Chandler's POV
Naririto pa rin kami sa hospital kasama ang mga Santillan. Kasalukuyan naming inaantay na ilipat sa kwarto si Chelsea. Ayaw pa umuwi ni Dad hangga't hindi pa nadadala sa kwarto at nakikitang muli ito. Nilapitan ko naman si Jovanne.
"Bro, hindi kamusta na? Last na pagkikita natin ay noong nakaraang taon pa" sabi ko sa kanya. Ang totoo niyan ay si Jovanne lang ang kilala ko sa tatlong magkakapatid. Siya lang ang naging kaibigan ko sa kanila.
"Oo nga ee, Sobrang naging abala lang talaga ako. Gusto mo ba makita ang mga babies? Tara punta tayong nursery, hindi ko masyado nakita kanina dahil kay mom" sabi niya kaya naman ay tumago ako.
"Vanne, pwedeng magtanong kung ano ang ugali ni Chelsea" Curious ako kung ano ang personality niya. Kung ano ba sino at ano ang tingin sa kanya ng mga tao. Gusto ko na makita at makilala siya kahit papaano.
"Hmm? Si Chelsea? Mabait, sobrang bait niya, mapagbigay at laging tumutulong sa kapwa niya. Alam mo ba na laging humihiling sa amin si Chelsea?" sabi niya sa akin. Humihiling?
"Ano naman ang hinihiling niya?" tanong ko kay Jovanne habang papalapit na kami sa nursery.
"Tuwing hihiling siya sa amin ay laging para sa iba. Hiling na tulungan ang mas nangangailangan. Wala pa siyang hiniling sa amin na para sa kanyang sarili. Palakaibigan din siya at madaling makagaanan ng loob. Hindi siya mahirap pakisamahan." Pagkukuwento niya.
"Alam mo ba kung saan siya lumaki?" tanong ko sa kanya.
"Ang kwento sa akin ni Chelsea ay naampon na siya sa edad na 8 years old ng may kayang mag asawa. Maayos naman ang trato sa kanya ng mga naging magulang niya pero walang ibang kamag anak ang mga ito sapagkat parehong walang kapatid ang umampon sa kanya. Naunang mamatay ang naging ama-amahan niya sa edad na sixteen years old dahil sa aksidente. Makalipas ang isang taon ay ang naging ina-inahan niya naman ang nawala dahil inatake naman ito sa puso. Nakapagtapos naman siya ng pag aaral sa pamamagitan ng pera na naiwan ng mga umampon sa kanya kasabay rin ng kanyang pagiging working student." Pagsasalaysay sa akin ni Jovanne habang nakatingin sa mga pamangkin niya na malaki ang possibility na ito ay mga pamangkin ko din.
Hindi ko maisip ang buhay ko na ganoon dahil marangya ang nakagisnan ko na buhay. Hindi ko inisip ang pagtratrabaho noong ako'y nag aaral ng kolehiyo. Wala akong dapat intindihin sa gastuhin ko sapagka't lagi naman ito ibinibigay nina mom at dad. Tanging pag aaral ko lang ang aking dapat atupagin.
"Pero, paano sila nagkakilala ng kapatid mo? " tanong ko sa kanya kaya naman ay napatingin siya sa akin.
"That's for another time. Sa tingin ko ay hindi pa ito ang right time na malaman niyo ang tungkol doon hangga't hindi pa lumalabas ang DNA test result. Hindi naman sa gusto namin itago ito pero gusto lang namin protectahan si Chelsea. I hope you understand the situation bro" matapos niya iyon sabihin sa akin ay muli siyang tumingin sa mga pamangkin.
BINABASA MO ANG
Abandoned Wife
General FictionTEASER " why??! why did he leave me right after our marriage?? and now its not just me... as well as our child I'm now carrying" iyak ni Chelsea habang nasa isang pribadong kwarto ng hospital matapos sabihin sa kanya ng tao na kamukhang kamukha ng a...