Jovie's POV
Nandidito kami ngayon sa loob ng pribadong opisina namin sa bahay. Kasama ko si dad, papa, lolo Marco, Chandler at si Jovanne. Nang makaupo na kaming lahat ay agad ko siyang tinanong.
"May kilala po ba kayong Cardiño Lolo Marco? Maria Kayla Cardino, Maria Francesca Cardino at si Mikaela Cuevas Cardino" tanong ko agad sa kanya. Agad naman siyang napahinto ng marinig ang last name na iyon.
"Hindi ko kilala ang sinasabi mo na Francesca pero kilala ko Mikaela Cuevas Cardino at ang anak nito na si Maria Kayla." sabi ni Lolo Marco kaya naman napatingin kaming lahat sa kanya.
"Sino sila papa at anong koneksyon nila sa atin. Bakit kailangang mangyari na makidnap ang anak ko?" tanong ni papa Charles.
"Naging kasintahan ko si Mikaela bago pa man kami nagkakilala ni Avira. Magkababata kami ni Mikaela bago naging kami at siya ang kauna-unahang kasintahan ko. Nagkahiwalay kami dahil kailangan na nilang umalis papuntang amerika at walang kasiguraduhan ang kanyang pagbabalik. Nasaktan ako pero kalaunan ay nawala din ang sakit hanggang sa makilala ko si Avira, nakipagkaibigan ako sa kanya, niligawan ko ito at maging kami. Kasal na kami at may mga anak na ni Avira ng bumalik si Mikaela mula sa amerika. Pinuntahan niya ako sa aming kumpanya at kinausap pero sinabi ko sa kanyang ako'y mayroon nang pamilya. Nakita ko kung paano siya nasaktan mula sa mga nalaman niya. Sinabi niyang magbabalik pa siyang muli. Nakalipas ang mga buwan ay nag away kami ni Avira. Kaya napagdesisyunan kong lumabas at uminom. Isa palang maling desisyon ang ginawa kong iyon. Nakita ko na naroroon si Mikaela at umiinom. Nag inuman kami sa magdamag hanggang sa naging mabilis na lang ang pangyayari. Nagising na lamang ako na katabi ko si Mikaela. Nagmadali agad akong makauwi at iniwan siya roon. Matapos ang araw na iyon ay hindi na nagpakita sa akin si Mikaela. Limang taon na noon si Marga at pitong taong gulang naman si Marcus nang magpakita sa akin si Mikaela. May kasama siyang tatlong taong gulang na bata at sinasabi niyang ito'y anak namin. Noong una ay hindi ako naniwala hanggang sa nagkaroon kami ng D.N.A test na nagpapautanay na anak ko nga si Kayla. Nalaman ito ni Avira at nagalit siya. Nagsumbong siya sa mga magulang niya, sinumbong nito tungkol doon at nagalit din ang mga ito kaya naman ay binawi nila ang investment nila sa kumpanya ng mga Cardino. Dahil sa sila ang may pinakamalaking stock holder at investor sa kumpanya ay nalugi sila na naging dahilan para bumagsak ang kumpanya." mahabang kwento ni Lolo Marco. Nagulat naman ako sa nalaman. So anak pala ni Lolo Marco ang Kayla na iyon. Pero ano ang kinalaman nila sa nangyari kay Chelsea.
"Pa, ibig sabihin ay may kapatid sa labas si Marga. Pero, anong dahilan kung bakit nakidnap si Chelsea." tanong ni papa Charles.
"Sa totoo lang ay hindi ko rin maunawaan kung ano ang dahilan kung bakit nawala ang apo ko na si Chelsea. Pero kung ang sinasabi niyo na ang utak ng plano sa pagkidnap kay Chelsea noon ay si Kayla ay ako na mismo ang magpapakulong sa anak ko na iyon. Marahil ay galit ito sa akin dahil sa nangyari sa mama niya. Ang huling beses na nakita ko siya ay naaalala ko na nagpunta sa bahay si Kayla noon para humingi ng tulong para sa pag aaral niya dahil hindi na daw kinakaya ng mama niya ang magtrabaho ngunit pinaalis siya ni Avira. Isang araw nabalitaan ko na lang na namatay si Mikaela at ng subukan ko hanapin si Kayla ay hindi ko na alam kung nasaan na siya." hindi namin inaasahan ang nalaman namin.
"Pero, lolo Marco. Kung sinasabi niyo nga ang mga iyan ay ang simula at lahat ng dahilan ng kaguluhan na ito ay dahil sa paghihiganti nila? Dahil sa pagtaboy ng asawa niyo sa kanila noon. Anong kinalaman nito kay Chelsea." tanong ko kay lolo Marco.
"Pasensya na hijo. Kung ang sagot sa tanong mo ay hindi ko masasagot. Ang tangi lang natin magagawa ay mag isip ng mga possiblities kung bakit nagawa ang pagkidnap."
"May larawan ka ba nung Kayla, papa? " tanong naman ni papa Charles.
"Meron, pero may kalumaan na ito." inabi ni Lolo Marco yung picture. Nakita ko ang panlalaki ng mata ni papa Charles. Katabi naman niya si dad na napansin kong nanlaki din ang mata.
BINABASA MO ANG
Abandoned Wife
General FictionTEASER " why??! why did he leave me right after our marriage?? and now its not just me... as well as our child I'm now carrying" iyak ni Chelsea habang nasa isang pribadong kwarto ng hospital matapos sabihin sa kanya ng tao na kamukhang kamukha ng a...