Chapter 27

2.1K 74 10
                                        

Jovie's POV

Kasalukuyan akong naririto sa opisina ko at pinipirmahan ang mga papeles na kailangang aprubahan. Tumawag sa akin kanina si Jovanne at sinabi niyang dumating na ang report mula sa mga tauhan namin.

Sinabi din niya ma kakailanganin namin sina papa at Chandler sa pag uusapan dahil may kinalaman ito kay Chelsea, kaya naman ay tinawagan ko sila kanina at pinapapunta dito sa aking opisina.

*knock* *knock* *knock*

Narinig kong katok mula sa pinto kaya naman sinabihan ko itong tumuloy. Nakitang kong pumasok si Jovanne at iniabot niya sa akin ang dala dala niyang folder. Tinanggap ko naman ito at binuklat. Siya naman ay umupo sa upuan na malapit sa aking lamesa.

" Ayon sa mga report ng mga tauhan natin ay hindi si Jovannie ang master mind. At naniniwala ako doon dahil unang una sa lahat ay wala namang intensyon si Jovannie na gawan ng masama si Chelsea. Pero may nahuli ang mga tauhan natin at mula sa taong nahuli nila ay nalaman nila ang pangalan ng Master mind at walang iba kundi ang pangalang Maria Francesca Cardiño. Siya ang utak sa lahat ng nangyari kay Chelsea. Pati na rin ang pagkakasagasa sa kanya noon" sabi niya kaya naman napatingin ako sa kanya mula sa pagbabasa ng mga report. Lahat ng sinasabi niya ay naririto sa report ng mga tauhan namin.

"Pero sino ang taong ito at ano ang kinalaman niya kay Chelsea? Paano nga pala ang pina iimbestiga ko tungkol sa nangyari sa kanya noon na pangingidnapp sa kanya?" tanong ko sa kanya at muling binasa ang mga nasa report.

"According sa taong kumidnap kay Chelsea na kasalukuyang nasa kulungan. Mayroon lang daw na nag utos sa kanya na kidnappin si Chelsea katumbas mg malaking halaga. Hindi niya alam ang pangalan ng lalaki pero kaya niyang idescribe ang itsura nito kaya naman nag utos ako ng sketcher para idrawing ang lalaking nag utos sa kanya na kidnappin si Chelsea. Ipinahanap ko kung sino ang lalaking ito at napag alaman ko na ang pangalan ng lalaking ito ay Carlos Daniel Dirañas. Nang mahanap siya ng mga tauhan natin ay tinanong nila ito kung sino ang nag utos sa kanya na ipagawa iyon at ang binanggit niyang pangalan ay Maria Kayla Cardiño. " mahabang paliwanag niya. Cardiño? Ano ang relasyon ni Maria kayla Cardiño at Maria Francesca Cardiño?

"Ano naman ang connection nilang dalawa?" tanong ko sa kanya.

"Sa makikita mo sa ibinigay ko ay naririyan ang birth certificate nung Maria Francesca Cardiño at nakasaad diyan na ang pangalan ng kanyang Ina ay Maria Kayla Cardiño pero hindi nakasaad riyan ang pangalan ng kanyang ama. Ipinakuha ko na rin ang impormasyon ni Maria Kayla Cardiño at ang pangalan ng kanyang ina ay Mikaela Cuevas Cardiño at ang pangalan ng kanyang ama ay hindi rin nakasaad diyan sa birth certificate na lubos kong ipinagtataka. Dahil parehas silang mag ina na walang ama na nakalagay." kahit man ako ay nagtataka.

"Wala ka bang nakuhang larawan man lang? " tanong ko sa kanya.

"Wala, dahil nalaman ko lang amg mga pangalan nila mula sa mga naging tauhan nila. Pero ang sabi nung Carlos ay patay na raw si Maria Kayla Cardiño at hindi niya na alam pa kung nasaan na ito o kung totoo nga bang wala na ito. " sabi niya sa akin. Napatango naman ako. Maya maya ay dumating na rin sina papa at Chandler.

"Pa may mga ilang impormasyon na kaming nakuha. Nagsalita na kasi yung dating yaya ni Chelsea kung sino ba talaga ang nag utos sa kanya. Ang sabi niya ay hindi niya raw kilala ang lalaki. Binayaran lang daw siya nito para gawin ang pagkidnap katumbas ng malaking halaga. Naghire si Jovanne mag sketcher para malaman namin kung ano ang itsura nito at maipahanap namin. Nahanap naman ito at itinago sa isang tagong lugar kasama ang mga tauhan namin. Ang sabi nito na ang nag utos sa kanya ay nagngangalang Maria kayla Cardiño. May kakilala ka bang Maria Kayla Cardiño, papa?" tanong ko sa kanya. Nag isip naman si papa.

