Chapter 37

675 24 6
                                    


Chelsea's POV


"Mama, last delivery na po ba ng mga furnitures at decorations yung kanina ??" Tanong ko kay mama habang nilalagay ang ilang figurines sa mga side tables dito.

"Yes, anak. Yan na ang mga huling deliveries. Kahit yung mga groceries ay nandito na at naiayos na sa pantry at refrigerator." Sabi sa akin ni mama habang naupo sa may sofa upang makapagpahinga dahil sa wakas ay tapos na rin kami.

"Balik na tayo ma sa bahay at nagpaluto ako ng meryenda nating lahat, ipapatawag ko na lang kay na Manang Ising sina papa at kuya. " niyaya ko na si mama pabalik sa bahay. Ibinilin ko naman kay Manang na sabihan sina papa at kuya na sumunod.

Habang papunta naman kami sa bahay namin ay nakita ko si mom na papunta sa bahay namin. Napatingin naman ito sa amin at ngumiti na agad ko din naman nginitian.

"Hi, mom. Kamusta na po? Hindi ka po nakadaan kahapon, hinahanap ka po ng kambal at walang sinabi kung hindi nana" sabi ko kay mom ng makalapit kami sa kanya. Ang tawag kasi ng kambal kay mom ay Nana at samantalang kay mama naman wowa.

" Nako, namiss ko nga din ang dalawang yun. Hindi ko lang makita ng isang araw ay nalulungkot na ako, sadyang hindi ko lang sila mapuntahan kahapon kaya pasensya na anak" sabi ni mom sa akin habang nakatingin na wari ko ay nanghihingi ng pang unawa.

"I understand naman po mom, nasabi na po sa akin ni Jovie"

"Naku, Balae halika na at panigurado na matutuwa ang mga apo natin, kasama sila ngayon ni dad, mama at papa. " sabi ni mama at hinila na patungo sa may garden si mom kung nasaan ang kambal at ang grandparents ko.

Dumiretso na muna ako sa kusina para ipahanda na ang meryenda sa may garden kung nasaan sila. Nang maiayos at maihanda na nila ay tinulungan ko rin sila sa kung paano iaaayos at ilang mga platito ang kinakailangan. Nang nakaayos na ang lahat ay pinuntahan ko na kung nasaan sila pero nang makarating ako ay sina mama, mom at mamu Adelfa lang ang naroroon.

"Ma, mom, mamu meryenda na po tayo, nasaan po sina lolo??" Niyaya ko naman sina mama at kinuha ko si Letitia kay mamu dahil may kabigatan na itong sina Letita at si Sachi naman ay kinuha ni mom.


"Aalis lang daw sila apo at bago magdinner uuwi, di naman nila sinabi kung saan pupunta. Iyong dalawang iyon kung kailan mga nagsipagtandaan ay kung ano ano ang mga naiisip gawin at puntahan" naiiling na wika ni mamu habang inaalalayan siya ni mama at si mom naman ang may buhat kay Sachi.

" mama, hayaan mo na sina papa. Malalaki na yung mga yun at alam ang gagawin. Kung ano man ang pinaggagawa nila ay malalaman din natin." Sabi ni mama kay mamu na ikinatango naman nito.




Nang makaupo na kami ay nagkuwentuhan na lamang muna kami habang inaantay sina papa at mga kuya ko na dumating. Nang makarating na sina papa at kuya ay nag umpisa na kami kumain, pinakakain ko si Letitia samantalang si mom naman ay pinakakain si Sachi na tawa ng tawa.


Nang matapos ay sinabi ni mama na maliligo muna siya ulit dahil pakiramdam niya ay nanlalagkit siya sa dami ng inayos sa bahay nila. Kaya naman sa ngayon ay si mom ang kasama ko sa kwarto para palitan ng mga damit ang kambal.



"Hija, I assume na nasabi na sa iyo ni Jovie na kasalukuyang nasa bahay namin si Jovanie kasama ang anak nito at sa ngayon ay pinagamit ko na muna ang kwarto ng kambal at mga pinagliitan na damit ni Sachi. " sabi ni mom habang pinapalitan ng damit si Sachi.


Abandoned WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon