Chapter 22

3K 94 36
                                    

Chandler's POV






Its been 3 weeks since lumabas ang resulta ng DNA test at positive ang resulta. Tuwang tuwa si dad sa nalaman niya. Gusto man niya na ipaalam agad kay na mom ay hindi niya agad ginawa dahil sa pakiusap na rin ni Jovie. More than a week na rin since ng makauwi si Chelsea at ang kambal sa mga Santillan and dad called Jovie to inform na sasabihin na sa family namin.



















Papunta ako ngayon sa library kung nasaan ngayon si dad. Ipinatawag na rin niya sina mom at iba ko pang mga kapatid na sina Cherish at Chester para ipaalam na din. Panigurado ako na ikagugulat nila ito dahil ganoon din ang naging reaction ko ng malaman ang tungkol dito.











Nang makarating ako ay kumatok muna ako at pumasok na sa loob. Nadatnan ko si dad na nakangiting nakatingin sa picture ni Chelsea

Tinawag ko si dad kaya naman agad siyang lumingon sa akin at ngumiti

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tinawag ko si dad kaya naman agad siyang lumingon sa akin at ngumiti. Agad din naman niya ibinalik ang tingin sa picture ni
Chelsea.



















"Napaka ganda ng kapatid mo Chandler. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko sa oras na makaharap na natin siya. Ano kaya ang magiging reaction niya? Magiging masaya ba siya dahil magkakasama sama na tayo o magagalit siya dahil hindi ko ginawa ang lahat para mahanap ko siya noon?" tanong sa akin ni dad. Lumapit naman ako sa kanya at tinapik ko siya sa balikat.



"You did the best that you can dad. Sa tingin ko naman ay hindi siya magagalit lalo na kapag nalaman niya na ginawa mo ng lahat ng makakaya mo para ipahanap siya noon at malalaman niya kung gaano niyo siya kamahal ni mommy" sabi ko.












"Sana nga anak. Nagsabi na ako kay Jovie na pupunta tayo sa kanila bukas para ipaalam na kay Chelsea ang lahat." napatango naman ako sa narinig ko. Magsasalita na sana ako ng marinig namin na may pumasok sa pintuan.















Sabay sabay na pumasok sina mom, Cherish at Chester kaya agad na itinago ni dad ang picture ni Chelsea. Umupo naman sila sa mga upuan na naroroon. Tumabi naman ako kay mom.













"Hon, bakit mo nga pala kami ipinatawag?" tanong ni mom.










" Oo nga dad. Aalis ako dapat ngayon with my friends." sabi ni Cherish. Napailing na lang ako dahil lagi na lang ito lumalabas kasama ang mga kaibigan niya.










"I was sleeping in my room so this seems to be important para lahat tayo ay naririto. " sabi ni Chester.
















"Mga anak, may hindi kami sinasabi ng mommy niyo sa inyo. We're sorry for keeping this a secret from you guys pero sana maintindihan niyo na masakit para sa amin ng mommy niyo ang ang nangyari kaya pinili namin na hindi na lang sabihin sa inyo" sabi ni dad. Si mom naman ay narinig ko ang biglang pag gasp at paghinga niya ng malalim.












Abandoned WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon