadagdag sa hapunan natin.?" Nag isip naman ako. Adobong manok at baboy ang niluluto ni mama at chopsuey naman ang niluluto ko.
"Gusto mo ba ma nang boiled egg sa adobo? Noon at hanggang ngayon kasi ay lagi ko po sinasamahan ng nilagang itlog ang adobo. Nagtataka pa nga po si Jovie nung una. Bakit daw po may boiled egg sa adobo" natatawa kong kwento. Takang taka si Jovie nung inihain ko sa kanya yun. Kumakain naman siya ng adobo pero hindi niya alam na pwede din pala ito samahan ng boiled egg. Nung natikman niya ay gustong gusto niya na ito. Kaya naman kapag May adobo ay hindi nawawala ang boiled egg sa hapag kainan namin.
"Boiled egg? Ngayon ko lang nalaman yan anak pero sige masubukan natin yan. Hmmm... Ilang itlog ba ang kailangan?? " Binilang ni mom kung ilan dapat ang lutuin na itlog. Isinama na rin niya sa bilang ang iba pang kasambahay. Nang mailuto na ang lahat ay nagpatulong na kami kay na Minda na magkain ng mga pagkain.
"Ma, why is there a boiled egg sa adobo? " Tanong ni Kuya Chandler.
"Just taste it bro. Ang sarap kumain ng adobo na May kasamang boiled egg. Of course, courtesy of my wife " sabi ni Jovie ng makaupo na kaming lahat.
"Talaga? Hmmm.. let me have a taste" nang sumunod si kuya Chandler ayt sinabing masarap nga ay napangiti naman ako.
"Ma, did you cook the adobo? " Tanong ni Jovie.
"Yes, how did you know? " Tanong ni mama..
"Medyo mild lang po kasi yung pagka-spicy. Kapag si Chels po ang nagluto ramdam ko po yung anghang. Alam niyo po ba nung unang beses ko natikman ang luto niyang adobo ay napainom ako agad ng tubig pagkasunog ko dahil sa sobrang anghang. " Natatawa na kuwento ni Jovie. Natawa din naman ako.
"Tinanong kaya kita kung kumakain ka ng maanghang at sabi mo naman sa akin ay kumakain ka kaya inanghangan ko" naiiling na natatawa to sa sinabi ko.
"Wife, kumakain naman ako pero not to that level. Kaya alam mo simula nun ma, di niya masyadong inanghangan ang mga luto niya" sabi nito kay mama kaya napatingin naman ako kay mama.
" Naku, Jovie pareho sila nitong papa niyo. Kaya kapag nagluluto ako sa bahay ng maanghang ay para lang sa kanila ni Chester, palagi pinadadagdagan ang anghang dahil sila ang taga tikim. Itong si Chandler naman ay parang ako na hindi mahilig sa maanghang na pagkain" sabi ni mama.
"Kasi naman hon kulang naman talaga sa anghang kaya nga pinadadagdagan namin" sabi ni papa na tumatawa.
"Oo nga ma, masarap kaya kumain ng maanghang." Sabi naman ni Chester. Naramdaman ko na May maliit na kamay na kinakalabit sa akin.

BINABASA MO ANG
Abandoned Wife
General FictionTEASER " why??! why did he leave me right after our marriage?? and now its not just me... as well as our child I'm now carrying" iyak ni Chelsea habang nasa isang pribadong kwarto ng hospital matapos sabihin sa kanya ng tao na kamukhang kamukha ng a...