Chapter 34

696 30 5
                                    

Jovie's POV


Kasalukuyan akong pauwi galing sa opisina. Hindi naman ako nagtagal dahil pinirmahan ko lang ang mga importanteng papeles. Habang papalapit na ako sa village namin ay May nakita ako.

Habang papalapit ay unti unti ko nakikilala kung sino iyon. Si Jovanie na naglalakad kasama ang anak nito. Napabuntong hininga naman ako.

Nang makapagpasya ako ay huminto ako at bumaba agad.

"Jovannie" tawag pansin ko sa kanya na agad naman akong nilingon.

"Kuya." Napabuntong hininga ako ulit bago nagsalita.



"Kung ang punta mo ay kay mom, get in the car. Isasabay ko na kayo. " Mukhang nag iisip naman ito. Tumingin muna siya sa anak niya bago Sumang ayon at sumakay sa kotse.

Nang makasakay na sila ay sumakay na rin ako at nagsimulang magmaneho papasok ng village.



"I'm sorry kuya" napatingin naman ako saglit kay Jovannie ng marinig ko sa kanya iyon.



"What are you apologizing for?" Tanong ko naman.



" For everything. I..... I.... I didn't know " nang makita ko na nasa bahay na kami ay huminto ko na at tumingin sa kanya.




"About what?" Itim bagang kong tanong.








"About everything that happened" nakayuko lang siya habang hinihimas ang likod ng baby.





"Everything happened dahil nagpakabaliw ka sa kyleigh na iyon."




" I know kuya. That's why we are here, me and Vaughn. Hindi alam ni Sydney na umalis kami ngayon. After ng pagpunta ko dito ay nagpagawa ako ng sarili kong imbestigasyon. " Nang umingit ang anak niya ay napabuntong hininga ako.



"The child is not comfortable anymore. Ang mabuti pa ay pumasok na muna tayo. " Pagkasabi ko nun ay lumabas na ako ng sasakyan.

Pagkalabas ko ng sasakyan ay nakita ko si mom na naglalakad palapit sa akin pero ng makita niya na May lumabas sa kabila ng sasakyan ay agad niya itong tinungo.


"Anak, bakit ngayon ka lang. Come on, let's get the two of you inside. " Napailing na lang ako. Once na makauwi si dad from his business trip ay magagalit ito.

Sumunod naman ako sa kanila.  Tanong lang ng tanong si mom at si Jovannie ay sumasagot naman kahit papaano. Maya maya ay umiyak ang anak ni Jovannie.

"Akin na ang apo ko Jovannie." Kinuha ni mom ang bata mula kay Jovannie. Sinusundan ko lang sila.



"Mom, Vaughn is heavy. Ako na po ang magbubuhat sa kanya. " Pagbawi ni Jovannie sa bata pero umiling lang si mom.



" Di hamak na mas mabigat si Sachi, anyways. Mukhang inaantok na ang anak mo. Jovie, if you don't mind ay doon ko muna sa kwarto ng kambal ko ihihiga ang anak ng kapatid mo" nakatingin si mom sa akin habang sinasabi iyon. Tumango na lamang ako kaya naman ay pinatawag niya ang isa sa minsang nagbabantay sa kambal para patulugin ang bata.



"Hayaan mong makatulog muna ang bata. Doon tayo sa opisina ng daddy niyo muna. " Sumunod na lamang kami kay mom.




"Nasaan pala si dad? " Tanong ni Jovannie.



"Wala dito si Dad niyo at nasa business trip. Sa isang araw pa ang balik niya. Si Jovanne naman ay mamayang hapon pa ang uwi at may meeting siya hanggang 4pm. "




Abandoned WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon