Someone's POV
You'll think that he's the culprit but no, I am.
If it weren't for her I wouldn't be apart from my mom and she wouldn't die there. They let her die there. She was the most loving mom in the whole world kahit na kaming dalawa lang ang magkasangga noon ay masaya kami. Hindi man marangya ang buhay namin noon ay masaya pa rin kami.
About him, I love him but my love for him is not enough. I will make her and her family suffer for what they have done. Even if we are a family I wont ever let go of the hate I am feeling. I will avenge my mom who was treated unfair!
I will do everything just to get revenged even if sacrificing the people that I love!
Chelsea's POV
Kasalukuyan akong nagluluto sa kusina ng pagkain ng kambal na mga nakaupo sa high chairs nila. Sinisilip silip ko naman sila at kampante ako dahil nakabantay si Kristine sa kanila na kakabalik lang galing sa bakasyon niya.
"Ma'am Chelsea, alam niyo po ba na tuwang tuwa sina mama dahil nakapagbakasyon kaming lahat sa Cebu. Maraming salamat daw po sa ibinigay niyong bakasyon at sinagot pa po ninyo ang plane ticket, hotel accomodation at mga iterenaries namin. Ay! Nakalimutan ko po pala na may pinabibigay sina mama para sa inyo ni Sir Jovie. Ate Luz pabantay lang saglit aah." matapos niyang sabihin iyon ay kumaripas na ito ng takbo papuntang silid niya. Nang makabalik ay nagulat ako sa dami ng bitbit niya at nagpatulong pa sa isa sa mga body guard na nandito which is si Tony.
" Ano ba itong mga ito Kristine at napakadami naman." Tanong ni Tony kay Kristine.
"Ito ba kuya? Mga pasalubong ito para kay na ma'am Chelsea at Sir Jovie na pinaabot ng pamilya ko. " isa isa naman niyang inalabas ang mga ito. Kay dami nga. May mga Danggit, dried mangoes at candies, Masa real, Rosquillos, Otap, Chicharon, Shirts at kung ano ano pa. May mga inabot din siya kay na Tony at Luz.
"Sige, bukas ay ipapaluto ko itong mga danggit para maging almusal natin. Tatanungin ko na rin sina mom at baka gusto nila. " sabi ko sa kanila. Ipinatabi ko na ang mga ito at ipinagpatuloy ang pag luluto.
."Luz, kasya pa ba kay Troy ang mga damit niya?" tanong ko. Sinabi ko kasi na wag na silang bumili ng damit ni Troy at napakadaming binili nina Jovie, Jovanne at mom. Dagdag mo pa ang mga parents ko. Hindi ko na nga alam gagawin sa ibang gamit nila.
"Opo ma'am chelsea. Salamat. Kasya pa naman po. Nakakahiya na nga at ni hindi na namin nabilhan ng gamit itong si Troy dahil sa inyo po nanggagaling ang lahat. " sabi nito sa akin.
"Walang problema iyon. Hindi ko naman sila mapigilan sa pagbili ng mga damit kaya karamihan ng damit ay bago at isang suotan lang." sabi ko sa kanya. Sa totoo lang ay isang suotan lang ang damit ng kambal.
"Salamat pa rin po ma'am" sabi niya.
"Yung pera na hindi niyo nagagastos ay ipunin niyo lang ng ipunin para sa kinabukasan ni Troy. " sabi ko sa kanya.
"Oo nga ate Luz. Save lang ng save. Di ba baby Troy" sabi nito kay Troy na nakaupo din sa high chair.
Nang matapos ay inihain ko na ang kakainin ng kambal at ni Troy.
"Naku ma'am, thank you po." sabi niya ulit.
BINABASA MO ANG
Abandoned Wife
General FictionTEASER " why??! why did he leave me right after our marriage?? and now its not just me... as well as our child I'm now carrying" iyak ni Chelsea habang nasa isang pribadong kwarto ng hospital matapos sabihin sa kanya ng tao na kamukhang kamukha ng a...