"Hindi ko kilala ng personal ang mga Cardiño pero naalala ko na isa silang mayamang pamilya noon pero sa isang iglap ay nalugi sila dahil narinig namin na nalugi ang kanilang negosyo. Nag back out daw kasi ang pinakamalaki nilang investor. Nang magback out ito ay nagsunuran na pati ang iba kaya tuluyan na itong bumagsak. Naalala ko din na may kaeskwela ako na Cardiño dahil naririnig ko ito sa ibang mga studyante. "tumango naman ako sa sinabi ni papa.

" Baka kilala ni mama ang mga Cardiño dahil kung hindi mo naman pala kilala ang mga ito ng personal ay bakit nila gagawin kay Chelsea iyon?" sabi ko sa kanya. Napatango naman siya.

"Oo nga papa, baka kilala ni mama ng mga Cardiño dahil bakit nila kailangan ipakidnap si Chelsea noon?" tanong naman ni Chandler.

"Sa tingin ko din. Puntahan natin ang asawa ko sa bahay. Naroroon lamang siya ngayon." sabi ni papa, kaya naman ay sinabi ko na imove na lang ng schedules ko dahil weekends na bukas at next week naman ay ang birthday na ng kambal. Kaya free ang sched ko this whole coming week.

Agad naman na kaming nagtungo sa Levesque Residences at habang papunta kami roon ay napapaisip ako. Gaano ba kalaki ang kasalanan ng pamilya ng asawa ko na si Chelsea para gawin nila iyon? Ang pangingidnap sa isang batang walang kamuwang muwang at walang laban.

Bakit kailangan pa nilang pasagasaan si Chelsea sa araw na iyon na dahilan kung bakit siya nacomatose. Ano ba amg gusto ng mga Cardiño sa pamilya Levesque.

Nang makarating na kami ay agad na nagtungo si papa sa garden ng kanilang bahay kaya sumunod naman kami at nadatnan namin si mama na nagbabasa ng libro.

"Hon, I'm here with Jovie and Jovanne." sabi ni papa kaya naman napatingin sa amin si mama at nagtawag ng katulong para magpahanda ng snacks at drinks. Nang maihanda na ang mga ito ay agad na umalis ang mga katulong at kami naman ay naupo.

"Ma we were investigating kung ano ang nangyari kay Chelsea noon at kung sino amg master mind. We were able to find out who they are pero hindi namin alam kung ano ang connection nila sa pamilya natin. Papa said that nalugi ang kumpanya ng mga Cardiño. Does the name Maria Kayla Cardiño soumds familiar to you? " sabi ni Chandler.

"Cardiño? Di ba hon sila yung pamilya na nabankrupt dahil nalugi ang kanilang negosyo. " tanong ni mama kay papa.

"Oo. Pero kilala mo ba sila? I mean do you even know them personally?" tanong ni papa. Natahimik naman si mama at nag isip.

"I can remember something from when I was a child. I was hugging kuya Marco back then kasi naririnig namin na nag aaway sina mom at dad. They were talking about someone at narinig ko ang Cardiño. I forgot what they were talking about since medyo bata pa ako. I could ask my kuya Marco dahil baka may naaalala siya. Also I could ask my parents once na makauwi na sila from their European trip. Hindi kasi sila makontak sa ngayon unless sila ang tatawag at medyo matatagalan yun.  Pero they'll be home after 2 weeks. We could ask them. I want to know as well dahil sila pala ang may pakana kung bakit nawala si Chelsea sa piling namin dahil sa napaka habang panahon." sabi ni mom.

"Don't worry ma. I'll find out everything I can para malaman ko ang nangyari noon. Aalamin ko ang pinag ugatan ng lahat."

"I'll also try to contact lolo and lola para mas mapaaga ang kanilang uwi at malaman na din nila na nahanap natin si Chelsea. " sabi naman ni Chandler.

" That's great. We have to go home na rin po. I'm sure na hinihintay na nila ang pag uwi ko. Mauna na po ako ma, pa t Chandler. " paalam namin aa kanila.

"Sige hijo. Dadalawa na lang kami sa inyo sa susunod" tumango naman ako sa sinabi ni mama.

Matapos nun ay nagtungo na kami ni Jovanne sa sasakyan. Habang nasa daan kami pauwi ay ipinangako ko na proprotektahan ko sila at aalamin ko ang katotohanin.

..

***************************************

What do you think?

Nabura yung unang gawa ko. Kaya inulit ko mas mahaba pa naman yun pero antok na talaga ako. Bukas na lang ulit guys.. Good night ..

Sana nagustuhan niyo ang Chapter na ito.

Read my other stories as well.

Vote

Comment

Share

Follow me on my profile.

Thank you sa mga nagbabasa.

Abandoned WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon