Chapter 31

3.6K 102 40
                                    

Chapter 31

Chelsea's POV

Kasalukuyan kong hawak hawak si Sachi habang si Issa naman ay hawak si Letitia. Nang Makita ko na medyo madungis na ang damit nila ay agad akong tumayo at tinawag ang pansin ni Issa.

"Issa, halika na at palitan na natin ng damit ang dalawang ito bago pa bumalik si Jovie ditto" sumang ayon naman agad si Issa.

Nang papasok na kami sa loob ay nakasalubong ko si Jovanne. Agad naman nito kinuha sa bisig ko si Sachi na agad naming tumawa.

"Ang guwapo naman ng pamangkin ko, saan nga pala kayo pupunta Chelsea." Tanong sa akin ni Jovanne.

"Papalitan ko lang ng damit ang kambal at medyo madumi na ang damit at basa na sila ng pawis" sabi ko naman sa kanya.

"Sige, ako na lang ang sasama at tutulong sa iyo na palitan ang kambal." Tumango naman ako at kinuha si Letitia kay Issa. Inutusan ko na lang si Issa na ayusin na ang pampunas ng dalawa sa itaas.

Habang papaakyat kami ay naririnig ko ang tawa ni Sachi. Kung ano ano nanaman siguro ang pinagsasabi nitong si Jovanne sa bata na madalas manyari.

"Oo nga pala, nasaan si Kuya Jovie? " tanong niya ,matapos bksan ang pinto sa kwarto ng kambal.

"May kukuhanin lang daw siya sa bahay namin pero hindi pa nabalik." Tumango naman ito, pinalitan na naming ang dalawa at ng matapos ay bumaba na rin naman kami ulit. Nagkakasiyahan ang lahat lalong lalo na ang mga bata.

"Hija, kanina ko pa kayo hinahanap, saan ba kayo nanggaling?" tanong sa akin ng mama nina Jovie.

"Pinalitan ko lang po ng damit ang mga bata mom kasama si Jovanne" sabi ko naman.

"Si Jovanne? " tanong ni mom habang nagpapalinga linga hanggang mahinto ang mga mata niya sa bounce house kaya naman napalingon ako sa tinitingnan ni mom habang umiiling. Natawa naman ako sa nakita ko, kasama niya kasi si Sachi sa Bouncy house at tawa ng tawa.

"Hindi ko man namalayan na naroroon na pala silang dalawa" sabi ko na lang.

"Sa totoo lang hindi mo pwede alisan ng tingin iyang si Jovanne lalo na nung mallit na pa lang siya. Napakalikot na bata, hindi mapakali sa iisang lugar. "

"Sa tingin ko mom, nagmana si Sachi kay Jovanne, tawa ng tawa kapag naririyan ang tito." Natawa na din si mom.

"Halika na nga doon at panigurado ay hinahanap ka na ni Jovie" tumango naman ako. Kinuha sa akin ni mom si Letitia na agad sumama. Ako naman nagpunta kung nasaan sina mama at papa kasama sina lolo at lola.

JOVIE"S POV

"What do you think are you doing here?!!!" sigaw ko sa kanya. Hinila ko siya palayo sa bahay, dahan dahan lang dahil may kasama siyang bata na kamukhang kamukha ni Sachi bukod sa kulay ng mga mata nito.

"Kuya, answer my question, mga anak ko ba sila?" tanong nito sa akin.

"They are my kids and what made you think na mga anak mo sila? They are my kids, anak namin sila ng asawa ko" sabi ko sa kanya.

"Paanong naging asawa mo si Chelsea?" tanong nito sa akin.

"Anong paano ko naging asawa si Chelsea?! Ikaw ang dahilan kung bakit kami ang magn asawa ngayon." Sigaw ko sa kanya.

" Wala ako alam sa sinasabi mo kuya. Ang kasalanan ko lang ay tumakbo ako sa araw ng kasal naming dalawa at sumama kay Sydney na ngayon ay asawa ko na." Sabi niya naman na nagtataka.

"Sinasabi ko na nga ba! Sumama ka sa babae na iyon! Did you even know the consequences ng mga nagawa mo. You ruined someone's life just because of your so called love for that bitch!" sabi ko sa kanya, hindi ko siya masigawan ng malakas dahil sa batang hawak niya.

Abandoned WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon