Chapter 29

161 6 47
                                    

Unedited, ang tagal mag ud ni ako! , Enjoy!

Third Pov.

Labas masok ang ulo ni Deyn sa entrance ng hall kung saan gaganapin ang annual ball. Twenty minutes na siyang late sa call time pero nag a -alangang pa rin siyang pumasok.

Maaga pa sa actual na time ng party pero dahil sa organizer sila, they are required to be at the venue an hour earlier. Halos siya na lang ang natitirang miyembro na hindi pumapasok.

She saw Sky and Karissa who are instructing and helping some members in decorating the place. Natanaw niya rin sila Heven at Annie na busy sa pag aayos ng mga upuan at lamesa.

Sa kabila ng mga isinasagawang pag aayos, everyone is already prepared for the ball and wearing their formal outfits nicely may mga naka makeup din.

Pinag papawisan ang kaniyang malalamig na palad namumuo narin ang pawis sa mga nuo niya. Natatakot siyang pag tawanan. Nag sisi siya kung bakit nag pahulog siya sa pag e-enganyo sakanya ni Nicole na ayusan siya at papuntahin dito. Balak niya sanang mag pinta at maging lumpia roll sa kumot.

Dahil sa pag aalinlangan na pag desisyunan niyang bumalik sa sasakyan ni Nicole. Mag papalit siya ng mas kumportableng suot nakakatihan narin kasi siya sa suot niyang gala dress na dark blue long formal evening gown. Ang theme ng annual ball nila ay black at Gray pero dahil bida bida ang madrasta niya pinasuot sa kanya ay dark blue.

Palakad na siya paalis para tawagan si Nicole ng makita niya sa hindi kalayuan si Rex. Agad siyang tumalikod at nag lakad pabalik sa hall. Napakamot siya ng batok dahil sa hindi alam ang gagawin.

"A-ano... Nicole Huwag na pala babalik na ako sa hall." Tarantang sabi niya sabay lagay ng phone sa pouch bag.

Malalim siyang napag buntong hininga at kinurot ang sariling balikat para mawala ang kaba. Pinag kiskis niya rin ang kamay upang mawala ang panlalamig. Nilakasan niya ang loob. Bakit nga ba siya mahihiya? Eh maganda naman siya. May mas matindi pa nga ang mga itsura ng babaeng nakikita niya. Nag mumukha ng clown at coloring book dahil sa mga makeup.

Yung iba naman halos lumuwa na ang dibdib. Tapos yung mga lalaki fit na fit ang suot na pang ibaba akala mo naman ang lalaki ng betlog!

Nag ala ninja siyang pumasok sa hall. Walang ingay na tumungo sa pwesto nila Annie at Heven. Dumistansiya ng bahagya sa mga kaibigan niyang hanggang ngayon ay hindi parin siya napapansin.

Pasimple siyang tumulong sa pag aayos ng silya.

"Uy Miss!" Tawag ni Annie. "Kami dito kami ang nakatoka dito sa iba ka nalang tumulong noh!"

Nag-angat ng mukha si Deyn at biglang nanlaki ang Mata't bibig isama mo narin ang ilong nila Annie at Heven.

"OMG! My goodness kabayong bundat! Ikaw bayan Deyn!?" Sigaw ni Annie.

"Shhhhhhh! Huwag ngayon please wala ako sa mood at baka may mabalitaan na lang sa TV na may baboy na tinapon sa ilog." Mahinang awat niya sa kaibigan. Bigla siyang napatitig sa suot nitong black gown na hapit na hapit sa katawan nitong mataba.

"Nakakahinga pa ba yan?" Bulong niya.

"May sinasabi ka sis?" Nanliliit na mata na tanong ni Annie.

"Deyn is that you?" Napapangangang tanong ni Heven.

"Isa kapa! Huwag mo nga akong biruin mg ganyan. Subukan niyo lang akong pag tawanan susuntukin ko kayo! Ipapakain ko pa kayo sa piranha." Banta niya habang inaayos ang suot niyang gown.

Inangat ni Annie ang dalawang kamay nito patungo sa ulo nito tila may hawak na korona at ipapatong sakanya. "By the power vested in me, I pronounce you...... a true goddess!!" Biglang nagmulat ito at tumili."Ang ganda mo siss! Para kang anghel na hindi mababasag pakinggan grabeh! Natotomboy na atah ako! Sinong mag aakala na itong babaeng to bigla bigla nalang tatawa mag isa at mang sasaboy ng juice sa mukha may ibubuga pala? Naku share mo naman kung sino yang fairy godmother nag paganda sayo!"

My Badass Rebel Girl (on-hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon