Chapter 28

1.8K 56 5
                                    


Jovie's POV

Kasalukuyan kaming nasa garden  kasama ang kambal. Nagpalatag ako ng mat para pwede silang gumapang at paminsan minsan ay sinusubukan nilang tumayo. Bukas na ang kaarawan nila at excited na kami ni Chelsea.

"Jovie, may ginawa akong maruya, baka gusto mong kumain?"tanong ni Chelsea na kararating lang at nakasunod si Issa.

"Sure, I would love some" sabi ko sa kanya. Inabot naman niya sa akin at tinanggap ko ito.

Kumakain ako nang lumapit sa akin si Letitia. Pinapalo  ako nito kaya naman tinawanan ko ito. Mukhang gusto kumain.

"Wife, Can Letitia eat maruya?" tanong ko rito.

"Yes pero wag madami dahil mag didinner na." sabi niya sa akin kaya naman pinakagat ko si Letitia dahil may ngipin na naman siya.

"Masarap ba princess. Luto ni mommy yan" sabi ko rito. Tumango naman ito na naiintindihan na sinasabi ko. Tiningnan ko naman si Sachi at napailing na binebreastfeed ito ni Chelsea. Mas maarte ito, ayaw kumain at mas gusto pa ang milk. Di rin naman namin mapilit na mapakain.

"Ayaw ba kumain ni Sachi." tanong ko sa kanya." umiling naman ito.

"Ayaw, minsan kumakain pero madalas ayaw." sabi niya sa akin.

"Maybe in a few months. Pero wag na muna natin pilitin. " tumango naman ito. Pinalo naman ako ni Letitia at nakita ko itong nakanganga. Natawa naman ako. Napatingin naman sa akin si Chelsea.

"Pakainin mo daw ulit si Letitia. " sabi niya sa akin na natatawa. Sinubuan ko naman ulit ito bago pa mainis.

"Napakamainipin naman ng princess ko. Excited ka na ba sa birthday mo tomorrow? " sabi ko rito at pinaghahalikan ito sa pisngi.

"Dadadadada" sabi ni Letitia habang pumapalakpak. Binuhat ko naman ito at tumingin kay Chelsea at si Sachi na nakayakap kay Chelsea habang tumatawa.

"Wife, let's get inside already. i think its going to rain." sabi ko sa kanya. Tumango naman ito at pumasok na kami sa loob. Dumiretso na kami s playroom ng kambal. Pinaligpit ko naman kay na Issa ang garden.

"Jovie, I'll just go to the kitchen para maipaayos ko na ang dinner natin. " tumango naman ako habang nilalaro ko ang kambal.

Naglalaro lang kami ng dumating si Jovanne. Napatingin naman ang kambal dito. May mga pagkakataon na nalilito ang kambal sa aming dalawa kaya naman itong si Jovanne gustong gusto na niloloko ang kambal, lalong lalo na si Letitia.

"Dada?" tumingin naman si Sachi sa akin at kay Jovanne. Kaya natawa ako.

"It's Tito Jovanne Sachi" sabi ko sa kanya.

"Toto?" tanong naman nito.

"Yes, my gwapong pamangkin. Namiss ka ni Tito at may pasalubong akong toys" pagkasabi niya ng toys ay tumingin naman si Letitia sa kanya at gumapang palapit. Naiiling na lang ako. Basta talaga laruan itong si Letitia.

"To, biebie?" tanong ni Letitia na ang ibig sabihin ay barbie doll.

"Yes, my beautiful princess." sabi nito at inilapag na ang mga laruan. Paniguradong may manenermon nanaman mamaya. Ayaw na ayaw ni Chelsea na ma spoiled ang kambal pero ayaw magpaawat nina mommy at jovanne, kung minsan ay ako din.

"Sermon nanaman ang aabutin mo niyan sa asawa ko. " sabi ko sa kanya. Tumawa lang naman ito.

"Hahaha.. Alam mo naman na sila lang pamangkin ko kuya." sabi niya sa akin.

"I know, mas dadami pa ang laruan ng dalawa dahil birthday na nila bukas tapos nagdala ka pa. For sure may regalo ka nanaman bukas. " sabi ko sa kanya.

Abandoned WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon