Chapter 33

1.3K 52 13
                                    



Charles' POV



Nang makarating kami ay agad na bumababa si Marga kaya naman ay agad kaming sumunod sa kanya. Pagpasok namin ay nadatnan namin sina Cherish at mama na nagtatawanan, kaya nagulat kami ng sinampal ni Marga si Cherish.



"Kapatid mo siya Cherish! She is your sister tapos sasabihin mo na 'poor girl, such a cry baby' at dapat lang sa kanya ang mga sinabi ng lola mo? How dare you?! Hindi kita pinalaking ganyan! Pinalalagpas ko na nga yung mga bagay na ginagawa niyo pero sumosobra na kayo! Lalo ka na mom, bakit kailangan mong kunsintihin si Cherish. Alam mo na matagal akong nangulila kay Chelsea tapos ngayong nahanap na namin siya ay magiging ganoon na lang ang trato niyo! Orphan ba mom?! paano siyang hindi magiging orphan kung matagal na panahon siyang nawalay sa amin! Hindi lang si Cherish ang apo mo mom, apo mo rin si Chelsea." umiiyak na sabi ni Marga sa mama niya, nilapitan ko naman siya at tiningnan si Cherish na ngayon ay nakahawak sa kanyang pisngi.




"I am so disappointed in you Cherish, I never expected that you are like this. She is your sister, you have the same blood going through your veins." naiiling na sabi ko sa kanya.




"sister, pa? I don't have any sister! I am your only daughter and it will always be like that! I'll never accept someone like her to be my sister! She's a trash, a tramp, a social climber and a gold digger!" nasampal ko siya sa mga sinasabi niya.




" How dare you slap my granddaughter, Charles?! Wala kang karapatan na saktan ang apo ko!" sigaw ni mom Avira.






"Mom! naririnig mo ba ang sinasabi ng apo mo?! Sarili niyang kapatid ang sinasabihan niya ng mga bagay na iyon. Bunso kong anak na apo niyo mom." sabi ni Marga.






" Bakit? tama naman ang sinabi ng apo ko, isang social climber, gold digger at basura ang babaeng iyon. Gaano kayong nakakasiguro na siya nga ang anak niyo?"naiiling na lang ako sa mga naririnig ko.







"Are you hearing yourself Avira? Are you also blind to not see the resemblance between Chelsea and our daughter? I don't know why you're being like this. You two are the only one who cannot accept the fact that she is a part of this family." sabi ni dad Marco.





Abandoned WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon