Unedited. Pagpasensiyahan na ninyo ang mga typos at wrong grammar.
Deyn Pov.
Mag isa akong nag lalakad ngayon sa parahan ng mga jeep pauwi sa amin. Hindi ko na hinintay si Sky para saan pa? Para mag mukhang ewan sa harap niya? Para I-torture tong puso kong mag pigil iyak sa harap niya? Kitang-kita naman na ng dalawa kong mata kung anong relasyon talaga ang meron sila ni Karissa wala ng dapat pag usapan pa at tanggapin kung anong meron sila. Atsaka sino ba ako? Isa lang naman akong tangang nagka crush sa gusto ng buong estudyante sa campus at may sabit pang Karissa.
Hinawakan ko yung dibdib ko at hinimas sa masakit na bahagi nito. Hindi naman na bago itong ganitong pakiramdam. I been frustrated all my life. May mas mga matitindi pa ngang pang yayari dito kaya anong Dina drama ko ngayon? Alam ko naman bukas wala na ito o kung hindi mawawala kusang mabubura nalang sa isip ko.
Lalaki lang yan. Marami pang iba diyan na hindi katulad nina Dad and Sky pareho lang silang may paraan kung paano saktan ang mga babae. Atleast ngayon naramdaman ko na sa susunod hindi na ako basta basta makikipag usap sa lalaki never! Nawalan narin ako ng interes sa kanila baka lumaki akong virgin. Mag madre nalang kaya ako? Hayst. Being attracted to a man once is enough.
Naka upo ako ngayon sa waiting shed para mag hintay sa mga susunod na jeep. Pero dahil sa pag lilipad ng isip ko mayat maya ako nilalampasan ng mga sasakyan hanggang sa may humintong pamilyar na kotse. Napalunok ako ng madiin at dali daling timalikod. Kinurot ko muna ang sarili ko para mabuhay ang matamlay kong pakiramdam. Pag harap ko ngumiti ako at nagkunwaring masigla.
Bumaba naman si Sky at agad na lumapit sakin sabay ngumiti ng pilit.
"Why didn't you wait?" Agad na singil nito sa akin.
"Maiistorbo ko lang kayo.. atsaka may paat kamay naman ako kaya kong umuwi ng mag isa. Okay lang kahit hindi na tayo mag usap tungkol sa nakita ko marunong naman ako mag respeto ng privacy."
"Its not about that.. please let's talk diba pumayag ka kanina? Bakit umalis ka?" Giit nito.
"May ibang araw panaman para mag usap, Dina may lakad pati kayo ngayon ni Rex? Sige ka magagalit yun."
"Kinansel ko na ang lakad namin." sagot nito.
"Kung ganon umuwi kana at mag pahinga." Naka ngiti kong saad sakanya.
May natanaw along jeep papara na sana ako ng pigilan ako ni Sky sa halip na mag pigil pa
Dahil sa pagod at gutom narin ako kaya nag pahila na lang ako papuntang kotse nito."Ihahatid na kita." Although he's forcing me but his face is still apologetic. Ipinag bukas niya ako ng pinto at sapilitang pina upo sa tabi ng driver seat.
Dating gawi ipapasok ko na lang sa isang tenga ko at ilalabas sa kabila kung ano mang sasabihin nito. Nang umupo na ito sa manibela agad akong tumingin sa bintana at tumulala. Nagulat ako ng bigla na lang itong lumapit sa akin to buckle my seatbelt.
I stopped him quickly.
"Ako na." Madiing sabi ko.
Kaylangan kong lumayo sa mga taong makakanakit sakin at isa nadon si Sky.
He started driving habang tahimik parin ang buong sa-sakyan. Naka tingin lang ako sa labas ng bintana at inaaliw ang sarili sa mga punong dina-daanan namin. It's up to him kung mag sasalita siya o hindi pero ngayon as much as possible ayokong makipag usap o makita siya ang gusto ko lang ang mag kunwaring hindi siya nakikita.
"What you saw is right.... me and Karissa are in a relationship." Biglang pag amin nito habang nag d-drive padin.
Nanatili lang akong naka tingin sa bintana. "Ahh okay... and you want me to close my mouth about it, diba?"
BINABASA MO ANG
My Badass Rebel Girl (on-hold)
HumorBehind her courage and defiance, there is a poor woman hiding something that should not be forgotten. I'm curious as to what it is. Can something improve if she meets someone she despises? Keep reading to find out what happens next. Genre: Rom-Com ...