Chapter 18

2.6K 95 12
                                    

Jovie's POV

Kasalukuyan akong narito sa library ng bahay na nagsisilbi na ring opisina ko pansamantala. Nasa ika-walong buwan na ng pagbubuntis si Chelsea kaya hindi na ako naalis ng bahay dahil sabi ng kanyang doktor ay malaki ang possiblity ng early labor dahil sa kambal ang kanyang dinadala.

Kung mag mga meetings ako ay si Jovanne ang humaharap dahil dapat isa sa amin ang maiiwan. Nandito na rin sina mom at dad.

Magpasa-hanggang ngayon ay wala pa rin kaming nalalaman tungkol sa kwintas ni Chelsea. Sana lang ay mahanap na namin ang tunay na pamilya niya.

*knock* *knock*

Napatingin ako sa pintuan ng may kumatok. Hindi na inantay ang pagsagot ko ay pumasok na ang taong kumakatok. Napatayo ako ng makita na si Chelsea pala ang taong kumakatok na inaalalayan ni Kristine kasama si Luz na asawa ni Toni na aking body guard.

"Chelsea, bakit ka pa pumunta rito? Sana ay ipinatawag mo na lamang ako kay Kristine" Nag aalala kong salita sa kanya.

"Wag kang OA Jovie, hindi naman malayo ang kwarto mula dito" nakasimangot na maktol nito sa akin. Naiinip na ito marahil. Kahit pa andoon naman si Luz at Kristine ay naiinip pa rin.

"I'm not overreacting. I'm just worried about you. Ano nga pala ang gusto mo para puntahan pa ako " nakangiti kong sabi sa kanya.

"Yung kapatid kasi ni Luz, naghahanap ng work. Undergraduate nga lang siya." Alam na alam ko na ang ugali ni Chelsea. Kapag alam niya na may maitutulong naman siya ay tumutulong siya.

"Ganoon ba? I do apologize Chelsea pero the company is looking for people na nakapagtapos but I have a different proposal. The company has a foundation kung saan nagbibigay ito ng scholarship. I'll give Luz sister a full scholaship instead and allowance. After graduating she will be given the chance to work sa company. What do you think?" mula sa malungkot ay naging masaya ang kanyang mukha.

"Salamat Jovie" nakangiti niyang sabi sa akin kaya naman ay nginitian ko rin siya. Hinarap naman niya si Luz na lumuluha na at niyakap ito.

"Maraming marami pong salamat Sir Jovie. Ma'am Chelsea pupuntahan ko lang po si Toni para sabihin ang magandang balita" nakangiting sabi sa akin ni Luz at ng pumayag si Chelsea ay lumabas na si Luz.

"Salamat Jovie at pinagbigyan mo ako"  nang sabihin niya iyon ay lumapit ako sa kanya at nagsquat para magpantay kami dahil nakaupo siya sa upuan.

"Wala iyon. If there is one thing na lagi ko iniisip ay iyon ay kung kailan ka naman lalapit sa akin at hihingi ng pabor na para sa sarili mo. Tuwing hihingi ka kasi ng pabor o kaya naman ay magpapaalam at laging para sa ibang tao dahil doon nakikita ko kung gaano ka maging mapagbigay at mapagmahal sa kapwa"  nakangiti kong saad sa kanya.

"Sa totoo lang mas gusto ko ang makatulong sa ibang tao. Wala naman ako kailangang ihingi dahil ibinibigay niyo na sa akin. May natitirahan ako, nakakakain, may maayos na natutulugan, napakamababait niyo pa, ikaw, si Jovanne, sina mom at dad at syempre may instant family ako which is kayo. Sobrang thankful na ako sa kga blessings na iyon" wala na ako ginawa kung hindi ang ngumiti. Kinurot ko ilong niya na kinasimangot niya naman.

"Hmp, pinanggigigilan mo nanaman ang ilong ko ."

"Hahaha.. Ang cute mo talaga kapag naiinis" tawa ko at inirapan lang niya ako na lalo ko lang kinatawa.

"Ewan ko sa-----" naputol ang sasabihin ni Chelsea ng may kumatok sa pintuan. Agad naman na sumilip si Kristine.

"Sir Jovie may mga tao po sa baba at hinahanap ang daddy niyo." sabi ni Kristine.

"Nasa kwarto si Dad, paakyatin niyo dito ang mga bisita at tawagin mo Dad sa kwarto." sabi ko kay kristine.

"May bisita pala Jovie. Babalik muna ako ng kwarto natin" sabi niya sa akin at sinubukan tumayo. Kinuha ko ang kamay niya at hinimas ito upang kunin ang attention niya at pakalmahin kahit papaano

Abandoned WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon