Chandler's POV
Papunta kami ngayon ni dad sa hospital upang dalawin namin sina Chelsea at ang baby. Bumili muna kami ng mga prutas, cake at balloons na may nakalagay na baby boy at baby girl.
"Kamusta na kaya siya? Ano sa tingin mo anak?" tanong sa akin ni Dad.
"Sa tingin ko naman ay okay lang siya knowing na aalagaan naman siya ng pamilyang Santillan." pampalubag kong sabi kay dad dahil alam ko na nagwoworry siya rito.
"Sana nga. Magustuhan kaya niya ang ibibigay natin. Nakakalungkot lang isipin na kahit isang bagay ay wala akong alam sa kanya." napatingin ako sa kanya at inakbayan si dad.
"Don't worry dad dahil alam kong magugustuhan niya ang mga ibibigay mo sa kanya. Ang sabi sa akin ni Jovanne ay mabait, masipag, matalino at mapagbigay si Chelsea. Madaling pakibagayan at masayahin" napangiti naman si dad sa narinig.
"That's nice to know anak. Alam mo ba kung saan siya lumaki at sino ang nagpalaki sa kanya?" Eager si dad na may malamang impormasyon kay Chelsea. Kaya naman ay kinuwento ko sa kanya ang napag usapan naming dalawa ni Jovanne.
"Hindi ko alam kung maaawa ako sa kanya o magiging proud. Dahil sa kabila ng mga nangyari sa kanya ay nagawa pa rin niyang makapagtapos. Lahat ng kailangan niya ay kailangan niya munang pagtrabahuhan bago ito makuha. Samantalang kayo ay hindi niyo pa hinihingi ay ibinibigay na namin kung sana ay noon pa man natagpuan na namin siya ay nakasama at naibigay ang dapat sa kanya ng hindi siya nahihirapan" malungkot sa sabi ni dad habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Ang mahalaga dad ngayon ay malaki ang possibility na siya ang kapatid namin at magagawa niyo na ni mom ang lahat ng hindi niyo nagawa sa nakalipas na mga taon." napatingin naman sa akin si dad at ngumiti.
" Salamat anak. You're right. Babawi kami bg mom mo sa mga taong ipinagkait siya sa atin ng pagkakataon" napangiti na lang ako ng marinig ko kay dad iyon..
Jovie's POV
"Chelsea, wake up. You need to have breakfast para lumakas ka kaagad." ginigising ko si Chelsea dahil 8 am na ng umaga. Nagbigay ang doktor ng oras ng pagkain niya.
"Hmmm... Hindi ba pwedeng mamaya na lang?" tanong sa akin ni Chelsea habang nakatingin sa akin kaya naman umiling ako.
"The doctor said that you need to eat on time for fast recovery. Para once na makauwi na din ang kambal ay kaya mo mabuhat ang isa." sabi ko sa kanya.
"okay but can you help me? Medyo sumasakit kapag napwepwersa yung tahi ko" agad ko naman siyang inalalayan at ipinataas ko kay kristine yung bed para masuportahan siyang makaupo at hindi pwersado.
"Salamat, may balita na ba ulit sa babies?" tanong niya sa akin dahil hindi pa niya nakikita ang mga babies mula kahapon dahil matapos niyang magising at makausap ng nurse ay nakatulog din agad siya. Ayon sa nurse na humingi ng names nung mga babies ay normal lang daw yun dahil sa epekto ng anesthesia.
"Rest assured that they are healthy, dumaan yung doktors at ang sabi ay maaaring maiuwi natin sila sooner than expected dahil wala namang complications sa kanila" napangiti naman siya sa sinabi ko.
"Gusto ko sila makita Jovie, pwede bang dalhin mo ko sa kanila?" Tumango naman ako sa pakiusap niya pero amg sabi ko ay pagkatapos na niyang kumain. Hindi naman marami ang pinakain ko sa kanya dahil hindi din pwede. Matapos kumain ay tinawag ko mula sa banyo si Kristine.

BINABASA MO ANG
Abandoned Wife
Genel KurguTEASER " why??! why did he leave me right after our marriage?? and now its not just me... as well as our child I'm now carrying" iyak ni Chelsea habang nasa isang pribadong kwarto ng hospital matapos sabihin sa kanya ng tao na kamukhang kamukha ng a...