Chelsea's POVKasalukuyan na kaming papunta sa airport para sunduin ang grandparents ko sa side ni mama. Naka convoy na lang kami dahil hindi na kakasya sa sasakyan na dala nina papa. Dito naman nakasakay si mama sa amin at kalong kalong niya si Letitia habang si Sachi naman ay nasa car seat niya.
"Alam mo ba Jovie na light sleeper din si Chelsea noong bata pa katulad ng apo kong si Letitia." pagkukwento ni Mama kay Jovie na katabi ng driver.
"Ganoon ba mama. Mukha nga po dahil madalas kapag nauna akong bumangon ay agad na nagigising si Chelsea." sabi naman nito kay mama.
" Kaya nga sobrang ingat ko kapag iniiwan ko siya sa kwarto na madalas ang nangyayari ay sinasama ko na lang siya sa kwarto namin ni Charles." sabi nito at inaalala ang mga nangyari.
"Katabi din namin siya bago ang araw na nawala siya. Sobrang sakit para sa akin ng nangyaring iyon. Alam mo ba bunso na naroroon pa rin ang kwarto mo sa bahay. Bukod tanging kami lang ng papa mo ang nakakapasok doon." sabi naman ni mama sa akin.
"Huwag mo ng alalahanin iyon mama. Ang importante at nagkita at nagkakasama na tayo" sabi ko sa kanya at nginitian ko siya.
"Oo, paniguradong matutuwa ang lolo at lola mo lalo na nakita ka na namin. " sabi niya sa akin.
"sino po ba ang mas kamukha mo mama?" tanong ko sa kanya.
"Girl version ako ng lolo mo at ang Tito Marcus mo naman ay kamukha ng lola mo. Pero mas kaugali ko si mama kaysa kay papa." sabi naman niya sa akin.
" Ganoon po ba. Sa tingin niyo po ba ay magugustuhan nila ako? Apo man nila ako ay matagal akong nawalay sa pamilya" tanong ko sa kanya habang nakayuko.
"Don't worry. They will love you like they did when you were still a child." sabi sa akin ni mama kaya naman ay napangiti ako.
Maya maya ay nakarating na kami sa arrival area at hinihintay na lang namin sila na lumabas. Naannounce na nakalapag na ang eroplano pero marahil ay inaantay na lang ng mga bagahe kaya hindi pa sila lumalabas.
"I can't wait to see lolo and lola again. Sabi kasi nila kuya ay marami silang pasalubong for me Kuya Chester. " sabi ni Ate Cherish kay kuya Chester.
Hanggang ngayon ay di pa rin kami nagkakasundo ni Ate Cherish. Lagi siyang may pasaring sa akin. Ang tanging kasundo ko lang ay si Kuya Chandler. Samantalang si Kuya Chester ay palaging tahimik.
"Yeah, you said it a while ago sa car, wag kang paulit ulit" sabi naman ni kuya Chester. Kumapit naman si Ate Cherish sa braso ni kuya at naglambing. Nakita ko naman na tumawa si kuya Chester.
Minsan naiinggit ako sa closeness nila. Lumaki ako na walang kinikilalang kapatid. Lumaki akong mag isa. Sinusubukan ko namang maging malapit kay na ate Cherish at kuya Chester pero mas madalas ay ilag sila sa akin. Until now ay ginagawa ko pa rin pero dumadating na lang sa point na tatahimik ako.
"mamamama.. Mik.." sabi ni Sachi. Kaya naman ay nagpaalam na ako sa kanila at doon na lang muna sa sasakyan namin para ibreastfeed si Sachi. Buhat naman ni mama si Letitia na nilalaro ni Kuya Chandler.
Habang nasa sasakyan ako ay nakatingin lang ako sa kanila. Minsan kapag inaaya nila kaming kumain ay tumatanggi ako. Pakiramdam ko kasi minsan ay hindi ako kasali sa kanila. Lalo na kay na ate Cherish at kuya Chester. Umiwas na lang ako ng tingin at tiningnan si Sachi.
"Bakit ba ang takaw takaw ng baby ko" sabi ko sa kanya at tumawa lang ito. Maya maya ay umayaw na ito kaya naman inayos ko na ang sarili ko. Dumito na lang kami sa loob ng sasakyan habang nilalaro ko ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/109722773-288-k352111.jpg)
BINABASA MO ANG
Abandoned Wife
Ficción GeneralTEASER " why??! why did he leave me right after our marriage?? and now its not just me... as well as our child I'm now carrying" iyak ni Chelsea habang nasa isang pribadong kwarto ng hospital matapos sabihin sa kanya ng tao na kamukhang kamukha ng a...